Volume II: Pauso words

188 4 0
                                    

Kung ineexpect niyong puro tungkol sa authors ang ilalagay ko, sorry pero nagkakamali kayo. :))

Pauso words, ano nga ba ang mga ito? mga words na pinauso, malamang! Mga words na sinabi ng isang artista na tumatak sa ating mga isipan.

May ibang mga nakakatawa at may ilang hindi na nakakatuwa at may ilang overused na at may ibang corny na at may iba pang nagagamit sa mga bagay na hindi dapat sabihan ng ganung kataga.

ilang mga salita/kataga na nakakatuwa na sikat ngayon.

#1. NGANGA!

= as in kapag nag-assume ka tapos nalaman mong may girlfriend/botfriend siya!

as in kapag nakipagbreak ka sa kanya, bigla siyang gumwapo/gumanda.

as in kapag pauwi ka na at mahaba pa ang byahe pero wala kang pamasahe.

as in kapag naligo ka sa public bathroom at hindi ka makalabas dahil nawala ang damit mo at towel.

as in kapag kaka-withdraw mo lang, nanakawan ka na agad.

as in kapag andami mong inorder tapos hindi mo pala dala wallet mo.

as in kapag sobrang madaling-madali ka, kala mo late ka at pagdating mo sa school mo, wala palang pasok.

as in kapag ang aga-aga mong pumasok tapos cancelled pala yung klase.

as in kapag malapit na kayong mag-kiss ni crush, bigla na lang may gumising.

as in kapag feeling mo, ang ganda mo kasi pinagtitinginan ka, ‘di mo alam may tagos ka pala.

as in kapag na love at first sight ka sa kanya dahil sa ganda, nang tiningnan mo yung facebook, Xmen pala.

[author's note: ang Xmen ay ang tawag ng aking mama sa mga dating lalaki. Xmen, bow.]

as in kapag nakakita ka ng isang gwapo na may ka-HHWW (holding hands while walking) na isa pa ring gwapo.

as in kapag may nakita kang nagPDA, girlfriend/boyfriend mo pala yung isa.

as in kapag hindi mo na alam kung san ka pupunta at nagsisisi ka na dapat sa bahay pa lang tumae ka na?

as in kapag bakasyon, wala kang pera.

as in kapag si crush mo, may girlfriend/boyfriend na.

as in kapag exam.

as in kapag nanligaw ka, hindi ka niya sinagot dahil tiboli siya. (tiboli = tibo, tomboy.)

as in kapag bumukaka ka agad sa sobrang kalandian mo/ sobrang pagmamahal mo, pagkatapos ka niyang chukchakin ay iniwan ka niya.

as in kapag natapos na ang favorite mong anime/ drama, hindi mo na alam ang sunod mong papanuorin.

as in kapag nakatapak ka ng tae.

as in kapag akala mo siya na talaga, ilang buwan lang, nagbreak kayo.

as in nung nabasa mo lahat ng nasa taas ^ ay nakarelate ka sa isa o kahit ilang eksena.

#2 Hindi! hindi!/ wala! wala!

= ang mga pilosopo sa ating henerasyon ay dumadami na. Dapat nabuhay kayo noong unang panahon sa Europe. At least hinangaan pa kayo. Nasa history book sana kayo ngayon.

nakakatuwa ito minsan pero minsan, nakakapikon na rin at minsan nakaka-confuse. Ano nga ba talaga? oo o hindi? tama o mali?

nakakatuwa ito kapag medyo may pagkatanga ang tanong.

halimbawa: Nag-suggest ka na sa rice cooker niyo na lang magluto  ang kaibigan mo tapos tatanungin ka pa na "may rice cooker kayo?"

#medyotanga!

sagot #1: WALA! WALA! manghihiram ako sa kapitbahay! 

sagot #2: WALA! WALA! may nasabi ba ako tungkol sa rice cooker?!

sagot #3: WALA! WALA! kaya nga ako nag-suggest eh! WALA talaga!!

nakakinis ito kapag ikaw naman yung nagtanong. tama ba?

HINDI! HINDI! ,siguro may ilan sa inyo na nag-isip niyan sa tanong ko. hmm.. 

nakakainis din ito kapag ang ayos-ayos ng tanong mo, babarahin ka nang ganyan? hilahin ko kaya dila mo at putulin nang hindi ka na makapagsalita forever?!

#3. SABEEEEHHH???!!

= nakakatuwa ito kung ikaw yung nagsasani niyan sa isang taong hindi naman karapat-dapat sa salitang sinabi niya tungkol sa sarili niya.

halimbawa:  sinabi ng payatot mong kaibigan na ang sexy niya.

SABEEEEHH???!!! uy! dre! sa payat mong yan, sexy ka?! flat nga dede mo eh! puro ribs!!

Pero minsan, nakaka-offend din ito. Kaya limitahan.

#4. Paulit-ulit?! UNLI?!

= nakakatuwa ‘toh. Hindi kasi siya nakaka-offend in my opinion. Ginagamit ‘toh para lokohin lang ang mga kaibigan. Pero wag niyong susbukang gamitin ito sa mga teachers niyo at parents niyo!! HAHA! baka mamaya, nagle-lecture ang teacher niyo at inulit niya ng ilang beses yung sinabi niya, bigla mo na lang sabihing “paulit-ulit?! UNLI?!” haha! baka mapalabas ka ng classroom niyo! xD Wag mo ring sasabihin yan sa mga magulang mo o sa mga nagpapayo lamang ng mabuti sa iyo. Gusto lang nilang mapabuti ka.

Ang mga nakakainis na mga sikat na kataga/salita ngayon:

#1. Shabu pa!

= kahit sabihin mong nakakapagpatawa ka ng mga tao, sana man lang isipin mo muna yung sinasabihan mo ng ganito. Okay lang sana kung kaibigan mong ka-close ang sasabihan mo ng ganyan, yung kaibigan mong kaasaran mo talaga, okay lang yun! Pero yung taong hindi mo ka-close, lalong-lalo na yung mga taong hindi mo kilala, wag mong sasabihan ng ganyan dre!

Nakikita ko ‘toh madalas sa facebook. Naiinis lang ako sa mga taong nagco-comment ng mga ganito sa mga nakita nilang pictures ng isang tao na hindi gaanong nabiyayaan ng kagandahan/kagwapuhan. Pero tignan mo mga profile pictures, maganda ba? Gwapo ba? Kadalasan, hindi eh! Pero kahit na maganda ka o gwapo, respeto dre!

Minsan sinasabi din ‘toh kapag malakas yung trip nung mga nasa video/pictures. Wag ganun dre! Minsan naman, dumating din sa buhay mo na may naisipan kayong gawin ng mga kabarkada niyo na nakakatawa para sa inyo.

#2. iPush mo yan

= Nakakabwisit ang mga nagco-comment ng ganito o nagsasabi ng ganito. Dahil lang narinig nila o nakitang ginamit ng iba, gagamitin na nila/ sasabihin na nila. Hindi cool dre! Lalo na kung hindi ka naman gamer. Nakakairita ka! Sarap ipush nang paulit-ulit ang mukha mo hanggang sa matanggal na para hindi kana makapag push-push pa diyan! Nakakainis talaga lalo na kung feeling mo, gusto lang talaga nilang gamitin ito para magmukhang cool o para maging in. Trying hard kang magpaka-in.

#3. Swan/  Swan na may nays

= ewan ko ba. Naiinis lang ako dito. Hindi ko siya maintindihan eh! Nuh yun?! Bibe?! Pag nakakita ng maganda, sasabihing “SWAN”. Kapag nakakita ng magaling magsayaw o kahit saan, sasabihin “SWAN”. Minsan pa, swan na may nays naman! Makapagimbento lang ng eh noh! Makapagpasikat lang ng salita, kahit anu na lang! Ewan. Basta naiinis ako dito. Di ko talaga siya gets!

#4. Photoshop

= kairita yung laging nagsasabi ng ganito! Hindi mo lang alam, photoshop agad?! Maganda/ gwapo lang, photoshop agad?! Hindi ka pa nakakapunta dun sa lugar, photoshop agad?! Hindi mo pa nasusubukan, photoshop agad?! Hindi mo pa nakikita sa personal, photoshop agad?! Huli ka lang sa balita, photoshop agad?! Hindi mo lang matanggap, photoshop agad?! Hindi mo lang kaya, photoshop agad?!

Kainis lang!

Oo, minsan tama kayo, lalo na kapag halata, pero kailangan talagang sabihin pa kahit nasabi na ng iba?! pero, kailangan ba talagang sabihin pa?! alam namin, photoshop yun. Panira trip minsan yung mga ganito eh!

At madami pang iba. Ito lamang ang ilan sa mga napansin ko. Okay lang makiuso, pero wag umabuso. Okay lang sumabay sa panahon pero wag trying hard. Bago ka magsabi ng kung anu-ano, isipin mo muna kung may nasasaktan ka o nao-offend. Hindi sila perpekto pero hindi ka rin naman perpekto eh! Kaya respeto lang.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 21, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Welcome to my ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon