Chapter 7

1.9K 53 11
                                    

(NOvember 1, 2011)

"Ang galing mo Abby, talagang nahanap mo itong boarding house na tinutuluyan ko." Humahangang sambit ko.

"Sabi ko naman sayo, ako na ang bahala... Oo nga pala, wala ka bang balak sabihin sa parents mo ang nangyari sayo?" Kita sa kanyang mga mata ang pag-aalala.

"No need, wala lang ito... Ayokong mag alala sila." Sagot ko naman.

"Pasaway ka talaga... oh kainin mo na itong dala kong meryenda.." Sabay abot niya sa akin ng mainit na sopas.

"Salamat sa pag aasikaso sa akin, naistorbo ka pa."

"hindi ka nakakaistorbo... At gusto kong asikasuhin ang Hero ko.. *smiling* .. By the way, sasama ka ba sa Holloween Party? sAsama ako.." Tanong muli ni Abby.

" Hindi ako makakasama.. Kailangan kong mag rest. Para mabilis kaagad gumaling." Sagot ko.

Sa totoo lang nakokonsensya ako na hindi ko sinabi ang totoo. Ayoko lang namang malaman niya na pupunta ako sa party, dahil siguradong susunod siya sa akin sa abandonadong gusali. At posibleng malagay siya sa kapahamakan.

"Sige... Bibisita nalang ulit ako after the party..." Tugon niya.

   

 Kinagabihan tumawag sa akin si Arvine para ibalita ang nangyari sa pina-asikaso ko sa kanya.

"Hello... Vonjo, kasama mo pa ba si Abby?" Tanong ni Arvine.

"kanina pa siya umuwi... oh anong balita?"

"Wala akong nakuhang clue, pero swerte tayo dahil kaibigan ng tatay ko yung may hawak sa kaso... sabi ko sa kanya i-contact ako kapag may kakaibang clue na nakita.." Balita niya.

"Sige, salamat arvine. Balitaan mo nalang ulit ako sa susunod."= vonjo

        Pinatay ko na ang lahat ng ilaw ng matapos ang pag uusap namin ni Arvine, tanging lampshade nalang ang nakabukas. Matutulog na sana ako ng biglang lumamig sa paligid, at unti-unting humangin.. Tinignan ko ang electric fan, pero nakapatay ito... nakasara din ang mga bintana.. At pag tingin ko sa gilid...

"Bwisit... nakabukas pala yung aircon! Tinakot ko pa sarili ko.."

        Pero..... Mas lalong lumakas ang hangin at mas lumamig...

"sira pa yata yung aircon..."

Lumapit ako sa aircon, patuloy ang pag ihip nito ng malakas at malamig na hangin... Pero ang hindi kapanipaniwala,,, ay hindi ito nakasaksak... sa madaling salita, walang kuryente na pumapasok dito.....

"SHIT!!!"

Napa-atras ako, at hindi ko namalayan na ang kama ko ang naaatrasan ko.. Kaya napaupo ako dito... Bigla ng huminto ang aircon..at unti-unting linalamon ng dilim ang buong kwarto,, simula sa aircon papalapit sa akin.. at kahit nakaupo ay nag madali akong umatras hanggang sa mag sumiksik na ako sa pader. Nagsimula ng bumigat ang aking pakiramdam. Para bang meron na akong katabi. Lalo kinilabutan ng may bumulong sa kanang tenga ko.

"Parang awa mo na.... Tulungan mo siya.."   Sumunod naman sa kaliwang tenga ko... "Ito na ang huli ....Tulungan mo kami... tulungan mo siya"   Inalis ko ang takot na nararamdaman ko, ang kailangan ko ngayon ay makakuha ng clue. Tumingin ako sa kanan ko, nakita ko ang kaluluwa ng babaeng nasagasaan... Sa kaliwa naman ay ang kaluluwa ng babaeng tumalon mula sa rooftop... Parehas silang wasak ang mukha at puro dugo... Pero hindi pa tapos, may kulang pang isa... Sa bandang paanan ko, may lumitaw na kamay, at unti-unti itong gumapang pa-akyat sa kama ko.

"i....ikaw... ikaw yung babaeng binaril kagabi."

      Napalunok nalang ako,.tatlong kaluluwa ang nakapalibot sa akin sa isang madilim na kwarto.. unti-unti na niyang itinaas ang kanyang mukha para tumingin sa akin.. puro dugo ang mukha niya... May butas siya sa noo... At mas ikinilabot ko pa ay ng makita ko ang mga mata niya na kulay itim lang at may tumutulo na itim na luha.... Nag simula na siyang magsalita...

the PREMONITIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon