NGSB siya

2.4K 71 72
                                    

Matapos ang ka-sweetang nangyari sa pagitan nila Ate Julie at Kuya Kai (Mula sa kwentong NBSB ka?) , nagkaroon ng pag-asa sa lovelife ang ibang babae, na tulad ni Ate Julie, ay NBSB rin...

Tulad ko.

Ako si FRANCE. Tandaan nyo yung pangalan ko! Dahil pagtitiyagaan nyo ako hanggang sa matapos ang kwento ko!

Tulad nang nasabi ko, NBSB ako. Hindi No Baon Since Bakasyon , kundi No Boyfriend Since Birth. Nagtataka nga ako... Hindi naman ako pangit. Hindi naman pang-comedy bar yung mukha ko, pero bakit walang sumusubok manligaw sakin? Nakakaasar lang eh.

Kung sabagay, dati bawal talaga akong magka-boyfriend.. kasi.. Ayoko lang. Di ko trip.. Pero shetness naman. malapit na akong gumraduate ng college, wala pa ring nagbabalak? nak ng tutsa naman oh.

In love ako sa isang lalaki na bali-balita ay NGSB daw. alam nyo naman siguro yon di ba? No Girlfriend Since Birth . Di ko alam kung paano naging posible yun sa isang tulad nya na ubod ng gwapo at sobrang ma-appeal. HIndi kaya bading to? Wag naman po sana.

Siya kaya yung pinapangarap kong maging First and Last Boyfriend hanggang sa ikasal kami!

oh ha! Advanced mag-isip! ganito talaga pag NBSB! Dahil wala akong experience, iniimagine ko nalag ang mangyayari sa akin pag nagkaboyfriend na ako! Gawain nyo rin ba to?

"PARIS!!" tawag ko sa isang lalaking kumikinang-kinang kapag nasisinagan ng araw at nakaka-silaw ang taglay na kagwapuhan na nakaupo sa tabi ng bintana habang may binabasang isang maliit na libro. ABNKKBSNPLAko?! yung title. Yun oh! Favorite author ko yun eh! Bob Ong!

Sumulyap siya sa akin with somekind of bored look in his face.

Pumunta ako sa may likuran nya at tinignan ang binabasa nya...

"Obligasyon kong maglayag, Karapatan kong pumunta sa kung saan ko gusto, Responsibilidad ko ang buhay ko..."  naks. ang lalim nun.  At dahil sa nabasa kong quote dun, may naisip akong isang kalokohan

"Paris!!!"

"Oh?" tanong nya habang hindi inaalis ang tingin ng kanyang mapupungay na mata sa libro ni Bob Ong. Bob Ong! Nagseselos tuloy ako sa libro mo.

"Tumingin ka kase sakin!!" pagkasabing-pagkasabi ko nun ay bigla namang lumingon sa akin si Paris na halos magkasalubong na yung kilay niya. Sunget.

"Alam mo ba na meant to be tayo?" panimula ko.

Ganito kami araw-araw. Hindi na mabilang ng mga daliri sa kamay at paa ko kung ilang beses ko nang inihayag ang nararamdaman ko para sa kanya, at kung ilang beses nya na ako binalewala. Pero hindi ako susuko!!

"Pano naman nangyari yun?" tanong nya

"Kasi kahit anong mangyari, lagi ka pa ring mapupunta sa akin. Tignan mo! Pati pangalan natin sumasang-ayon! Paris France ! Oh di ba? Hinding-hindi tayo pwedeng maghiwalay! Meant to be tayo sa ayaw mo't sa gusto!" sabi ko. Napansin kong medyo napakagat-labi siya ng unti. Shet. wag kang ganyan Paris!! baka magahasa kita ng wala sa oras!

"Maraming lugar sa France."  sabi nya. onga noh? maling banat. tsk tsk

Pero! Hep hep! Hindi ako magpapatalo! Isa yata akong Valedictorian nung Pre-school noh!! Proud na Proud ako dun! Pero, matalino pa rin ako hanggang ngayon! pinanindigan ko yun, from pre-school to college!

Bago pa niya ibalik ang pansin niya sa librong binabasa, eh kaagad na akong nakaisip ng idadahilan ko sa kanya!

"marami ngang lugar sa France, pero Paris pa rin ang ginawang capital nito." yun oh! Mahusay France! paano mo naisip yon??

Narinig ko na lang siyang bumuntong-hininga. wala na siyang masabi. naks! Winner! 

"Ang puso ko, parang lupain lang ng France yan eh." pagpapatuloy ko.  Paris ang nakasakop ng pinakamalaking bahagi."  shet. bakit ancheesy ko? haha

Nagulat na lang kaming lahat ng napatayo siya bigla.

Oy! Oy! Oy! Bakit siya natayo?? may mali ba sa sinabi ko? mabaho ba ang hininga ko? Ayaw nya ba sa may bandang Europe? Di ba siya mahilig sa History? Nak ng tutsa. nakakatakot naman tong si Paris eh! Basted na ba ako?

"Oy! Oy! Oy! Paris! Hindi diyan ang daan!!" sabi ko pa.

Tumingin siya sa akin na medyo naniningkit ang mga mata

"Dito ang daan patungo sa puso ko oh! Sa gwapo mong yan, maraming mag-aalay ng puwang sa puso nila para sayo! Hindi lang ako! kaya uunahan ko na sila!" 

Napa-Face palm na lang siya bigla.

"Wag mo nga akong paasahin." sabi niya sabay nagmadaling umalis papunta sa.. hindi ko alam. basta naglakad siya palabas.

Syempre, dahil mahal na mahal ko talaga si Paris, ay nagmamadali akong lumabas para habulin siya.

"Paris!! Tigil!! Papasabugin ko bahay nyo pag di ka tumigil sa paglalakad!!!!!" sigaw ko. Wow. lakas ng loob manakot ah.

Tumakbo ako papunta sa kanya nang mapansin kong natigil siya sa paglalakad. At talagang sa gitna pa talaga ng quadrangle sya tumigil ah. eksena!

"Bakit ba hindi ka pa nagkaka-girlfriend? Bading ka ba? Wag kang um-oo! Masasaktan ako!!" sabi ko sa kanya. Eto na yung kinakatakot ko eh. Yung malamang bading talaga siya. Gosh! Di ko keri!

Nakita kong bahagyang tumaas ang isang kilay niya. sabi na nga ba eh. hindi ako nagkamali ng akala.

"Ayos lang kahit bading ka! Tanggap na tanggap ko kahit ano ka pa! ganyan kita ka-mahal! Alam mo ba yun?! Yun ba ang dahilan kung bakit hindi ka nagkaka-girlfriend?! kasi lalaki rin ang hanap mo?? GOSH! Gusto mong rape-in kita dito sa gitna ngayon at sa harap ng maraming tao para lang maging lalaki ka? nak ng tutsa! Paris, gagawin ko ang lahat mapasakin ka lang!" Tuloy-tuloy kong sabi. Yumuko sya ng unti at inilagay ang isang kamay sa may batok niya.

Ilang sandali pa ay itinaas nya na ang ulo nya at kitang-kita ko ang matatamis na ngiti dito. Ano kayang toothpaste yung ginagamit mo? Napakaswerte!

"Hindi ako bading no. Sabi kasi nungg babaeng mahal ko, hindi pa daw siya pwedeng magka-boyfriend."

"H-Huh? Si-Sino ba siya?" nangangatog kong tanong. saklap. Dito pa talaga sa harap ng maraming audience na-reject and beauty ko

"Etong babaeng nagbabasa ng kwentong 'to."

===========================================

Shet. Di ko po alam kung anong masamang elemento ang sumapi sa akin at nagkaganyan ang Ending. HAHAHA!  Pasensya na. xDD

CrazyLittleDreamer

NGSB siyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon