Nagising na si Robbie.
"Georgina? Ano to? Bakit ako nakaposas?"tanong ni Robbie. "Anong gagawin mo sa akin?"
Inilabas ko ang scalpel. "Pag-aaralan," kaswal na sagot ko sa kanya.
"Georgina, please, don't do this to me,"sabi niya. "Pakawalan mo na ako,"
"Pag pinakawalan kita, anong gagawin mo?"
"Hindi na kita guguluhin" sagot niya.
"Good."
Pinakawalan ko siya. Mabilis naman siyang tumayo at tumakbo sa pinto. Sinundan ko siya. Mukha atang nalaman na niya.
"Georgina?"
"Sa tingin mo pakakawalan ko ang isang tulad mo?"
"Georgina, please. Paalisin mo na ako. Buksan mo itong pinto."
"Anong tingin mo sa akin, tanga? Robbie, hinding –hindi ka makakalabas dito. Once you enter in my life, there's no going back,"
"Bakit Georgina? Ano bang gusto mo?"
"Gusto ko?"Medto naglakad ako palapit sa kanya habang hawak –hawak ang mas malaking kutsilyo. "Ahh... Alam ko na... Puso mo,"
"Mahal kita, Georgina. Kaya ibibigay ko sa'yo ang puso ko"
"Really? Ibibigay mo talaga sa akin ang puso mo?"
"Oo,pero bago ko ibigay ang puso ko, bitawan mo muna ang kutsilyo,"
Sinunod ko ang sinabi niya at lumapit.
"Baliw ka na!" Hinampas niya ako ng vase sa ulo. Nahilo ako. Kasabay noon ay ang pag – akyat niya sa taas. Naramdaman kong may umaagos mula sa ulo ko papunta sa pisngi ko. Dugo.
Mabilis ko siyang sinundan. Hanggang sa nakapasok siya sa kwarto ko. Malamang, nakita niya na ang mga koleksyon ko.
"Ang ganda, hindi ba? Iba-ibang parte ng katawan ng tao. Alam mo bang iyan ang naging inspirasyon ko sa kurso ko?"
"Paano ka nakapasok dito?"
"Paano ako nakapasok? Like Duh? Kailangan pa bang itanong yan? Bahay ko ito kaya alam ko ang pasikot-sikot dito. Lahat ng kwarto ay dalawa ang pinto kaya hinding hindi ka makakatakas kahit saan ka magpunta."
"Georgina, please, wag mong gawin ito,"sabi niya. Papalapit ako ng papalapit sa kanya.
"Please! Gagawin ko lahat ng gusto mo pero please, wag mo akong papatayin!"
Inilabas ko ang baril ko.
"Eh, paano kung ang gusto ko ay ang..... patayin ka? HAHAHHHAHAAH!!!!"
"Please! Please don't do this!"
"TAHIMIK!"
"Please!"
"Tahimik sabi!" Hinampas ko siya sa ulo ng baril na hawak ko. Nawalan siya ng malay. "Kasi ikaw eh, sinabi ko naman sa'yong tahimik di ba? Yan tuloy."
Hinila ko siya papunta sa labolatory ko. Dun ko siya itinali. Handang handa na ang lahat para sa operasyon. Pero parang hindi pa ata ready ang subject.
BINABASA MO ANG
KOLEKSYON
Mystery / ThrillerMaganda, mayaman, matalino. Yan ang katangian ni Georgina Samonte, isang surgeon student. Pero lingid sa kaalaman ng lahat na hindi siya masaya sa kanyang buhay. Punong - puno ng poot at galit ang puso niya kung kaya nag-umpisa siyang mangulekta...