Chapter 1
Allison's POV
"Are you okay babe?" tanong ko kay Anthony sa kabilang linya nang marinig ko ang malalim niyang buntong-hininga. Ramdam ko 'yung pagod niya kahit hindi niya sabihin. Sobrang tipid niyang magsalita and he's not usually like this.
Nagsimula na ang taping nila para sa kanyang bagong afternoon drama. Iniisip ko kung pagod lang ba siya dahil dito o may iba pang dahilan kaya siya ganito ngayon. Gusto ko pa naman sana siyang i-congratulate dahil akala ko masaya ang magiging bungad niya sa phone dahil sa bago niyang project. Alam ko matagal niya rin itong hinintay. Pero mukhang wala siya sa mood.
I'm not the type of girlfriend who overthinks and fight over petty things. Gusto ko lang malaman kung anong problema niya dahil baka makatulong ako kahit papaano.
"Wala babe. Pagod lang ako."
"Do you want me to come over?" I was hoping he'd say yes – like usual.
"Hindi na kailangan. Ayos lang ako. Ipapahinga ko lang 'to."
"Okay babe. Rest well. I love you."
And the call ended. Napatingin ako sa screen ng phone ko at nakitang wala pang 5 minutes ang paguusap namin. Malayong-malayo ito sa tatlo hanggang apat na oras na paguusap namin lagi noong nagsisimula pa lang kami.
"Alli bumaba ka na, kumain na tayo!" narinig ko si Kuya Mark kaya naman bumaba na rin ako para saluhan siya sa pagkain ng hapunan. Ayaw ko nang mag-isip pa dahil baka saan lang ako dalhin nito.
Tahimik akong naupo sa lamesa habang inaayos ni Kuya Mark ang binili niyang buttered chicken. Wala na rin kasi kaming oras para magluto dahil pareho kaming busy sa pagma-manage ng family business dito sa Pinas. I even have my own freelance jobs on Saturdays and Sundays kaya hindi ko alam kung saan ko pa maisisingit ang mga gawaing bahay. Mahirap rin kasing kumuha ng kasambahay.
Kaming dalawa lang ni Kuya Mark ang magkasama rito sa Pilipinas dahil ang buong pamilya namin nasa Amerika. Lima kaming magkakapatid. Si Kuya Mark ang panganay at ako naman ang bunso.
Ang pamilya Fernandez ay kilala sa paggawa ng kape hindi lang dito sa Pilipinas kung hindi maging sa ibang bansa. Humahango pa kami ng mga ingredients sa Amerika. This is our family business that's being carried over for generations. Pero wala lang siguro talaga rito ang puso ko kaya ang dami kong hindi sinunod sa gusto ng pamilya ko.
"Is there a problem with Anthony again?" Napatingin ako kay Kuya na ngayon ay nakaupo na sa harapan ko. Natulala pala ako nang hindi ko napapansin at nagiintay siyang magsimula ako sa pagkain. "Kaya nga sabi ko sa 'yo noon pa lang makipag-break ka na sa kanya. Ayan pinatagal mo pa."
"No kuya, naalala ko lang sina mama at papa," I replied. Natawa na lang ako sa kanya. Tinaasan niya ako ng kilay na para bang sinasabi niyang hindi siya naniniwala sa akin. Paano ba naman kasi ay saksi siya noon sa pag-iyak ko gabi-gabi dahil kay Anthony. Sa loob ng tatlong taong relasyon namin ni Anthony, ilang beses ko na siyang iniyakan. Siguro dahil mahal na mahal ko siya. Siya kasi ang first love ko.
Kuya Mark already warned me about his teammates but I didn't listen and fell in love with Anthony. Naging crush ko siya ng mahigit sa apat na taon kaya sobrang saya ko nang siya na mismo ang gumawa ng paraan para magkalapit kami noong nasa America pa ako.
Isa si Anthony sa mga rason kung bakit ako bumalik ng Pilipinas pagkatapos ko magkolehiyo sa Amerika. Bukod pa ito sa hilig ko sa photography. Parehong hindi pinapaburan ng pamilya ko si Anthony at ang pagiging photographer ko. Ayaw nila kay Anthony dahil wala itong stable na trabaho. Ang pagiging artista raw kasi ay maaring mawalang parang bula. Magulo rin ang showbiz at ayaw nilang pumasok ako sa mundong ito.
BINABASA MO ANG
Bring Him Down
RomanceAllison Naomi Fernandez can do everything for love - even if it means playing with fire. Kaya naman kahit na mahirap para sa kanya, para sa lalaking mahal niya ay magpapabagsak siya ng ibang tao. But the entertainment world is not an easy playing f...