Nakarating ako sa eskwelahan na may pakiramdam na may sumusunod sa akin.
Hindi ako nagsalita o nagparticipate sa klase buong araw gaya ng nakagawian ko. Pero alam kong may mga matang nakamasid sa akin.
Inayos ko ang mga gamit ko at naghanda na upang umuwi.
"Georgina, mag – usap tayo" hinarang ako ni Robbie.
"I just want to say sorry about what I did. Hindi ko lang napigilan ang sarili ko."
Tiningnan ko lang siya sa mata. Hindi. Hindi totoo.
"Sige, I accept your apology. Pero please, stop following and bothering me."
"Georgina, mahirap ata yun. Mahal na kita,"
Hindi ako kumibo. Naglakad ako palayo sa kanya at dumiretso pauwi.
Pagdating sa bahay, pumunta ako sa pinakapaborito kong spot sa bahay. Ang kwarto ng aking mga paboritong bagay.
"Tama ang ginawa mo Georgina. Hindi ka nagkamali."sabi ko sa aking sarili.
Ako lang ulit mag-isa ang nandito sa bahay. Napagpasyahan ko ang magluto pero wala na palang supply sa bahay. Lumabas ako para bumili. Habang nasa grocery may narinig akong nag-uusap.
"Ang galing mo talaga!"sambit ng isang babae.
"Syempre, ako pa." sabi ng isang lalaking pamilyar ang boses sa akin. "Wag kang mag –alala at matatapos ko din ang dare mo."
BINABASA MO ANG
KOLEKSYON
Mystery / ThrillerMaganda, mayaman, matalino. Yan ang katangian ni Georgina Samonte, isang surgeon student. Pero lingid sa kaalaman ng lahat na hindi siya masaya sa kanyang buhay. Punong - puno ng poot at galit ang puso niya kung kaya nag-umpisa siyang mangulekta...