5

101 10 1
                                    


5

"Nicomaine! Nicomaine!" nagising ako dahil sa sunud-sunod na pagtapik sa balikat ko.

"Arghhh!" Agad akong napapikit ulot nang direktang tumama ang liwanag mula sa ilaw sa living room. Pinaupo ako ng mga kapatid ko sa sofa.

"A-anong nangyari?"

"Ano pa ba? E di nahimatay ka!" Nanlaki ang mga mata ko. Sh*t! Naalala ko ang tawag, ang boses...

"Bakit ka ba kasi nahimatay Meng? Nakausap mo lang si Alden ganun na agad?!"

"A-alden?" naniniguro pa ako sa mga narinig ko. Hindi pa rin ako makapaniwala.

"Yes! Alden! Yung boyfriend mo!"

Napasabunot nalang ako sa sarili ko. "H-how come na magkausap sila ni tatay?"

This time, tumayo ang mga kapatid ko. "Why don't you ask tatay? Hinihintay ka nya sa labas." Tumingin ako sa labaas ng pinto and I saw tatay sitting on the bench habang nakatingala sa mga bituin. Anong drama ng ama ko?!

"Sabi nya puntahan mo daw sya pag gising ka na." I smiled at them. "Mauna na kaming maghapunan ah. Gutom na kami eh.." natatawang sabi ni Ate Nikki. Tinanguan ko nalang sila saka pumunta na kay tatay.

***

Tumigil ako sa likod ng tatay ko. "Tay?" I said para makuha ko ang attention niyo. Bahagya nya akong nilingon. "Upo ka dito 'nak." He said as he patted the chair next to him. Naupo naman ako.

Natahimik kami ng ilang segundo o minute. Walang nagsasalita. We just kept on staring the starry night sky.

"Uhm...tay?" I decided to break the deafening silence.

Tiningnan naman nya ako and obviously, he's waiting for my next line.

"P-pano nyo n-nakausap si Alden?" Leche. Ang awkward pang bigkasin ang pangalan ng "boyfriend" ko.

"Huh? He called nung mga 6:30 PM I guess?" sabi nya habang nakatingin sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko. "Tumawag?! Nung 6:30?! Anong sabi?!" Maraming katanungan ang isa-isang sumlpot sa isip ko.

"Yes. 6:30."

"A-anong sabi!?"

Nagsalubong ang mga kilay ni Tatay. "Akala ko alam mo na? Akala ko nga ikaw ang nagsabi sa kanyang tumawag."

What?! "A-ah o-opo tay. I told him to call. Hindi ko naman in-expect na ngayon talaga sya tatawag eh." Tumango si Tatay. "U-uhm a-ano pong sabi nya?"

"Well, he told me first na, humihingi sya ng paumanhin dahil hindi sya pormal na nakapanligaw sayo, na hindi sya nakapagpakilala sa pamilya natin. He also said sorry because he can't make it this evening dahil busy pa daw sya. He's a very polite young man, Maine."

Napanganga ako sa sabi ni daddy. Sino ba naman ang Poncio Pilatong sumasakay sa trip ko sa buhay?! Pano nya nalaman ang mga happenings sa boring kong life?!

"I also asked him to talk to you nung dumating ka sa bahay. Nagulat lang ako nang tawagin ako ng mga kapatid mo na nahimatay ka na daw. Mabuti nalang talaga hindi nabasag ang phone ko!" he laughed at his own joke while I nervously laughed at the side.

"Meng! Tatay!" kapwa kami napalingon sa tawag ng kapatid ko. "Kain na kayo uy! Lumalalim na ang gabi!" Tumango naman si Tatay ay tumayo.

"Tay?" nilingon naman nya ako.

"Can you lend me your phone for a while?" I said. Nakangiti naman nya itong inabot saka nauna nang pumasok sa bahay.

Hindi talaga ako mapakali! Sino ang mystery guy na kumakausap kay Tatay kanina?! Geez! Baka naman nabasa nya ang blog ko at naisipang magpanggap na boyfriend ko! Paano kung hindi naman pala to kagwapuhan? Eh di lugi ako?

In A Relationship With... (An ALDUB Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon