ALENA 05

60.1K 132 3
                                        

  Note: Hi Guys. Heto napo Ang continuation ni Alena.

Medyo tragic Ang chapter na to. But I hope you will like it guys!!

Keep reading 🥺🥺🥺🥺

THREE YEARS AFTER

3RD PERSON POV**

      MALAKAS NA ULAN  na sinasabayan Ng malakas na hangin at bumabaha narin sa iilang Lugar.

Kasalukuyang NASA hospital si Alena dahil nagka dengue Ang anak niyang si Revin.

Habang naiwan sa bahay SI Darwin at Ang isa pa niyang anak na si Kevin.

"Mahal, di parin tumitigil Ang ulan. Ang mabuti pay umalis na kayo diyan sa bahay. Pumunta na kayo sa evacuation center" nag aalalang Sabi ni Alena sa asawa. 

"Oo mahal. Papunta na kami subalit malakas Ang ulan. Nag aalala ako baka di kami makatawid. Lumalaki na rin Ang tubig. Tawagan nalang kita kapag nakarating na ka.......(totoooottttt) " di na natapos pa Ang sasabihin ni Darwin dahil bigla na itong nawalan Ng signal.

"Mahal? Mahal??" Kinakabahang tawag ni Alena habang tinitingnan din Ang telepono Niya.

Biglang humina Ang signal.

Napalakad lakad siya at balot Ang puso sa pag aalala.

Habang si Darwin Naman ay binuhat Ang batang SI Kevin.

Isinakay Niya sa trysikel Ang Bata at maingat na binaybay Ang daan.

Malakas Ang hangin at pagbuhos Ng ulan.

Ang tubig Naman ay umaapaw na sa daan pero kaya parin namang tumawid Ng trysikel Neto.

Tumigil pansamantala SI Darwin at kinuha Ang Bata at pinaupo sa harapan Niya at tinalian Niya Ng Isang kumbong.

"Yumakap ka Kay papa nak. " Sabi ni Darwin sa Bata na sinunud Naman Neto.

Papalapit na sila sa daang de semento Ng biglang kumidlat at natamaan Neto Ang Isang Puno at natumba ito.

Sa kasamang palad ay tumama kina Darwin Ang natumbang Puno.

Mahigpit na niyakap ni Darwin Ang ulo Ng anak ngunit natusok Naman ito Ng matulis na sanga na nabali Mula sa Puno habang si Darwin Naman ay tinamaan sa ulo at nabli Ang paa.

Sa hospital ay nalaglag Ang baso at nagkalat Ang basag Neto sa sahig dahilan para mas lalong balutin Ng kaba SI Alena.

Kinaumagahan ay umuulan parin at di na masyadong kalakasan Ang hangin.

Kasalukuyang niyang sinusubuan Ng pagkain Ang anak Ng may kumatok at pumasok.

"Alena." Tawag sa kanya Ng Isang opisyal Ng baranggay.

Napalingon SI Alena  dito at bakas sa mukha Neto Ang pag aalala.

"Aling Silya." Tawag ni Alena. "Ano hong atin? " Tanong Niya

"SI Darwin at Ang anak mo" Sabi Neto na tila pumipiyok

"Bakit Po? Anong nangyari sa mag ama ko?" Tanong Niya dito

"Wa-wala na sila Alena. Natamaan sila Ng malaking kahoy na natumba sa daan. " Malungkot na Sabi Neto

Nabitiwan ni Alena Ang Plato sa narinig.

Nanginginig Ang katawan Niya at muntik pa siyang matumba Buti t naalalayan siya ni Silya.

"Sigurado kayo? Sigurado Po ba kayong SI Darwin at Kevin Yun? Baka hindi.." nagpapanic niyang tanong

ALENA [ SPG 🔞 ]Stories to obsess over. Discover now