Chapter 2
Justin's POV
"CUT! Good job Justin!" I could see the satisfaction in the face of our director because we finished the taping earlier than expected. Kailangan ko rin kasing dumiretso sa guesting na na-book ni Ate Max para sa akin. Minsan naiisip kong mas siya pa ang manager ko kaysa kay Charles dahil sobrang hands on ng kapatid ko sa career ko.
Nagsimula nang magpack-up ang mga tao at dumiretso naman ako sa dressing room ko. Tinulungan ako ni Hanna sa pagliligpit at pagbitbit ng gamit ko.
"Ako na rito-"
"Hindi, ako na po," Hanna couldn't look at me in the eyes. Lagi lang siya nakayuko o 'di kaya sa ibang direksyon nakatingin. I'm used to girls being like this but this shouldn't be the case with her. Lalo na at personal assistant ko siya.
Kinuha ni Hanna sa akin ang dapat sana'y bibitbitin ko. Hinayaan ko na lang dahil mapilit siya. Kaka-assign lang sa kanya ni Charles bilang PA ko kaya siguro ganito at mahiyain pa. Sa tuwing kinakausap ko kasi siya ay halos mangamatis na ang kanyang mukha. Wala pa siyang isang linggo dahil hindi ko naman talaga sana gustong magkaroon ng PA. Mapilit lang talaga ang ate ko.
Habang abala ako sa pagpapalit ng damit, pinagintay ko muna si Hanna sa labas ng kwarto.
"Hanna ano bang ginagawa mo't nakaganyan ka dyan?" Nagtaka ako sa sinabi ni Charles at napatingin sa nakaawang na pinto. Napabuntong hininga ako. Inayos ko na ang sarili ko at lumabas. Sumunod na rin sila sa akin.
It wasn't a long drive going to our next location. Magaling talaga si Manong John magmaneho dahil nakaiwas kami sa traffic. First guesting ko sa "Showbiz Stars" at gusto kong maging maayos ito. Dito ay sabay na ini-interview ang mga artista mula sa iba't ibang TV networks para mas kilalanin. Aside sa host. sa dulong parte ay binibigyan nila ng pagkakataon ang isa galing sa audience para magtanong sa mga artista. Syempre ay parte rin ng guesting ko ang pagpromote ng mga projects ko.
Sa parking lot, nakita kong may mga security nang nakaabang sa amin. Unang bumaba si Charles kasunod ni Hanna. Huli akong bumaba at gaya ng inaasahan ay bumungad sa akin ang tili ng mga fans na masipag na nagaabang sa akin palagi. Nakaharang naman ang mga security kaya hindi ko na sila nagawa pang makamayan lahat. I just waved and smiled at them. Excited na akong mas makasama pa sila dahil malapit na ang kauna-unahang FanCon ko.
To be honest, I didn't know it's possible to be famous in an instant. Pero nangyari ito sa akin kaya naman malaki ang pasasalamat ko. Bonus na lang ito dahil gusto ko ang ginagawa ko. Receiving these blessings are really unexpected and I'm not going to waste them.
Pagkarating namin sa loob ng studio, maging ang mga staff ay nagaabang sa akin. Abot tainga ang ngiti nila.
"Hi Justin! I'm Jessica, I'll be your host for Showbiz Stars!" A woman in all white, probably on her late 20s, introduced herself to us. Nakipagbeso siya sa akin at sa manager ko.
"Charles Santos, manager ni Justin."
"Oh hi Charles! We'll lead you to your holding area. Then usap muna tayo Charles after," She added.
Gaya ng sabi niya, nagpunta na kami sa magiging holding area namin. Bago pa man buksan ang pinto, nakita ko na kung sino ang makakasama ko dahil sa nakadikit na papel sa labas ng pinto.
Justin Kyler Dominguez
Anthony Cristobal
Kilala ko si Anthony dahil sikat na sikat siyang artista sa kabilang network. A lot of good articles came out about him even when I was staying abroad. Hanga ako sa dedikasyon niya sa trabaho. Kaya kung minsan ay nakakainis ang pagkukumpara sa amin. Kahit pareho lang kami ng edad, mas nauna naman siya sa industriyang ito kaya hindi kami dapat kinukumpara ng mga tao. Three years in the entertainment industry is a big deal. Lalo na nakaiwas siya sa mga issue at nagawa niyang manatiling sikat kahit na kung tutuusin ay napakahirap nito.
BINABASA MO ANG
Bring Him Down
عاطفيةAllison Naomi Fernandez can do everything for love - even if it means playing with fire. Kaya naman kahit na mahirap para sa kanya, para sa lalaking mahal niya ay magpapabagsak siya ng ibang tao. But the entertainment world is not an easy playing f...