Chapter 9

2.4K 73 27
                                    

Unti-unti na akong nahihirapang huminga, para bang luluwa na ang aking mga mata. Wala akong magawa dahil nakatali ang mga kamay ko.. Ito na ang katapusan ko. Habang unti-unti kong nararamdaman ang kamatayan, sumagi sa aking isipan ang tungkol sa huli kong premonition. Hindi sa ganitong paraan ako mamamatay.

*CRAAAACKK*

*BLAAAMMM*

Marupok ang kahoy na pinagsabitan sa akin ni Richard, kaya naman naputol ito at bumagsak ako sa sahig.

*Coughing* "Hindi pa ito ang huli.... Dahil hindi ito ang desenyo ng pag kamatay ko." Paalala ko sa aking sarili.

Llumuwag din ang tali sa kamay ko kaya natanggal ko ito..

"Mukhang tinutulungan ako nung mga babae"

Agad akong lumabas ng kwarto para hanapin si Abby. Isa-isa kong tinignan ang mga kwarto hanggang sa mapunta ako sa pinakadulo. Pagbukas ko sa pinto, nakita ko si Abby na nakatali. Pero walang bakas na may ginawang kalokohan sa kanya si Richard.

Inilibot ko sa paligid ang aking tingin. "Ito na.... Ito ang lugar kung saan ako mamamatay..."

Alam kong nagtatago lang sa paligid si Richard... MAbilis akong pumasok sa kwarto at tumingin sa bawat paligid. Nakita ko si Richard, may hawak nanaman siyang kutsilyo.

"Nabago ko na ang pangyayari... Mapapatay mo dapat ako dahil hindi ko alam na nasa likod kita. Pero salamat sa Premonition ko kaya nalaman kong aatakihin mo ako patalikod." Buong kompyansang sambit ko sa kanya.

"Kaya naman pala nakaligtas ka sa pagkaka-bigti mo, dahil dito ka nakatakdang mamatay.. Magaling ka rin eh noh!!! May abilidad kang ganyan. .... Pero hindi mo mababago ang makatakda! DITO KA PARIN MAMAMATAY!" Sigaw nito.

    Mabilis na sumugod si Richard, pero nakailag ako sa kanya at nagawa ko siyang suntukin upang mabitiwan niya ang kutsilyo. Pero galit na galit siya kaya naman sobrang lakas ng pwersa niya at nagulpi niya ako.

"Eh kung patayin nalang kaya kita sa gulpi !" Pagdadalawang isip pa nito.

    Hinablot niya ako sa buhok at pinilit na itayo. Pinagsusuntok niya ang mukha ko at sinipa ako. Sa pinagbagsakan ko ay may nakita akong kahoy malapit sa akin. Dahan-dahan ng lumapit si Richard, hawak na niya ang kutsilyo. Unti-unti din akong tumayo habang tinatakpan ang hawak kong kahoy. Malapit na si Richard sa akin. Pero bago pa siya makasugod ay inunahan ko na siya sa kanyang plano. Hinampas ko siya ng hawak kong kahoy. Tinamaan si Richard sa kanyang mukha dahilan para dumugo ito at magpatumba sa kanya. Habang walang malay si Richard ay nagmadali akong tanggalin sa pagkakatali si Abby.

"Salamat Vonjo..masaya ako at buhay ka." Naluluhang sambit ni Abby.

"Kailangan na nating umalis, wala lang malay si...... aaaaaarrrrrggghhhhh!!!!" Bigla akong nakaramdam ng matinding kirot.

"VONJO!" Sigaw ni Abby

"Hehehehe... Akala mo ba napigilan mo na ako?" Bulong ni Richard sa akin.

     Sinaksak ako ni Richard sa tagiliran habang nakatalikod.. "Ayos ba? NAngyari parin yung nasa premonition mo..." Natatawang paalala nito sa akin.

     Hindi ako makakapayag na mapahamak si Abby, siguradong si Abby na ang susunod niyang babastusin at papatayin oras na bumagsak na ako. Kaya naman ibinigay ko na ang buong lakas ko para itulak si Richard sa pader. Pero parang wala lang kay Richard ang nangyayari. Nakatingin lang siya sa akin, nakangiti at nanlilisik ang mga mata.

Hinugot ko ang kutsilyong nakatusok sa tagiliran ko at isinaksak ko din sa tagiliran ni Richard. Hindi lang isa, kundi tatlong beses kong ginawa iyon para makasiguro na mapipigilan na si Richard.

the PREMONITIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon