Isang buwan na Ng lumipas at kasalukuyan akong naglalakad sa simbahan habang nakangiting naghihintay si Liam.
Tumutol Ang mama ni Liam na magpakasal kami sa huwes dahil Sabi Niya na maganda sa Isang babae Ang ikasal sa simbahan.
Dahil masunuring mga anak kami ay di na kami tumutol pa.
Nakangiti kaming parehas habang nakikinig sa seremonya Ng pari.
Natatawa ako Kasi nakikita ko na tila naiinip na si Liam sa tagal.
"Father...let's skip that part please. " Biglang Sabi ni Liam na ikinatigil Ng pari at seryosong tumingin sa Amin.
Narinig Kong nagtawanan Ang mg bisita na dumalo sa kasal.
"Dude, relax. Excited ka masyado" kantiyaw ni Daniel sabay tawanan.
"Ah father, bilisan niyo na Po. Mahabang panahon na Po Kasi Ang nasayang namin. " Pakiusap ko sa pari na tila naiintindihan Naman Neto ang ibig kong Sabihin at tumango sabay iling.
" Ang mga kabataan nga Naman. " Naiiling na Sabi Niya "You may now kiss the bride. " Sunod na Sabi niya.
Mabilis Kong binuksan Ang telang nakatabon sa mukha ko at ako na MISMO Ang humalik Kay Liam
Naghiyawan Naman Ang mga bisita maging Ang pari ay natatawa nalang.
Matapos Ang picture taking ay dumeretso na kaming lahat sa reception.
Makalipas Ang isang oras ay nagpaalam na kami para umuwi na.
" Hoy. Kayo ha. Bat atat na atat kayong magbembangan. " Pagbibirong Sabi ni Mira sa Amin.
"Mira..yang bibig mo talaga" saway ko sa kanya.
Pero natigilan ako Ng makaramdam ako Ng pagkahilo.
Napahigpit Ang hawak ko Kay Liam.
"Li-liam" sambit ko bago tuluyang nawalan Ng Malay.
Nagising nalang ako na NASA hospital ako.
Nakaupo SI Liam sa gilid Ng kama habang Sina Mira at mga magulang Naman namin ay nakaupo sa mga upuan.
"Anong nangyari? Bakit nandito kayo? " Nagtataka Kong tanong sa kanila.
"Eh bigla ka kasing hinimatay. Kaya sinugod ka namin dito sa hospital. " Sabi ni Mira.
"Ha?" Tanong ko at mabilis na bumangon pero pinigilan ako ni Liam.
"Hey. Easy. Be careful. " Sabi Niya sa akin at inalalayan akong umupo.
"Bakit ako hinimatay? May sakit ba ako?" Tanong ko sa kanila na sabay sabay Naman umiling pero nakangiti.
Tumingin ako Kay Liam Ng halikan niya Ang kamay ko.
"Wala Kang sakit. But.." Sabi Niya sabay na inilapat Ang palad Niya sa tiyan ko.
Nakuha ko Ang ibig Sabihin Niya.
"Bu-buntis ako?" Tanong ko sa kanya na ngumiti lang siyang tumango.
" In fairness sayo Ena. Shooter SI Liam catcher ka Naman" Sabi ni Mira.
Inirapan ko lang siya.
"Ay hala siya" Sabi ni Mira sabay lapit Kay Daniel.
"I'm happy na magkaka apo na uli kami. And this time. We will help you to take care of my grandchild. " Seryosong Sabi Ng mama ni Liam. Bakas sa mukha Neto Ang kasiyahan.
Ngumiti lang ako sa kanilang lahat at diko mapigilang mapaluha.
Luha Ng kasiyahan.
"So paano Yan? Bawal Kang magpagod. Eh di walang honeymoon?" Pabirong tanong ni Mira sa Amin.
YOU ARE READING
ALENA [ SPG 🔞 ]
Short StoryITS A SHORT STORY!!!!! But I will continue Po as requested Ng karamihang readers ko🥰🥰 Keep and Enjoy Reading!!!!
![ALENA [ SPG 🔞 ]](https://img.wattpad.com/cover/377329614-64-k210.jpg)