Chapter21: Pahiwatig

72 6 0
                                    

AYEN'S P.O.V.

May pasok ngayon si Naele kaya kaming dalawa lang ni nanay ang nandito sa bahay tsaka nagsabi si naele na ininvite daw niya sila nadine dito sa bahay para sa dinner kaya abala kame ni nanay magluto. Tinuruan din ako ni nanay ng iba pang recipe, ang dami naming niluto. I'm sure magugustuhan to nila naele...

"Okay na tong mga niluto natin anak,pahinga ka na mamaya ay dadating na sila naele"

"Sige po nay."

Umakyat ako sa taas at nagbihis na din. Maya maya ay narinig kong bumukas na ang gate, andyan na sila naele. Bumaba ako at sinalubong sila.

Malamig ang titig niya sakin,siguro pagod lang. Ngumiti ako kila Mich, Nadine at Ivan.

"Manang nakahain na po ba ?"

"Ah opo young master"

"Tara po kain na tayo"

Umupo ako sa tabi ni Naele at sinandukan siya ng pagkain.

"Wow ang sarap naman ikaw ba yung nagluto nitong lahat ayen?"

"Ah..eh. tulong kame ni nanay."

Nakangiti lang si nadine siguro lalayuan na niya si naele...

"Ayy oo nga pala Ayen ininvite ko kayo ni Naele sa Birthday party ko. Pati na din pala sila Yssa at Darren. Sana makapunta sila."

Wow may Birtday party si Nadine. Nakwento sakin ni Yssa na masaya daw dun. Tapos kasama pa sila yssa..

"Ahhm siya nga pala Ayen balita ko kayo daw ni Naele?"

"Ah oo magtatatlong buwan na kame"

"Wow naman kelan Monthsary niyo?"

"Ahhm sabi ni Naele 5 daw"

Tumingin ako kay naele at ngumiti pero iniwas niya lang ang tingin niya.

"Excited na nga ako sa last Monthsary niyo eh. This month na ba?"

"Huh?"

Nagulat ako sa sinabi niya maski sila Ivan at Mich nagulat din.. Anong ibig sabihin ni Nadine.

"Nadine stop it."

"Just kidding Naele, haha"

"Hahahha nice joke Nadine..haha.. (sinamaan ng tingin ni Mich si Ivan)

Ah hehehe joke lang"

"Chillax lang Naele, Di naman maooffend si Ayen eh. Diba ayen"

"Ah.. eh.."

"Pano pag nalaman mong niloloko ka lang pala ni Naele?"

Ano bang dapat kong sabihin.. di naman ako niloloko ni Naele eh.. Di niya magagawa yun..

"Ah eh.. okay lang yun sakin Nadine at isa pa hindi yun magagawa sakin ni Naele"

"Gaano ka naman kasigurado na hindi yun magagawa sayo ni Naele"

"Kase nararamdaman ko"

"Kahit masaktan ka ?"

"Ayos lang sakin... ginusto ko to kaya paninindigan ko.. kung masasaktan man ako.. hindi ako magtatampo o magagalit kay Naele.. dahil kahit minsan sa buhay ko pinaramdam niya na mahal niya ako. at para sakin sapat na yun.. kung hanggang dito na lang talaga wala akong magagawa"

"Hahah... Ingat ka Ayen hindi mo masasabi ang panahon.."

"Tama na Nadine, She's too innocent."

Hindi ko kung ano ang tumatakbo sa utak ni Nadine, pero feeling ko may iba, bakit ganito ? Sana mali. Sana mali tong inisip ko ugghh.!!

Ano ba yan Ayen. Mahal ka ni Naele.. Mahal ka niya...

------------------------------------------------------
Hi guyyss... thanks sa pagbabasa ng story na to.. well thank you kase hindi ko aakalain na umabot na to sa 1 k hahahha.. thank you guyys.. gagawin ko lahat para maging maayos toh..

A MYSTERY PAINTINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon