3

105 10 1
                                    

CHAPTER 3

"Omygosh what to do?! What to do?!" Bigla akong nag-panic nang makitang profile picture nya ang boyfriend ko!

Napabangon ako ng di oras sa kama saka nagpalakad-lakas sa kwarto ko. S-siya ba talaga ang boyfriend ko? Sa kanyang account ba talaga to?!

Napahilamos nalang ako. Maya-maya'y nag-beep na naman ang phone ko. Namamawis na ang mga kamay ko sa sobrang kaba.

Id Den: Care to reply?

Omyghad! Anong gagawin ko?!

Pagkatapos mag-isip, I decided to view this Id Den's account. Ang weird ng name. Id Den. Super private ng account. Ni profile pictures, hindi ko ma view.

After a while, nag-beep na naman ang phone ko.

Id Den: POSER.

"Argh!" Nasabunutan ko ng di oras ang sarili ko. Wait.

Paano kung.....poser din pala ang isang to? OO NGA! Malamang poser din to! Tama! Tama! Napa-appear ako sa sarili ko sa harap ng salamin. Tsk. Ugok tong isang to. Ako pa bang lolokohin? Eh halata naming poser din to! Pweh!

"Omygash! Ang pogi! Ang pogi!!!!!!!!!!"

Napababa ako sa sigaw ng ate ko mula sa living room. Bakit kaya ang lakas ng tili nito?! Tsk.

"O ate? Ang aga niyong nalasing ah!" biro ko sa kanya.

"Pano ba naman kasi! At last, nagsalita na si Richard!" sabi nya saka nagtatalon-talon na naman. Nakakaduling ang pinaggagagawa ng ate ko eh.

"Ha?! Bakit pipi ba yan?---Ate!!!!" biglang-yuko ako nang batuhin niya akoo ng unan.

"gaga to! Siyempre hindi to pipi noh! Pa mysterious lang talaga sya. Pero ngayon, nag salita na sya."

"O anong sabi?" nakapamewang kong tanong sa kanya.

"HI PO. Kyaaaaaaaaaaaaaah! Ang pogi talaga ng boses!" halos maiyak na ang ate ko habang pinapanood ang show na patapos na.

I rolled my eyes saka dumiretso sa kusina. Hindi ko alam kung saan ba nagkulang ang parents namin kaya't nagkaganun ang kapatid ko. Hay stress!

Naupo ako sa dining table habang hawak-hawak ang tinapay ang pineapple juice na kinuha ko sa fridge. Nakakagutom din pala eh. Maya-maya'y nag-beep ulit ang phone ko.

Id Den: Sino ka?! Bakit ganyan ang profile picture mo?!

"Hello malamang dapat gwapo ang boyfriend ko!" sagot ko sa chat nya. Pero siyempre, seen ko lang sya.

Id Den: Identify yourself or else, hahanapin kita.

Nalaglag ko ang mamon na nasa bibig ko na. Dali-dali akong tumakbo sa living room.

"Ateee..."

"O ano?" tamad nyang sagot habang nakasalampak sa sofa.

"Ano pong gagawin ko kung there's someone bothering me on facebook?"

"Edi i block mo!" sabi nya saka tinalikuran ako.

Aba oo nga no?! Bakit ba di ko naisip yun?!

Hah! Lagot ka ngayon sakin!

***

Relax na relax ako habang nakikinig sa music sa phone ko. Ano kayang magandang gawin para kiligin ulit?

I browsed my photo. May limang pictures pa dito si Alden ko. Makapag-post nga.

Pinili ko ang selfie nya habang nakahiga sa kama at naka corporate suite.

In A Relationship With... (An ALDUB Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon