ALENA 12

38.9K 121 9
                                        


    Kasalukuyang kaming bumyahe ni Liam at bigla akong kinabahan Ng Makita Ang dalawang may edad na magkaparehang nakaupo sa garden NILA.

Agad na tumayo Ang dalawa Ng Makita Ang kotse ni Liam.

"Mga magulang mo?" Kinakabahan Kong tanong sa kanya.

"Yes. Tara na" Sabi Niya sakin sabay na bumaba at mabilis na pumunta sa tapat ko at binuksan Ang pinto Ng sasakyan.

"Liam" tawag Ng Ina ni Liam sabay halik sa pisngi Neto at niyakap Ang anak. 

Ganun din Ang ginawa Ng ama Niya.

At pagkatapos ay sabay silang tumingin sa akin at sa kamay ko na inabot ni Liam.

"Ma, pa. Meet Alena. My girlfriend" nakangiting Sabi Niya sa mga magulang Niya.

"Magandang araw Po" nahihiya Kong bati sa kanila.

"Hi hija. Welcome to the family. " Sabi Ng papa Niya matapos Kong mag Mano.

Tumitig sakin Ang nanay Niya na tila ba ay may inaalala.

Napapisil ako sa kamay ni Liam pero nabigla ako at niyakap Niya ako Ng mahigpit.

"Finally. Nakita na rin kita sa wakas. " Sabi Neto na tila may ibang ibig Sabihin.

"Ikinagagalak ko rin Po kayong makilala Tito ,tita. Salamat Po" ngiting Sabi ko sa kanila.

"Oh siya Tara na at naghihintay na Ang pagkain. " Sabi Ng Ina Niya at inagaw Ang kamay ko Kay Liam at hinila ako papasok sa bahay.

Napalingon ako Kay Liam na tumango lang na ngumiti maging Ang papa Niya.

Magiliw na inasikaso ako Ng mama Niya.

Kung kanina ay kinabahan ako Ngayon ay naging komportable akong kausap na sila.

"Liam told us about your past. " Malumanay na Sabi Ng mama Niya Ng makalapit sa akin.

Kasalukuyang kaming nakaupo sa garden habang Sina Liam at Ang papa Niya ay nag bi- billiard.

"I'm sorry for your lost hija. " Sabi Neto sakin sabay na kinuha Ang kamay ko at marahang pinipisil na tila ba inaalo Niya ako.

Diko maiwasang mapaluha at mabilis Naman Niya akong niyakap.

"Alam Kong mahirap Ang pinagdadaanan mo Lalo pat sabay silang nawala. But life must go on. " Sabi Niya sakin habang hinahaplos Ang likod ko.

"Pagpasensiyahan niyo na Po ako tita. " Paghinging paumanhin ko sa kanya.

"Ano kaba. Ayos lang. Masaya ako at nakita ka uli ni Liam. " Sabi Neto sa akin na ikinagulat kong tumingin sa kanya.

Ngumiti lang siyang tumango na tila ba naiintindihan Niya Ang iniisip ko.

"Babe, ayos ka lang?" May pag aalalang tanong ni Liam

"Oo ayos lang ako. " Nakangiti Kong sagot sa kanya at tumingin sa mama Niya.

"Ano ka ba. Napag usapan lang namin Buhay Niya. Bumalik kana doon. May pupuntahan lang kami ni Alena. " Sabi Niya sabay na tumayo at hinawakan Ang kamay ko.

"Are you sure?" Tanong ni Liam sa akin. "Ma?" Tawag Niya sa Ina.

"Oo. Ayos lang ako. " Nakangiti Kong Sabi sa kanya.

Napakamot sa ulong bumalik sa papa Niya SI Liam.

Habang kami ay nagtungo sa Isang maliit na silid.

"Ito Ang dating kwarto ni Liam. Pero dahil may trabaho na siya di na to nagagamit pa. " Sabi Niya sabay na lumapit sa Isang painting.

Tinanggal Niya iyon at may kinuha sa likod Neto.

Nakangiti siyang ibinigay sa akin Ang larawan.

Nagtataka akong inabot  Ang larawan at Nakita ko Ang larawan namin Nung araw na nanganak ako sa mga Bata.

"Before Liam forgot everything. Sinabi Niya Ang lahat sakin noon. Oo Nung una Galit ako Kasi kasalanan Ang ginawa niyo. Pero sino nga ba ako para mag husga Lalo pat nakikita ko sa anak ko Ang kasiyahan kahit pa sa malayo lang siya nakatingin sa inyong mag Ina. " Sabi Neto sa akin.

"Anong ibig niyo pong Sabihin?" Tanong ko sa kanya.

"He always visit you at pinagmamasdan kayo sa malayo. Kasama Niya ako lagi dahil gusto ko rin Makita Ang mga Bata. Pero dahil nga sa ayaw niyang makasira Ng pamilya. Itinigil Niya Ang pag dalaw sa Lugar mo at nag pukos sa pag tatrabaho. " Sabi Neto sabay abot Ng isang bank account

Nang buksan ko ito ay Nakita ko Ang laman.

Mahigit isang Milyon Ang nakadeposito.

"Until the day he heard about the tragedy about you and your family. He rush to go para puntahan ka pero sa kasamaang palad ay nadisgrasya sila Ng sinakyan niya. " Patuloy na paliwanag Neto.

Habang ako ay lumuluha habang tinititigan ko Ang litrato.

"Na confined siya Ng dalawang buwan. Comatose siya. Nang magising siya He forgot everything. Me at Ang papa Niya even you." Sabi Neto.

"I'm I'm sorry Po" Sabi ko sa kanya.

"No. No. You don't have to say sorry. We can't predict what will happen and it's part of our lives. Pinahanap kita pero Wala kana sa Lugar na Yun. Nagkasakit din Ang papa ni Liam kaya di ko na naituloy pa Ang paghahanap sayo. But luckily...God have own ways. Pinag cross Ang landas niyong dalawa. Kahit Wala siyang maalala Ngayon Masaya ako na Makita siyang masaya sayo" mahabang Sabi Neto at Puno Ng sensiridad Ang mga matang nakatingin sa akin.

"Salamat Po. " Nakangiti Kong Sabi sa kanya. "pero inaalala ko lang Po pag naalala na Niya Ang nakaraan at hanapin Ang mga Bata. " Naiiyak Kong Sabi sa kanya.

"Don't worry, mabait Ang anak ko. He will understand and accept it. Lalo pat andiyan ka. " Sabi Neto sa akin.

Tumatango akong nagpunas Ng luha Ng marinig namin Ang pag Sigaw sa labas kaya nagmamadali kaming lumabas at Nakita namin SI Liam na hawak Ang ulo Niya.

Nakikita ko Ang paghihirap Niya dahil sa sakit na nararamdaman.

"Anong nangyari ?" Nag aalalang tanong Ng mama ni Liam.

"Bigla nalang sumakit Ang ulo niya. At Tumawag na ako Ng ambulansiya. " Natatarantang Sabi Ng papa Niya habang ako ay nanatiling nakatayo.

Nanginginig Ang katawan ko habang balot Ang puso ko Ng takot.

Sumagi na Naman sa isipan ko Ang nangyari noon.

Napalingon sa akin Ang mama ni Liam at mabilis Niya akong nilapitan.

"Alena..." Tawag Niya sa akin sabay yakap sa akin.

Tumingin ako sa kanya na lumuluha habang nanginginig.

Biglang dumating Ang ambulansiya at agad na isinakay SI Liam.

"Ikaw na sumama sa ambulansiya. Susunod kami ni Alena. " Sabi Ng mama Niya.

Tumingin Ang pala joya sa akin na nag aalala rin.

"Magiging maayos lang Naman Po siya diba?" Takot Kong tanong sa kanya.

"Oo. Magiging maayos siya. Kaya wag mag alala" pag aalo netong Sabi.

"Hi-hindi Naman Po siya mawawala diba tita? Natatakot ako...natatakot ako" hagulhol Kong Sabi sa kanya.

"No. Hindi. Tahan na. " Sabi Niya sa akin at mahigpit akong niyakap.

Natatakot ako na baka maulit na Naman Ang pangyayari.

Na mawala siya at iwanan akong mag isa. Baka diko na kayanin.

ALENA [ SPG 🔞 ]Stories to obsess over. Discover now