(Ella POV)
Ako? Ahh ehh.. Wag nyo na lang ako pansinin.. Tatawanan nyo naman ako eh,
At saka may trabaho pa ako.."Ella! Ito oh! Black coffee, bilisan mo ah! Gusto ko nang uminom!" Tumakbo ako kay Zea at kinuha ang sticky note na pinagsulatan nya ng ipapabili nya.
"Ito naman sa akin oh!" Nag bow muna ako kay Zea, at tumakbo na naman ako papunta kay Lloyd. Tiningnan ko ang sticky note na pinagsulatan nya.
Mocha? Eh saan ko naman to bibilhin? Ang layo pa naman ng starbucks sa office na'to."Ahh.. L-Lloyd? Pwede iba nalang? Malayo kasi ang starbucks eh, wala naman dun sa coffee shop na sinusukian ko" paliwanag ko. Nag roll eyes naman sya sa akin.
"Pwede ba Ella! Eh di maghanap ka sa ibang coffee shop dyan!" Sita nya sa akin
"Eh pero po-" di ko na natapos sasabihin ko ng..
"Ella! Ako din! Bilhan mo ako ng strawberry cake at white coffee" Pinadikit ko nalang ang sticky note at tumakbo naman dun kay Johanna.
"Saan po ang Sticky note?" Sabi ko kay Johanna. Kinuha nya naman sticky note nya at sinulat dun ang ipapabili nya.
"Here!" Kinuha ko iyon at pumunta na sa table ko.
Kinuha ko na ang bag ko at lumabas na ng office.Coffee Shop
Pagpasok ko pa lang. Agad naman ako binati ng may ari doon."Sticky note na naman? Wala ba yang mga paa at kamay yang mga ka officemates mo?" Inis na sabi ng may ari
"Pabayaan nyo lang po.. Alam ko namang stress din sila sa trabaho" mahinahon kong sabi.
"Hay..Umupo ka nga muna Ella. Sandali lang at ipapadala kona lahat mong order" sabi ng may ari na si Mr. Chen..
"Ah opo, salamat po" tapos umalis na sya.
Umupo naman ako sa upuan ng bakanteng table dito..*Fast Forward*
Dala ko na lahat kong inorder papasok ng company.
Nagtatakbo ako ngayon papuntang elevator kaso puno na.. Ano ba yan.. Magagalit na naman yun sa akin.."Teka po! Excuse me.. Excuse.." Sumiksik ako dun sa kanila na nakataas ang dalawa kong kamay.
"Ano ba yang babae na iyan." Rinig kong bulong sa kaliwa ko.
"Oo nga, okay sana maganda eh, pangit naman" rinig ko naman sabi ng lalaki
Jusko naman po, bakit ba ang malas ng araw ko? Haisst*ting*
"Salamat po Elevator" sabi ko paglabas ko dun. Tumakbo na naman ako ulit papunta ng office namin."Salamat dumating kana rin. Kanina pa ako naiinip sa kahihintay ng kape ko" sumbat ni Zea pagkalapit ko dun. Ipinatong ko yung black coffee nya at yung suki nya.
Tapos ko kay Zea, pumunta naman ako kay Lloyd"Oh, may Mocha pala eh," sabi nya pagkabigay ko ng pinabili nya.
"Ahh Oo nga eh, mabuti nalang nakagawa si Mr. Chen ng ganyang coffee. Alam mo kasi-" naputol na naman ang sasabihin ko dahil naiinip sya daw sa echus-echus ko..
"Ahh.. Sorry" sabi ko sa kanya bago ako pumunta kay Johanna
"Joh, ito naman sayo.. Sorry kung natagalan ako" pagkalapag ko ng pinabili nya. Nag smile lang sya sa akin. Gantihan ko rin sana ng ngiti, kaso..
"Ohh my dear Ella, wag ka nang ngumiti ha?.. Mas lalo ka kasing pumapangit" Napayuko naman ako sa sinabi nya..
"Iiyak ka? Go on, total nautusan rin naman kita" pinigilan ko yung luha ko at pumunta sa table ko. Narinig ko namang tumawa silang tatlo.
*eeerrrrrkkkkkk*
"Good Afternoon, ladies and gentleman" Bati ng manager sa amin.
Umayos ako ng upo at tinutukan nalang ang trabaho ko.."Ms Rodriguez!" Nagulat ako sa sigaw ni Mr Cruz dahil pinalo nito ang mesa..
"P-po?" Nauutal kong tugon..
"Saan yung pinagawa ko?" Sabi nya sabay palo ulit sa mesa ko. Kaya ayon nagulat na naman ako.
"Ah ano po.. Kakatapos ko lang po eh" kinakabahan kong sagot at saka ibinigay sa kanya ang kakatapos ko lang na project na pinagawa nya sa akin kaninang umaga.
"Mabuti" sabi nya pa habang tinitingnan yung pinagawa nya sa akin..
"If mali tong pinagawa ko sayo Ms Rodriguez! Magkikita din tayo sa office ko! Intende?" Tumango ako sa kanya at yumuko.
"Sige, alis na ako.. Ms. Rodriguez! Yung sinabi ko ha! Siguraduhin mo lang na tama ang pagkakagawa mo neto" banta ni Manager sa akin
"O-opo Sir.. " Nauutal kong sagot.
Bago pa sya umalis ng office, linapitan naman sya ni Zea at parang may sinabe ito kay Sir. Nag nod naman sya kay Zea at parang relax lang yung pagkakasagot nya rito.. Haayy, ba't ba kasi ang bibitter nila sa akin? Naging mabait naman ako sa kanila ah. Di ko naman sila inaayaw pag may kaylangan sila sa akin? Ano ba kasi Ella?.. Pinanganak ka ba talaga sa mundong ito na malas?
Pero sabi naman ni papa, maswerte daw ako dahil naging mabait ako at mapagkumbabang bata noon..Flashback
"Halika anak!" Tumakbo ako kay papa at yinakap sya ng mahigpit. Umiiyak kasi ako noon dahil sina ate lang ang binilhan ni mama ng tsenilas.
"Bakit naman kaya umiiyak ang prinsesa ko?" Hinaplos pa ni papa yung buhok ko at saka kiniss ako sa ulo..
"Papa? Bakit ba ayaw ako ni mama? Bakit ba ako sinusungitan nina ate Jade at ate Celine? Anak ba talaga ako ni mama? Kapatid ba talaga ako nina ate?" Sunod- sunod kong tanong kay papa.
"Mahal ka ng mga nun anak, Hindi lang talaga matanggap ng mama mo na lumabas ka. Ayaw nya na kasing mabuntis pa ulit. Pero dahil nga maswerte kang bata. Nakalabas ka sa mundong ito" paliwanag ni papa habang hinahagod nya ang likod ko.
"Talaga papa? Mahal ako ni mama at nina ate? Bakit di ko maramdaman?" Malungkot na sabi ko kay papa..
"Anak, mahal ka naman ni papa diba?" Yinakap ako ni papa kaya umiyak na naman ako.
"Opo papa. Mahal na mahal din ko po kayo" tapos ako na naman yumakap sa kanya.
"Dahil mahal mo si papa, may regalo ako sa aking pinakamamahal na prinsesa" Natuwa naman ako sa suprisa ni papa.. Yehey! May gift na ako!
"Ano po yun papa?" Excited kong sabi sa kanya..
"Taraaann~ Cinderella Story and Beauty and the beast!" Si Papa..
"Wow! Papa! Gusto ko yan papa!" Napatalon ako sa tuwa dahil ang favorite kong story ay binili nya..
"Oh ayan. Bigay yan ni papa ha, ingatan mo yan anak." Yinakap ko sya ulit at nagpathank you sa kanya ng sobra.
"
BINABASA MO ANG
It is Love Accident♥
Romance"I love you Jean" -Boy "Mahal din kita Jack.."-Girl "Te-teka?! Sino si Jack?!"-Boy "At sino naman si Jean?"-Girl *binuksan ang lampshade* "Ahhhhhhhhh" tili ni girl "S-sino ka?! Bat ka nakapasok sa room ko?!" sigaw ni boy.. Hep! hep! Enough for that...