±±±
"BWAHAHAHAHA! Tengene! Nakita mo ba ang itsura mo sa bidjo na to Maine?!" Halos mag change court na ang panga ng bestfriend kong si Kathleen sa kakatawa.
Nginitian ko nalang siya. "Alam ko yun, Kath. You don't have to remind me na pinanganak akong panget!"
"Di ko naman sinabing panget ka ah! Kasalanan ko bang, magaling kang mag read between the lines?!" Sabi pa niya ulit saka tumawa pa lalo. Aba't binatukan ko siyempre! Sobra sobra na manlait eh!
"I upload mo na kasi tong mga dubsmash mo, Maine! Para sunod ka sa uso!"
"Uso! Andyan na naman tayo sa uso, Kath. Ayoko nga. Keepsake lang yan. Ayokong i publicize!"
"Echosera to! Sige na nga kasi!"
"A-YO-KO. Mamaya ma discover pa ako niyan eh!" Biro ko sa kanya. Natigil ang pagku-kuwentuhan namin nang may tumawag sa kanya.
"BAAAAAABE! OMG. Oo! I miss you too! Huhuhu. See you later! I love you more than I love pizza! Yes yes! Bye! Ingat!" I heard Kath said saka hinalikan pa ang phone niya.
"EEEW. ANG sagwa!" I joked.
"Leche ka talaga Maine! Palibhasa, walang love life! Naku te, kung ako sayo, dapat, naghahanap ka na ngayon! Napag-iiwanan ka na eh!"
"OY te walang personalan! Nakakasakit ka na!" I said and she laughed. Oo. Masakit marinig na ganyan. Wala akong lovelife. Lalaking Manang. Tatandang dalaga.
Nakakakaba din kasi minsan isipin. What if, pinanganak akong maging madre tapos hindi ko pala na realize yun?
Hindi naman sa ayaw kong maka testing maging in a relationship ha? Ang issue dito is, WALANG LUMALAPIT NA LALAKE SA AKIN. Intimidating daw kasi ako sabi ni Kath. Parang karespe-respeto at parang may nakapaskil na BABALA: BAWAL LANDIIN sa noo ko.
Honestly, gusto kong ma-try maging taken. But how? Wala halos attracted sa akin. Hmmmm.
"NICOMAINE MENDOZA MALULUNOD NA KO SA LALIM NG INIISIP MO!"
"Magkaka-boyfriend na ko!!!" I Suddenly blurted out. Ugh. Naging center of attraction bigla ako sa school grounds.
Again, I heard Kathleen's laugh. "Tae ka talaga Maine! Anong mag kaka-boyfriend?! You're kidding me, right?"
Tinaasan ko siya ng kilay. "MAMAYANG GABI MAKIKITA MO! INREL NA KO!"
"Ows? Totoo na yan?! Baka dummy account na naman yan ah?" Pangangantyaw niya. Ugh. Pinapaalala na naman niya nung minsan akong gumwa ng dummy account para maging ka inrel sa fb. Shiz.
"Di nga! Totoong tao na talaga!"
"At kelan ko makikilala aber?!"
"Edi soon!" I said saka inaya na siyang umalis at tumungo sa next period.
"Naku Nicomaine. Siguraduhin mo lang dahil kung hindi, ilulublob kita sa kumukulong tubig."
"Oo naman! Mas gwapo pa sa Jansen mo!" I teased.
Naningkit ang mga mata niya. Pano ba naman kasi, si JANSEN ang pinakagwapo para sa best friend ko. Pero sisiguraduhin ko munang gwapo ang mapipili kong ka inrel. Bahala na kahit poser nalang muna. Basta't hindi ako manlilibre sa Starbucks pag wala akong naipakilalang boyfriend sa kanya.
*****
7PM. MENDOZA'S RESIDENCE.
Scroll..
Scroll..
Scroll..
Ugh. Pano ba to?! Walang "perfect enough" para sakin.
Hmmmmm. Pano kaya kung maghanap nalang ako ng di gaanong kilalang pogi ano? Hihihi.
Naghanap-hanap ako sa google ng "cute filipino guys". Kahit isang picture lang muna.
Scroll
Scroll
Scroll
Ayun! Amputi! Parang ibinabad sa gatas! At ang lalim ng dimples! Deal! Ikaw na ang boyfriend ko!
Nang makahanap na ko, I quickly created a facebook account.
Ano kayang ipapangalan ko?
I was thinking about the name nang sumigaw ang ate ko mula sa living room.
"JUSKO IDEN RICHARD FAULKERSON JR. PA MYSTERIOUS PA EH NO!!! TANGGALIN MO NA KASING MASK NA YAN PARA MAKITA KA NA RIN NG PUBLIC!!!!! EEEEEE!" Kilig na kilig nyang sabi. Tsk.
She's been so addicted to that RICHARD mula ng ma-introduce siya sa showbiz. Ang problema, laging may mask ang mukha nya--na nagustuhan naman ng public.
Sabi nila GWAPO daw.
Kung GWAPO siya, BAKIT KAILANGAN PANG MAGTAKIP NG MUKHA ABER?!
Okay back to my problem. What will be my boyfriends name?
Nag flashback sa isip ko yung IDEN...IDEN..IDEN..IDEN..I--ALDEN?!
HAH! Taray! Ang pogi ng name ng boyfriend ko! Kagaya nung lalake sa picture na kinuha ko!
Okay. ALDEN. But what's his last name?!
HMMMMM.
"SYETE ANG POGI POGI MO RICHARD KAHIT MAY MASKARA KA PA! AKIN KA NALANG!!!!!!"
RICHARD--S?
Tama! Richard! Yes. Tunog mayaman!
Napapalakpak ako habang kinukumpleto ko ang paggawa ng fb account nya.
After 15 minutes.....
MAINE MENDOZA IS IN A RELATIONSHIP WITH ALDEN RICHARDS.
GHAAAAAD. Hindi ako makapaniwala! May boyfriend na ko! I can't help myself from smiling habang tinititigan ang picture ng lalakeng kinuha ko sa google.
Taga san kaya to?
Ang pogi talaga eh!
I decided to sleep after a while. Who knows? Baka magpakilala pa ang mystery guy sa panaginip ko.
×××
Aldub fanfic as it is. Picture of Maine attached. Ganda noh?
Enjoy reading ❤❤❤
BINABASA MO ANG
In A Relationship With... (An ALDUB Fanfic)
FanfictionAyaw niyang ma left-out. Gustong makasabay sa in, until one stranger came in with a promise of giving her an IN A RELATIONSHIP WITH status sa facebook. This was supposed to be online. ONLINE lang. Walang personalan. Because it's the only way she kno...