Chapter 6

2K 63 7
                                    

Agad akong lumingon sa likod ko pero walang tao...Tumakbo na ako papuntang sakayan dahil sa takot... Ngayon lang ako nakaramdam ng takot, parang may masamang mangyayari....

"Bakit ganon? Na-iligtas ko na si Abby, pero bakit nagpaparamdam nanaman yung kaluluwa na nagsasabi ng "tulungan mo sya"? May bago nanaman ba? Pero wala pa akong napapanaginipan."

Habang nakasakay ako sa jeep patuloy ko paring iniisip kung bakit nanaman sila nagpaparamdam, hanggang sa kinilabutan nanaman ako... Bumigat ang pakiramdam ko, at para bang may kasama kaming kaluluwa sa jeep. Bigla kong narinig ang nasa tapat ko na nagsalita...

"Tulungan mo sya! Tulungan mo sya! TULUNGAN MO SYA!"


Nagulat ako sa sinabi ng nasa tapat ko, kaya tumingin kaagad ako sa kanya. Laking gulat ko sa nakita ko.. Ang kaluluwa ni Elaine, puro dugo ang mukha nya, nakatingin sya sa akin at paulit-ulit na sinsabi ang "Tulungan mo sya"".


*sssccreeeeeeaaacccchhhhhhhh* *BLAMMM*

Biglang hinto ng sasakyan, na dahilan para malaglag ako sa kinauupuan ko. "AARRrrgghh...."

"Manong... ano ba iyan?" Galit na tanong ng isang pasahero.

"Nabangga pa tayo sa jeep na nasa unahan.." Bulalas naman ng isa pang pasahero.

Nabangga kami sa jeep na nasa unahan ng sinasakyan namin, buti nalang at hindi masyadong malakas, wala ring nasaktan sa nangyari..... Nawala na din ang kaluluwa ni Elaine sa jeep.. Pinababa na kami ng driver para lumipat sa ibang jeep, ngunit sa aking pagbaba, napansin ko ang isang fastfood na nasa tapat ko, kailangan pang tumawid bago ako makarating doon. At sa parking lot nito ay may dalawang sasakyan na nakaparada, isang kulay pula at isang kulay itim. Bigla ulit akong kinabahan sa hindi malaman na dahilan. Hanggang sa maalala ko ang ikatlo kong Premonition....

"Oh hinde!! MAy mali.... may kulang sa nangyari kahapon..nag iisa lang yung sasakyan sa parking lot nung iniligtas ko si Abby. Pero ang nasa premonition ko, dalawang sasakyan ang nasa parking lot kapag naganap iyon."

Masyado akong nagpadala sa sitwasyon kahapon, hindi ko napansin na may kulang pala sa mga naging clue kahapon... Ibinalik ko ang tingin ko sa fast food... May lumabas na babae galing dito. Nag simula na ring lumamig sa paligid. Hanggang sa bumuhos na din ang ulan.

"Hinde.... MAngyayari na... Ito na iyon..." Takot na sambit ko.

Tumakbo ako para makarating kaagad sa fastfood at kahit patuloy parin sa pag andar ang mga sasakyan,hindi ko ito kinatakutan. Umilag-ilag lang ako sa mga ito. Dahil ang importante sa akin ay mailigtas ang babae. At habang tumatakbo ako, nakita kong may papalapit ng lalakeng may takip na telang itim sa mukha... Mas binilisan ko pa ang takbo kaso nga lang.....

*beEeeepp! Beeeepp!*

Lumingon ako sa kaliwa ko, aabutin ako ng sasakyan, pero mas binilisan ko pa ang pagtakbo at ibinigay ang buo kong pwersa para maiwasan ito...

*BLAAAM!*

"AAAhhhhh..."

Napabagsak ako sa sobrang sakit at sa lakas ng pwersa. Nagawa ko ngang maiwasan na mabangga, pero nahagip naman ako ng side mirror sa aking tagiliran. Pinilit kong makatayo pero hindi ko magawa dahil sa sobrang sakit.

*BANG!*

Natahimik ang lahat dahil sa narinig na putok ng baril, lumingon ako sa babae... Huli na ang lahat.... nakahandusay na ito at unti-unti ng kumalat ang dugo sa lupa. Samantalang nakatakbo na ang kriminal.....

the PREMONITIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon