Napangiwi ako sa ingay Ng makapasok kami sa Isang bar.
Gulat na gulat ako Ng makakita ako Ng dalawang lalaki na naghahalikan sa Isang sulok
"Wag mo nang pansinin Yan sila. " Natatawang Sabi ni Mira Ng Makita akong natigilan at hinila na ako.
May nakikita din akong babae at lalaki na naghahalikan sa iba ibang puwesto.
"Baliw ka talaga Mira. Kaya pala pinag suot mo ko Ng seksing damit. Bar pala pupuntahan natin. " Sabi ko sa kanya.
"Eh sa bar lang Naman tayo makakahanap Ng lalaking jojowain eh" Sabi Neto
"Di ako sanay uminom Mira. Baka malasing ako niyan. Imbes na mag enjoy, mag iiyak lang ako dito" kinakabahang Sabi ko sa kanya.
"Hayaan mo na. Just enjoy the night. Ikaw bahala kung maghahanap ka Ng kajowa or iiyak ka diyan. " Natatawang Sabi Neto habang kinakawayan Ang waiter. "Paminsan minsan lang Naman to" Sabi Niya
Napabuntong hininga na lamang ako sabay na sumandal sa upuan.
Pinagmasdan ko Ang mga tao.
Mababakas sa mga mukha NILA Ang kasiyahan.
Na tila ba walang pinoproblema sa Buhay.
Na tila ba walang pinagdadaanan mabigat sa Buhay.
Napabuntong hininga na lamang ako.
Dumating na Ang inorder ni Mira na light beer.
Di ako sanay uminom Ng alak.
Pero tama SI Mira. Eenjoy ko nalang Muna Ang gabing to at baka pansamantalang mawala sa isipan ko Ang nangyari noon.
Makalipas Ang isang Oras naramdaman ko nang lasing na ako.
Nahihilo na ako ngunit alam ko parin Naman Ang nangyayari.
Nakita ko SI Mira na nakikipag usap sa Isang lalaki.
"Ah SI Alena. Pinsan ko. "Sabi ni Mira habang itinuro ako. "Ena, SI Daniel. " Sabi Neto.
"Hi Alena. " Nakangiting bati Neto sa akin.
Tumango lang ako sa kanya.
"Pasensiya kana. May pinagdadaanan Yan" Sabi ni Mira sabay tawa.
"It's fine. By the way girls, why don't you join us? My friends is right there. " Sabi Daniel sa amin
"Ah.."
"Yeah sure. " Sabi ni Mira
Napatingin ako Kay Mira na nagtatanong
"Hay naku. Wag ka nang kj diyan. Paano ka makakakilala Ng lalaki kung mag sosolo tayong dalawa dito. " Bulong ni Mira sa akin at hinila na ako papunta sa table NILA Daniel.
May kasama itong apat na lalaki.
Ang tatlo ay may kausap na babae at nang tingnan ko Ang Isang lalaki napasinghap ako Ng makilala ko kung sino siya.
"Liam?" Wala sa sariling sabi ko dahilan para magtinginan sila sa akin.
Tiningnan naman ako ni Liam ngunit tila di Niya ako Kilala.
Seryoso lang itong nakatingin sakin na tila ba di ako nakikilala.
Sabagay mahigit walang taon na Ang nakalipas Mula Ng huli kaming magkita.
Wala na din akong Balita sa kanya at di ko rin Naman siya inisip pa.
"Kilala mo SI Liam?" Tanong ni Daniel.
"Ah...oo" alanganing sagot ko Kay Daniel.
"Oh bro Kilala ka pala ni Alena. Baka maalala mo siya kung mag uusap kayong dalawa. " Sabi ni Daniel Kay Liam.
Ngunit tahimik lang SI Liam at walang reaksiyon
"Maalala? Bakit? " Pagtatakang tanong ni Mira.
"Liam got an accident five years ago. At Wala siyang maalala dahil nagka amnesia siya. Kahit nga kaming kaibigan at Ang pamilya Niya ay di Niya maalala. " Paliwanag ni Daniel.
Tiningnan ko SI Liam. Ang laki Ng pinagbago Niya.
Kung noon maamo at napaka gentleman Ng mukha Ngayon ay naging matured na at napakaseryoso Ng mukha Niya.
Mas naging matikas Ang pangangatawan Niya Ngayon.
Pero tila may yelo Ang awra Niya.
"So tell us Alena, how did you meet Liam?" Tanong ni Daniel.
"Ah na meet ko siya sa Isla. Pero matagal na Yun. Walong taon na Ang nakalipas. " Sagot ko sa kanila.
Napatango tango lang SI Daniel.
"So you mean, sabay na nawala Ang asawa at mga anak mo?" Tanong ni Daniel.
Natigilan akong napatingin Kay Liam.
Tumango lang ako at mabilis na umiwas Ng tingin.
Ikinuwento Kasi ni Mira Ang nangyari at Yun na Ang naging sentro Ng usapan NILA.
"I'm sorry for your lost" may sensiridad na Sabi ko Daniel.
"A-ayos lang. " Garalgal Ang boses na sagot ko.
Magkahalong emosyon ang nararamdam ko.
Mabuti nalang at di Niya maalala.
Dahil diko alam Ang magiging reaksiyon Niya sa Oras maalala Niya Ang mga anak namin.
Diko na namalayan Ang Oras basta inom lang ako Ng inom.
Napatingin ako sa dance floor kung saan nag sasayawan Ang mga tao.
Dahil lasing na ako at gusto Kong mawala Ang bigat na nararamdaman ko tumayo ako
"San ka pupunta?" Tanong ni Mira sa akin.
"Sasayaw" sagot ko at mabilis na naglakad papunta sa gitna.
Nakita Kong sumunod Naman sila Mira at nakikisayaw na din.
Napatingin ako Kay Liam na matamang nakatitig sa akin.
Diko nalang siya pinansin pa at pinagpatuloy na Ang pagsasayaw.
"Hi miss. " Bati Ng Isang lalaki sakin.
"Hi. " Nakangiti Kong sagot.
"Alone?" Tanong Neto sa akin.
"Ah no. May mga kasama ako" sagot ko sa kanya.
"Oh. I see. I'm John. " Sabi Neto sabay lahad Ng kamay Niya sa akin.
"Ena" sagot ko sa kanya at tinanggap Naman Ang kamay Niya.
Pinagpatuloy ko pag sasayaw na sinasabayan Naman Niya.
Akmang yayakapin na Niya ako Ng biglang may pumulupot na kamay sa bewang ko at hinila ako palayo Kay John.
Nagulat akong napatingin kung sino at Nakita ko SI Liam na seryosong nakatitig Kay John.
"Boss" gulat na Sabi ni John at agad na lumayo.
Mataman lang akong nakatitig sa kanya at diko napigilang hawakan Ang mukha Niya kasabay Ng pag agos Ng mga luha ko dahil naalala ko Ang mga anak ko sa kanya.
Nakita Kong nagulat siyang napatitig sa akin pero malamig parin Ang mga titig Niya.
Diko na napigilan Ang sarili Kong halikan siya sa labi.
Pakiramdam ko tumigil Ang Mundo ko. Wala akong naririnig na ingay sa paligid.
Bumalik sa akin Ang init na matagal nang diko naramdaman noon.
Pero napahagulhol akong yumakap at sumubsob sa kanya Ng maisip Ang mga anak namin.
Wala siyang reaksiyon kundi hinayaan lang Niya akong umiyak Ng umiyak..
Diko na namalayan kung gaano kami katagal nakatayo, kung gaano katagal akong umiyak sa dibdib Niya.
YOU ARE READING
ALENA [ SPG 🔞 ]
Short StoryITS A SHORT STORY!!!!! But I will continue Po as requested Ng karamihang readers ko🥰🥰 Keep and Enjoy Reading!!!!
![ALENA [ SPG 🔞 ]](https://img.wattpad.com/cover/377329614-64-k210.jpg)