4

96 12 1
                                    

4

Nagising ako sa tunog ng alarm ko. And as usual, late na naman ako.

Bwisit na Id Den yun!

Anong surprise ang sinasabi nun? Kala naman nya ma te-threaten ako!

OO. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi pero hindi ako na threaten! Stressed lang ako sa banta ni Tatay!

"Meng, anong oras ka aalis? It's already past 7." I heard my sister said from the other side of the door.

"Mamaya na po ate. 10AM pa naman ang first period ko." Pagsisinungaling ko. Actually, 7:30 ang first period ko. Pero bahala na. kailangan ko pang mag move on. Mabuti nalang talaga at hindi na nag-message ang kung sinong Id Den nay un pagkatapos ko syang ma-seen! Pero promise talaga hindi ako affected ah!

"Maine." I heard a familiar voice from the door.

"T-tay?"

"Bakit mo sinabing 10AM pa ang schedule mo? 7:30 ang nakalagay sa schedule mo, ah."

Agh! Natampal ko ang noo ko sa sobrang pagka-frustrate. May copy pala ng schedule ko ko si Tatay!

"A-ano kasi...absent ang instructor naming sa first period Tay..." sabi ko sabay tawag sa lahat ng mga santo na sana paniwalaan ng ama ko ang pinagsasasabi ko.

"How did you know? Hindi ka naman pumunta dun, ah."

Ahhh! Nagpagulong-gulong ako sa kama. "Tay, nag-text ang classmate namin kagabi!"

"Tsk. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sayo Nicomaine." After that, I heard his footsteps as he walked away.

Wala na talagang pag-asa to. Magbibihis nalang ako papuntang school! Tsk.

***

"Meng!!!" malayo pa lang ako ay tanaw ko na ang best friend kong kaway ng kaway sa akin. Sa tabi nya ay ang boyfriend nya.

"Hi!" Bati ko sa kanila nang makalapit ako.

"Uy happy monthsary! Akalain mo nagka-boyfriend ka na!" pang-aasar pa ni Jansen.

Pinaningkitan ko sya ng mga mata. "Excuse me, exotic beauty kaya ako! That's why only real men appreciates it!"

"Mukha mo!" Nag-tawanan nalang kami kahit asar na asar ako sa mukha ng Jansen.

Tumigil kami sa pagtawa at hinarap ako Kathleen. "Happy monthsary, Meng. Sana maipakilala mon a sa 'min si Alden next time!" nakangiting bati nya sa akin.

"Thank you! Sure next time! Baka mag-bakaasyon sila dito, kayo ang unang makakakita sa kanya!"

"Promise yan ah!"

"Oo nga!" sabi ko saka nginitian sya. After that, we headed to the our own classroom.

***

"O ano? Wala man lang paramdam si Alden sayo?" tanong sakin ni Kath as we eat our breakfast.

Speaking of...shit! naalala ko na naman ang message nung Id Den sakin! Oghad.

"Huy!" natauhan ako nung sapukin ako sa ulo ni Kath. "Ang sadista mo naman Kath." Kamot-ulo kong sabi sa kanya.

"pano ba naman kasi? Nasa outer space yang utak mo!"

"Tsk. Iniisip ko k-kasi si Alden...sobra ka naman. Sa USA lang friend! Hindi sa outer space!" tatawa-tawa kong sabi sa kanya at as what I have expected, nakitawa na rin sya.

"So...pano pala kayo nagkakilala ni Alden?" naibuga ko ang kinakain ko tanong nya. "O? Bakit ka nagulat?!"

"W-wala naman..nagkakilala kasi k-kami sa uhm..public chat sa viber.."

In A Relationship With... (An ALDUB Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon