Tanghali na nang mag-uwian kami. Maulan din noon. Lahat magkakasamang lumabas pwera lang sa akin. Nagpaiwan ako sa classromm. Tumingin ako sa bintana. Gantong ganto ang nangyari noon. Umuulan at basing basa ang daan. Mga halaman, damo at pati ang mga tao ay basa.
"Georgina?"
Nagulat ako nang may tumawag sa pangalan ko. Paglingon ko, si Robbie.
"Is there something wrong?"
Hindi ko siya pinansin. Binalik ko ang tingin ko sa bintana.
"Bakit nandito ka pa? May inaantay ka?" tanong niya.
Tiningnan ko siya. Pero hindi ko sinagot ang tanong niya. Kinuha ko ang mga gamit ko, tumayo at saka naglakad palayo. Pero bago makalabas ng room,
"Ihahatid na kita,"sabi niya. Napatigil ako. Tiningnan ko ulit siya. Lumapit siya sa akin at nagsalita.
"Umuulan kasi. Tapos napansin kong wala kang payong kaya naisipan kong ihatid ka,"
Hindi pa rin ako sumagot. Nagsimula ulit akong lumakad.
"Teka, Georgina," tawag niya.
Nang makarating kami sa may labas ng campus, binuksan niya ang paying niya at pinayungan ako. "Ihahatid kita ha?" Tumango na lamang ako.
Nagpunta kami sa parking lot kung saan nakaparada ang sasakyan niya. Pumasok ako at sumakay.
"Saan ka ba nakatira?" tanong niya. Tumingin ako sa kanya at saka sumagot. "Palm Village sa Makati. Doon mo na lang ako ihatid."
"Okay," sabi niya. Natahimik kaming dalawa. Tumingin ako sa bintana. Napansin kong mas lalong lumakas ang ulan. Medyo kumikidlat pa.
"You know what? Matagal na kitang kaklase pero until now, you're like that."
Napatingin ako sa kanya. Napalingon din siya sa akin.
"Ah.. I-I mean, you're always silent and alone. Don't get me wrong pero I find it weird."
Biglang inihinto ni Robbie ang sasakyan. Traffic kaya siya huminto.
"Asar! Bakit traffic?" sabi ni Robbie. Hindi lang ako kumibo.
"Ah, by the way, sino nga ba ang kasama mo sa bahay?"
"Parents ko,"sagot ko.
"Ahhh.... So bakit surgeon ang kinuha mong course?"tanong niya.
"Yun ang gusto ko,"
"Buti ka pa. Ako kasi pinilit lang. Buong pamilya kasi namin surgeon kaya yun din ang gusto nila para sa akin."sabi niya.
Maya maya pa ay unti unti nang umandar ang mga sasakyan.
Di nagtagal, nakarating na rin kami sa tapat ng village. Tumila na rin ang ulan.
"Dito na lang ako."sabi ko sa kanya.
"Okay lang ba?"
"Strict si Papa. Pag nakita ka niya, baka anong isipin niya,"
"Ganun ba?"
Kinuha ko ang mga gamit ko at nang bababa na ako, pinigil ako ni Robbie.
"Teka lang Georgina," sabi niya. "May sasabihin lang ako sa'yo,"
Tumingin ako sa kanya.
"I like you."
BINABASA MO ANG
KOLEKSYON
Mystery / ThrillerMaganda, mayaman, matalino. Yan ang katangian ni Georgina Samonte, isang surgeon student. Pero lingid sa kaalaman ng lahat na hindi siya masaya sa kanyang buhay. Punong - puno ng poot at galit ang puso niya kung kaya nag-umpisa siyang mangulekta...