chapter 14

59 18 1
                                    

umiyak ng umiyak si Ian habang nakayakap sa akin. hindi rin nagtagal ay nakatulog na rin.

"nak kumusta?" tanong ni inay na nasa pintuan. lumapit siya sa amin at tumayo ako para ihiga si Ian sa kama.

"okey lang po ako ma" sagot ko.

"tungkol ba don sa tunay mong mga magulang kaya umiyak ang kapatid mo? tumango ako at umupo na rin sa gilid ng kama.

"alam mo ma, kung ako ang tatanungin kapag nakita nila ako hindi ako sasama sa kanila dahil para po sa akin kayo po ang tunay kong pamilya"malungkot kong sabi. niyakap naman ako ni inay.

"ma?"

"hmmm"

"kung sakaling mahanap nila ako, ibibigay nyo po ba ako ng tatay?"

"nak, malaki kana. nasaiyo na yong pagpapasya". sagot niya.

"ma naman e"sabi ko na mas lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap ko.

"may karapatan ba kami kung sakaling kunin ka nila sa amin"may naramdaman akong tumulo sa balikad ko pagkasabi niya non. kumalas ako para matingnan si mama. nakita kong may mga luha sa mata niya.

"ma, may karapatan po kayo. hindi man kayo ang totoo kong magulang kayo pa rin po ang bumuhay sa akin. kinupkop niyo ako bilang isang tunay na anak ng ipamigay ako ng totoo kong magulang" sabi ko sabay punas ng luha niya. niyakap ko ulit siya. tama sila ang pamilya ko mahal na mahal ko sila kaya kahit anong mangyari hindi ko sila iiwan..

SOMEO POV:

"mga walang kwenta! binabayaran ko kayo para hanapin ang anak ko pero  anong ginagawa niyo? matagal ko ng pinapahanap sa inyo ang anak ko bakit hanggang ngayon hindi niyo parin siya nahahanap?" singhal ko sa mga inutusan kong hanapin ang nawawala kong anak.

"honey relax, mahahanap din natin sila" pagmamakalmang sa akin ni Bernadith. si Bernadith ang naging sandigan ko sa lahat ng iwan ako ng babaing minahal at nilaanan ng lahat pero inwan din ako dala ang anak namin. akala ko noon ay mahal niya rin ako kaya siya pumayag magpakasal kami at di rin nagtagal nagkaroon kami ng isang anak na lalaki pero anong ginawa niya, intinakas niya ang anak namin at hindi na nagpakita pa. isang araw nabalitaan kong patay na pala siya at may nakapag sabing ipinamigay niya ang anak namin.

ng malaman kong buhay pa ang anak namin sinimulan ko na ang paghahanap sa kanya pero sa kasamaang palad walang nakaka alam kong saan ang anak ko. ng makapag move on na ako nagpakasal na rin kami ni Bernadith. mahal ko na siya at alam kong mahal niya rin ako sa kabila ng pagpili ko kay liza. ayoko na rin maulit pa ang nakaraan kaya nagsimula ulit kami at sa loob ng 10 taon na pagsasama namin nagkaroon kami ng anak na babae. yon nga lang isa lang kasi nagkaroon ng problema noong nagbubuntis siya.

sa loob ng 15 na taon hindi pa rin kami nawawalan ng pag asa na mahahanap ko ang anak ko sa dati kong asawa. siguro nga tama si Bernadith na may dahila ang Diyos kung bakit hanggang ngayon hindi pa namin siya nakikita. kung sinuman ang kumupkop sa kanya nagpapasalamat ako sa kanila at sana nasa mabuti siyang kalagayan.

"sir pasensya po talaga. napakalaki po ng maynila para mahanap namin siya pero wag po kayong mag-alala hindi naman po kami tumitigil sa paghahanap eh"mahabang litanya ni Cruz ang matagal ko ng katiwala noon pa.

"sige makaka alis na kayo, subukan nyo rin sa ibang lugar wag lang dito sa maynila" sabi ko sa kanila.. pinaalis ko na sila baka magdilim pa ang paningin ko.

"hindi mo dapat sila sinigawan"sabi ni Bernadith ng makaalis na sila.

"at anong gusto mong gawin ko? at isa pa binabayaran ko sila para hanapin ang anak ko pero hanggang ngayon paulit ulit na lang yong rason nila"

"siguro may dahilan kung bakit di pa siya nahahanap"sabi niya at niyakap ako.

"salamat hon"sabi ko 

"basta kahit anong mangyari wag tayong mawawalan ng pag-asa at palagi mo ring tatandaan na andito lang ako, kami ng anak mo para sa iyo."sabi niya, 

"oh tama na ang drama, pupuntahan ko lang ang anak natin baka gising na yon"sabi niya. natawa na lang ako sa sinabi niya.

LANCE POV"

"oh tol, mukhang napapadalas na ulit ang inum natin ah?" ani ni mike ng mapasukan niya ako sa  condo ko. hindi ko na lang siya pinansin at tuloy lang ako sa paglagok ng alak.

"hey, may problema ba?" tanong niya at umupo sa tabi ko.

"si lola" tipid kong sagot.

"o e anong problema mo kay lola?"

"uuwi na kasi siya"

"oh eh ganon naman pala, kilan ang uwi niya? namiss ko rin si lola mo eh"

"iwan ko pero ang sabi this month ang uwi niya" sagot ko.

"anong problema mo sa pag uwi niya?" tanong niya. at inagawan pa ako ng iniinum.

"malaking problema tol, nangako kasi ako sa kanya na sa pag uwi niya ipapakilala ko sa kanya ang girlfriend ko"

"mukhang malaking problema nga yan tol, lalo na na wala kang girlfriend dahil nag break na kayo ni..."hindi niya natuloy ang sasabihin dahil tiningnan ko siya ng masama.

"pero naman tol pwede ka namang kumuha sa mga babae mo na magpanggap bilang girlfriend mo" dugtong niya.

"what do you mean?" tanong ko. di ko kasi na gets ang punto niya.

"ganito, bakit hindi ka lumapit sa isa sa mga babae mo. bigyan mo ng offer para magpanggap bilang girlfriend mo". paliwanag niya. hmm mukhang may point naman sa sinabi niya. pero pano yan matagal na akong walang connection sa mga naging babae ko noon at ayokong magkaroon kami ng connection ulit sa kanila.

"oh baka naman si ashral ang iniisp mong ipapakilala mo kay lola?"

"hmm pwede rin" nakangiti kong sagot sabay ulit inum ng alak na hawak ko.

"ano? hibang ka ba? hindi mo nga napasagot sa panliligaw mo tapos siya pa ang sasabihin mong ipapakilala mo kay lola?baka mabuking ka lang kapag siya ang kinuha mo" sabi niya.

"bakit hindi ba pwede? may utang pa sa akin ang babaing yon kaya walang magiging problema at saka ayoko ng magkaroon ulit ng connection sa mga babaing sinasabi mo"i said with a devil smile on my face.

"ikaw ang bahala, alam ko namang may gusto ka na sa babaing yon kaya siya ang gusto mo pero baka lalo ka lang ma inlove don"sabi niya na tinawanan ko lang.

"don't worry, sisiguraduhin kong mapapapayag ko siya dahil sa naisip kong offer na ibibigay ko sa kanya."

"will sabi mo yan ah, goodluck na lang. sige tol alis na ako. nagpapasundo pa yong kapatid ko"sabi niya tapos lumabas na ng condo ko.

vote 

comment

thank you:)

love and pain*ON HOLD------*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon