Chapter 4

2.2K 68 11
                                    

 Chapter 4

(October 29, 2011 )

    2pm ng pumunta ako sa faculty ni Ma'am Bernadette... Pagpasok ko sa faculty, nakita ko si Ma'am Bernadette at kasama nya si Arvine. "Bakit ka nandito Arvine?" Gulat na tanong ko.

"Alam mo naman na gusto ko din ng mga katatakutan, kaya hindi ako magpapahuli." Nakangising sagot naman ni Arvine

"Oh nandito na pala si Vonjo. Simulan na natin ang usapan." Biglang pasok naman ni Angelito na kasama din pala ni Arvine.

"Bakit pati ikaw nandito?" Pahabol na tanong ko sa kanya. "Nag text sa akin si Arvine.. Kaya sumama ako." Mabilis na sagot niya.

"Ngayong kumpleto na tayo, simulan na natin " ani Prof Bernadette

    Sinabi ko ang lahat-lahat ng tungkol sa mga kaluluwa na nagpapakita s akin, pati narin ang tungkol sa mga Premonition ko. Pagkatapos ko sa kanyang i-kwento ang mga bagay na ito, sinabi nya ang kanyang pananaw sa nangyayari.

"May Premonition ability ka pala. At sa tingin ko mag kakaugnay ang lahat ng naging premonition mo. ANg mga namatay na nakita mo sa panaginip mo, may isang bagay na mag uugnay-ugnay sa kanila kung bakit sila nagpapakita sayo at bakit nila paulit-ulit na sinasabi sa iyo ang salitang "tulungan mo sya." Siguradong may clue Vonjo, isipin mo lang itong maiigi." Paliwanag ni Prof Bernadette

    Naikwento ko din sa kanila ang pinaka huli kong premonition nung magising ako sa clinic.

"Paano ko malalaman kung sino at saan ito magaganap?" Tanong ko.

"Hindi mo kailangan madaliin ang paghahanap. Kusa kang dadalhin sa oras at lugar ng pangyayarihan ng ikatlong insidente dahil kasama ka oras na maganap ito." Malinaw na sagot ni Prof Bernadette. "Hindi natin alam kung ang nasa ikatlo mo bang premonition ang tinutukoy ng dalawang kaluluwa na kailangan mong tulungan. Gawin mo ang lahat para mapigilan ang ikatlong premonition mo, maaaring ito ang maging sagot sa mga tanong natin." Dagdag pa niya.

"Tatandaan ko po iyan ma'am" Sabi ko.

"Basta tandaan mo ang mga clue, para madala ka nito sa tamang tao.... Sige na makakauwi na kayo. I-text mo ako pag may kakaibang nangyari". Pahabol ni Ma'am bago siya tuluyang umuwi.

 (October 30, 2011) (3pm)

    Habang nasa bahay ako at nanonood ng T.V. biglang dumating si Arvine.

"Pre, bakit?" Tanong ko. "Wala ka bang magawa sa inyo?" Tumatawang tanong ko.

"Oo pre, patambay muna." Tugon niya.

"Tamang-tama! Samahan mo ako mamayang 5pm. Inutusan ako ng tita ko na bumili sa mall." Pahaging ko naman sa kanya.

"Sure, makapag chick hunt na din, haha.. Pero pre magiging maulan mamaya mga around 7pm. Kailangan nating bilisang bumili.... Tsk! Pati bukas ng gabi malaki daw ang chance na umulan" Paalala ni Arvine

"Dont worry pre, bibilisan natin ... Besides, dala mo naman yung car mo diba?" Pahaging ko ulit sa kanya.

"Naku nakalibre pa sya ng pamasahe...." Biro ni Arvine dahilan para magtawanan kami.

(Mall 7:05pm)

    Nabili na namin ang mga iniutos sa akin ng tita ko. At Nailagay na namin sa sasakyan ni Arvine ang lahat ng products na nabili namin.. Sa Parking Lot B kami naka pwesto.

"Pre kain muna tayo doon sa fastood na iyon! Nagugutom na kasi ako." Request ni Arvine

"Sige! Tara... libre ko na,," Sabi ko sa kanya para naman makabawi ako sa tulong niya.

    Naglalakad kaming dalawa papunta sa Fastfood, at sa sobrang talas ng mata namin pagdating sa magagandang babae, napansin namin kaagad ang magandang babae na palabas sa fastfood.

"Wow! Ang ganda Pre!" Bulalas ni Arvine

"Sinabi mo pa, mukhang ka-edaran lang natin."Sambit ko.

"Mukhang may balak kang makipagkilala Vonjo." Bulong ni Arvine sa kin na tila knikilig siya sa babaeng nakikita.

" BAkit hindi? Mukhang na attract kaagad ako sa isang ito, at parang pamilyar ang mukha nya." Sagot ko sa kanya. Para kasing nakita ko na ang babaeng iyon.

Nakalabas na ang magandang babae sa fastfood...ng biglang lumamig ang paligid.

"Parang may mali...." Sambit ko.

"Sa ganda nyang iyan may mali ka pang nakita... Tindi mo Vonjo!" Natatawang sabi naman ni Arvine

"Hindi tungkol sa kanya..." Paglilinaw ko

    Bumuhos na ng tuluyan ang ulan.... Tumakbo kaagad yung babae sa parking lot A, at pumunta sa nag iisang sasakyan na nakapwesto doon.

"SHIT! ..... Color black na kotse." Mabilis na response ng utak ko matapos kong maalala ang scene na nakikita ko.

"Dont tell me na sya yung..." Kinakabahang sambit ni Arvine.

    Nagmamadaling buksan nung babae ang pinto ng kanyang sasakyan.... Pero bago nya ito  tuluyang mabuksan, nakita ko na may papalapit na lalake sa kanya. At may cover na black na tela ang mukha nito.. Tumakbo kaagad ako papunta sa babae.

"Miss holdap ito...Huwag kang sisigaw!" Sabi ng Holdaper

"Kunin mo na ang gusto mo... Huwag mo lang akong sasaktan please." Pagmamaka-awa nung babae.

      Bago pa man ako mapansin ng holdaper, nahawakan ko na kaagad ang kamay nya na may hawak na baril at itinapat ito sa langit. Sa pagkagulat ng holdaper ay napindot nito ang gatilyo ng kanyang baril. 

*BAANG!*

    Nakatawag ito ng pansin sa iba, siguradong may ibang tutulong sa amin. Kaya sinamantala ko na ang pagkakataon, hinawakan ko sa ulo ang holdaper at iniuntog ito ng tatlong beses sa sasakyan ng babae.

*BLAM! BLAM! BLAM!*

     Nawalan na ng malay ang holdaper, naglapitan na din ang mga guards at hinuli ito. Nakita ko si Arvine na nakatulala.

"Ok ka lang pre?" Hindi makapaniwalang tanong ni Arvine. "Wow..... Lupet mo..... Hindi ko akalaing magagawa mo iyon...." Pahabol pa niya.

    Napatawa nalang ako sa sinabi niya. Pero sa totoo lang, hindi ko alam ang gagawin ko, basta ang nasa isip ko ay mailigtas yung magandang babae.

"Ok ka lang Miss?" Tanong ko sa babae, na nakatulala pa doon sa holdaper na bitbit-bitbit ng mga guards. Pero mabilis na bumalik sa wisyo ang babae ng marinig niya ang aking tanong.

"S...salamat sa iyo... O..oo ok lang ako... Eh ikaw, ok ka lang ba?" Utal-utal na sagot at tanong niya.

"Ok lang ako..." Sagot ko naman.

"Pwede ko bang malaman ang pangalan ng Hero ko?" Nakangiting tanong ng babae. Mas lalo tuloy gumanda yung babae.

 "Vonjo..... Vonjo Bernabe..."Sagot ko na may kasamang ngiti.

"Salamat Vonjo, ako si Abigael De Lara... Abby nalang..." Tugon ng magandang babae.


the PREMONITIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon