KABANATA II

362 10 1
                                    

"Ano bang gender ng ipapakita sa atin? Sana lalaki noh? Para alam mo na. HAHAHAHAH!!!!" si Cathy yun. Malandi at malisyosa kong kaklase. Lahat ng makitang may kaugnayan sa reproductive system, kung di napapatili, napapahagikgik. Hindi ko alam pero kahit na hindi ko siya pinapansin, lumalapit pa rin sa akin ang babaeng ito.

Di nagtagal ay duamting ang prof namin. Tatlong assistant niya ang pumasok na may dala-dalang nakatakip na bagay. Dahil inabisuhan na kami, alam na namin na tao iyon. Bangkay ng tao. Binibili mula sa morge para pag-aralan. Pag-aralan ng mga katulad namin.

Nagsimulang magsalita ang prof namin. Sabi niya, isa-isa kamung lalapit sa bangkay. Pero pili ang mga taong gagawa ng mga iba –ibang task. May hihiwa gamit ang scalpel, mayroong magbubuka ng sugat at mayroong hahawak mismo sa parting iyon ng katawan ng bangkay. Ngayon, ang napiling parte ay ang puso.

Lahat kami ay pinalapit sa bangkay. Babae ito kaya medyo mahirap ang pag-eeksamin dito.

"Ay, babae"sabi ni Cathy.

Dahil nagreact siya, siya tuloy ang inutusang maghiwa sa bangkay. Medyo parang masuka-suka siya sa ginawa niya.

Samantala, isang kaklase ko naman ang inutusang magbuka ng sugat. Pinapaliwanag ng prof ko ang lahat. Pero bigla na lang nagring ang cellphone ko. Nadestruct tuloy ang lahat. Pagtingin ko, si Mattheo ang tumatawag.

"Miss Samonte, turn off your phone,"sabi ng prof namin. Nagdadalawang isip ako kung ibababa ko ba o sasagutin ang tawag.

"Miss Samonte,"sabi ng prof ko in a warning voice. Napilitan akong ibaba ang telepono.

"For that, Miss Samonte, can you please touch this one?"

Ang ibig niyang sabihin, ako ang hahawak sa puso.

Dahan-dahan lang ako. Unti-unti kong inilapit ang kamay ko sa puso. Hinawakan ko ito. Pero parang may kakaiba akong naramdaman. Pakiramdam na parang nangyari na ito noon. Na parang nakahawak na ako nito noon. Dugo. Dugo galing sa puso na dumadaloy. Dumadaloy pababa sa braso ko. Pero hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Saya?

"Miss Samonte, are you listening?" paggising ng prof sa aking pagkatulala.

"Yes Sir."

"I said, what did you feel after holding it?" tanong niya.

"Confused." Yun ang tanging naisagot ko.

"She's nervous," sabi ng isa kong kaklase. Si Robbie.

Nagtawanan naman ang mga kaklase ko.

"Stop it" saway ng prof ko.

Tumigil naman sa pagtatawanan ang mga kaklase ko.

"Miss Samonte, tell me, why are you confused?" tanong ng prof ko.

"I don't know. I just feel something. I am not nervous. But holding it, I feel contented."

KOLEKSYONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon