(Ella POV)
Papauwi palang ako sa condo ko ng may nabanggaan akong lalaki."Ahh.. Sorry po, Di ko po kasi kayo nakita" paghingi ko nang paumanhin sa lalaki..
"Okay lang miss, basta sa susunod mag ingat ka sa dinadaanan mo" yumuko ako, ang tanga ko naman kase..
"S-sory po ulit" tapos lumisan na ako dun na nakayuko. Kahiya naman kase eh..
Pagpasok ko nang Condo ko. Bigla nalang nag ring yung cp ko. Kinuha ko sa bag ko at tiningnan ang caller. Si Jack lang pala, yung boyfriend ko.
"Bhabe? bakit ka napatawag?" Kampante kong sagot.
["Wala kase ako pera Ella, hindi naman kasi ako pinadalhan nina Mommy. Pwede ba manghiram sa'yo?"] Napa buntong hininga nalang ako. Yan naman sya palagi eh. Manghiram ng pera sa akin. Di nya naman ako binabayaran pag may pera sya. Pero okay lang, mahal ko naman sya at sabi nya mahal nya din ako.
"Teka Bhabe ha? Tingnan ko lang kung may pera pa ako. Kababago ko pa lang kase sa kompanyang pinagtatrabahuan ko" sagot ko sa kanya. Kinuha ko ang bag ko na nakapatong sa mesa.
Kinuha ko dun yung wallet ko at binuksan.Hala, 4,000 lang yung pera ko? Di pa naman ako nakabayad sa Condo ko, tapos wala pa akong pagkain dito? Ano ipapahiram ko sa kanya? Nako lagot, baka magalit si Bhabe?
"Ahh Bhabe?" Malambing kong sabi sa kanya.
["Oh?"] Sya
"Wala ata akong may ipapahiram say-- Ayh!" Nagulat ako dahil binagsak nya ang telepono. Sabi na nga ba eh, magagalit yun pag di ko sya mapagbigyan. Haisst, bat ba kasi ang malas ko?
Pumasok ako sa kwarto at nahiga sa kama ko ng sandali, iisipin ko lang kasi..
Bakit ba pati boyfriend ko ang pait din ng pakikitungo nya sa akin? Binibigay ko naman ang lahat kong anong may meron sa akin? Except nga lang sa pagkababae ko?
Teka? Baka ganun sya makitungo sa akin dahil di ko pa yun naiibigay?
Pero hindi, hindi Ella.. Mali yan, ikakasuklam ako nina mama pag mabuntis ako ng maaga. Ako pa naman bunso. Galit pa naman yun dahil dito ko piniling magtrabaho sa syudad ng maynila.*buntong hininga*
Eh? Anong gagawin ko para mapasaya man lang yung boyfriend ko?
*buntong hininga*
Bahala na nga..
Tumayo ako sa kama at kumuha ng tuwalya sa gilid ng cabinet ko at pumasok na sa Bathing room.
***
Pagkatapos ko mag half bath, bumihis na ako ng aking pantulog.
Hihiga na sana ako sa kama ng nag ring ulit yung cellphone ko, Akala ko si Jack, hindi pala."Hello po Mr Cruz?" Kinakabahan kong sagot.
["Ms Rodriguez!"] Linayo ko bigla yung cp ko dahil sumigaw na naman sya.
"P-po?" Nauutal kong sagot.
["Punta ka bukas sa Office ko!"] Napa kagat labi ako sa sinabi ni Sir. Baka nga siguro mali yung pagkakagawa ko.. Nako, lagot ako neto bukas.
"Sorry po Mr Cruz, sige po pupunta po ako ng office mo bukas. Sorry po" kinakabahan kong sabi kay Sir. Tulad ni Jack, binagsak nya din ang telepono.
Patay, anong gagawin ko? Baka sabihin nya sa Director na mali ang pagkakagawa ko ng project na yun? Baka ipapa fired ako ng Direktor. Mainitin pa man daw yun ng ulo..
Binagsak ko ang katawan ko sa kama at saka pumikit. Iisipin ko nalang na lahat ito ay panaginip.
***
Kinabukasan, maaga akong nag ayos at nag almusal. Pinuntahan ko muna si Ma'am Michelle para bumayad ng monthly ko."Ella, salamat.. Mabuti ka pa naalala mong magbayad sa akin" sabi ni Ma'am Michelle habang tinatago sa wallet yung 2,000 na binayad ko.
"Welcome po.. Sige Ma'am Michelle, una na ako. Mag si-six a.m na din eh. Salamat po" Tapos lumabas na ako ng Condomininum.
***
Pagdating ko sa kompanya. Agad ako dumiretso sa office ni Mr Cruz. At di nga ako nagkamali, andun na sya."Good Morning po Mr Cruz" bati ko sa kanya pagkapasok ko pa lang sa opisina nya.
"Ano bang maganda sa morning ko?!" Singhal nya sa akin, tumayo ako ng matuwid pero nakayuko lang.
"Sorry po" paumanhin ko.
"Upo! May pag uusapan tayo Ms Rodriguez" dahil sa gulat, napaupo ako bigla.
"Ano po yun Sir?" Mahinahon kong tanong.
Binagsak nya ang folder sa harapan ko. Sabi na nga ba eh, mali tong ginawa ko."Ayan! Tingnan mo!? Bakit mo na gawa yan?" Tinitigan ko naman, kaso ang folder lang.
Dahil sa ayaw kong mawalan ng trabaho. Lumuhod ako sa harapan ni Mr Cruz na umiiyak."Sir, pasensya na'po kung mali ang pagkakagawa ko, *sob* Sorry po talaga Sir *sob* Di na po ulit mangyayari yan. Sorry po *sob*.. Wag nyo lang po ako papaalisin dito. Kaylangan ko po ng trabaho" Iyak ko ng iyak kay Mr Cruz.
"Pwede ba Ella! Tumayo ka nga dyan! Hindi naman kita papaalisin eh!" Nagningning ang mundo ko pagkarinig ko sa sinabi ni Sir.
Yes, akala ko magbabalot na talaga ako ng gamit ko
Tumayo ako at umayos ng upo.
"Bakit Sir? Akala ko mali yang ginawa ko" tinuro ko sa kanya ang folder.
"Actually, Maganda ang pagkakagawa mo ng projects ko Ella, kaya napa bilib si Direktor sa akin." Namula naman ako dahil maganda pala ang pagkakagawa ko.
"Talaga po?" Panigurado kong tanong.
"Yes! At dahil dyan, sayo ko iibigay ang ShipMilFordCoupleDate, dahil nga sa wala akong partner, sayo ko nalang to ibibigay, May boyfriend ka naman diba?"Napangiwi pa talaga si Sir pagkabanggit nya ng Boyfriend.
"Oo naman po" sabi ko
"Good, oh eto ang ticket nyong dalawa at pera nyo" binigay sa akin ni Sir yung brown envelop.
"Salamat po Mr Cruz" sabi ko sabay bow.
"Oh sya, pwede kanang umalis" pagpapataboy nya sa akin.
Lumabas ako ng office nya at dumiretso sa office namin.Ako lang ata ang tao dito?
Umupo na ako sa table ko at ginawa lahat kong project at papers.
Yes.. Ito na siguro ang panahon na mapapasaya ko si Jack.
Salamat Lord..
Dininggin mo yung panalangin ko. Hihihi
Amen
BINABASA MO ANG
It is Love Accident♥
Romantizm"I love you Jean" -Boy "Mahal din kita Jack.."-Girl "Te-teka?! Sino si Jack?!"-Boy "At sino naman si Jean?"-Girl *binuksan ang lampshade* "Ahhhhhhhhh" tili ni girl "S-sino ka?! Bat ka nakapasok sa room ko?!" sigaw ni boy.. Hep! hep! Enough for that...