Chapter 5

8 0 0
                                    

(Ella POV)

Pagkatapos kung bumihis, lumabas na ako sa C.R ng lalaki. Sakto namang nakabihis na din sya.

"Wag kanang bumalik dun." Bigla syang nag salita ng aakmain kong ibubukas ang pinto.

"Hu-huh? Eh bakit?" Nagtataka kong tanong. Linapitan nya ako at kinorner sa pintuan. Ang lapit ng mukha nya sa akin, tapos yung mga labi nya nang aakit.. Teka lang? Hahalikan nya ba ako? Naku, naku Ella! Kung anu- ano yung pinag iisip mo!!
T_T

"Kinuha ng boyfriend mo yung kwarto nyo at yung pera na budget nyo sana inubos nya narin. Dinala ko na lang nga dito yung mga gamit mo dahil itinapon niya to sa labas" napahagulhol ako sa iyak ng sabihin yun ng lalaki. Demonyo na Jack! Bakit nya ba ginawa to sa akin? Akin yun eh! Akin yun!!! Panu na ako neto? Alangan naman dito ako mag sstay sa lalaking.. Teka, teka? Sabi nya dinala nya dito yung gamit ko? Ibig sabihin nyan.. Dito nya ako patutulugin?!

"Dito ako mag sstay sa kwarto mo?" Nakangiwi kong tanong habang pinapahid ko yung luha ko at sipon.
Lumayo sya sa akin at umupo sa mini sofa nya sabay cross legs..

"No choice.. Alangan naman patulugin kita sa kusina" Umiiyak akong nakayuko sabay sabing "Papa.. Ang malas ko po ngayon, pero salamat talaga dahil mabait ang lalaking to" linapitan ko sya at yinakap.. Yun nga lang parang napaka akward..

"Matagal na ba kayo ng lalaking yun?" Tanong nya bigla sa akin. Di ko sana sya sasagutin, kaso nakakahiya naman kung hindi ako sasagot. Baka magalit sya, tapos itatapon nya ako sa labas ng kwarto nya..

"Ahmm.. An-ano ehhh.. Siguro" nauutal kong sagot. Haisst.. Nung una menememorize ko yung years, months, days, hours, minutes, seconds and mini seconds ng relationship namin.. Tapos sa isang iglap, malilimutan ko lang pala (_ _)

"Tss.. Mga babae talaga ngayon, ang dali ng magpauto.." Sabi nya. Alam kong ako yung tinutukoy nya. Masakit yun sa part ko, pero narealize ko namang isa ako sa mga dun..

"Alam mo! Importante sa panahon ngayon ang yung maghiganti!" Sabi nya pa.. Gustong gusto ko talaga yan, kaso paano? Wala nga akong sapat na pera sa pagkain ko eh..

"Wag na.. Alam ko namang may karm--" di ko na natapos yung sasabihin ko, dahil hinila nya na ako papalabas ng kwarto.
Pumunta kami sa taas ng barko at pinapasok nya ako sa isang silid na punong- puno ng mga accesories..

"Pagandahin nyo sya.. At tapos" sabi nya sa lalaking nakabihis ng pandamit na babae.. Sabay doon, kinuha nya yung salamin ko kaya ang labo ng paningin ko.

"Lagyan mo na rin sya ng contact lense" dagdag nya pa.. Mag rereact na sana ako kaso sabi ng lalaking nakabihis ng pandamit na babae, nakaalis na daw sya..

Una, pinaupo nila ako sa harap ng salamin. Ginulo yung buhok ko tapos sinuklay na naman.
Pagkatapos nun pinatalikod na nila ako sa salamin at linagyan ng make up yung mukha ko. Inaayos ang buhok ko at linagyan na ang mga mata ko nang contact lense. Arayy.. Sakit sa mata.

Pagkatapos nun.. Pinatayo nila ako at binihisan ng napakagarang damit.. Pati yung sapatos ganun din. Linagyan din nila ako ng mga alahas.. Hmm.. Kahit anong gawin nila, ako parin yung Ella na ampangit sa mga mata ng tao.. (_ _)

(Stephen POV)

Ano na kaya mukha ng babaeng yun ngayon?

Haisst.. Ba't ba interesado yung utak ko dun?

"Ay direktor? Okay ka lang ba?" Di ko pinansin yung tanong ni Ynon. Pano ba naman ako maging okay? Eh mali yung babae na dapat si Jean yun.. Idagdag nyo pa yung hinayupak na mag amang yun.. At tapos, arrff!! Si Jean bumalik ulit sa New York dahil importante daw? Bwesit! Mas importante pa yung career nya kesa sa akin.

"Sir Stephen.. Ready na po sya" Napatayo ako bigla ng marinig kong ready na sya..

Sino pa ba ibig sabihin ko dun?

"Oh sige, susunod na ako" sabi ko dun. Umalis na sya, kaya pasimple akong sumunod sa kanya. Si Ynon nakasunod din sa akin.

Nang makarating kami sa Dressing room, nakita ko yung babae na nakatalikod sa akin.

"Psstt!.. Halika na!" Hinawakan ko yung braso nya kaya napaharap sya sa akin.

Wow.. Ang ganda nya pala pag nakaayos ng.. Shet! Ano ba yung pinag sasabi ko?

"Let's go!" Sabi ko habang kinaladkad ko sya..

(Ella POV)

Hiyang hiya ako ng papasok palang kami sa entrance ng Mini Casino. Ang daming tao, pagkatapos sa tingin ko ang yayaman din nila..
Na focus lang yung atensyon ko ng makita ko yung si Jack na akbay akbay yung bago nyang babae.. Kaya di ko namalayan na mahigpit na pala yung pagkakahawak ko sa braso ng kasama ko..

"Kalma lang.. Makakahigante ka din mamaya" bulong nya sa akin. Huminga ako ng malalim para matatagan ko yung loob ko.

"Salamat" sabi ko sa kanya sabay ngiti..
Tumango sya sa akin at nagpatuloy na kaming pumasok sa loob.
Takang- taka nga ako kung bakit maraming tumitingin sa amin. Tapos nagbubulong bulongan pa sila.

"Oy Mr. Stephen, Nice meeting you again. Come here! And join us!" Sumunod kami ni Stephen.
Sinabi kasi ng may edad na lalaki yung pangalan nya.

"Alam ng lahat, na magaling kang magtaya sa baraha Stephen.. Kaya binibigay ko yung titolo ko para sayo. Gusto mo bang maglaro?" Tanong ng mas matanda pa kesa kanina sa lalaki. Tiningnan ko yung kasama ko kung ano yung reaction nya sa alok ng matandang lalaki.

"Pabor ako dyan Mr. Chen" sabi nya sabay ngiti. Tiningnan ko yung kalaban nya. Pero nagulat nalang ako ng si Jack yun at ang babae ang kakalaban sa kanya. Ahh.. Kaya pala inubos nya lahat kong pera ng dahil sa Casino na'to?

"First of all! Kaylangan ko munang e introduce, na ang babaeng kasama ko, ay magbibigay inspirasyon sa akin na matalo ang mukhang aligid ng buwaya na kalaban ko." Napatingin ako bigla kay Stephen ng sabihin nya yon sa harap ng madaming tao.

"Be cool" bulong nya sa akin kasabay nun ay yung matatamis nyang ngiti. Kaya napangiti din ako sa kanya..

"Ilan ipapatad mo?" Seryosong hamon ni Stephen kay Jack. Nagtinginan muna yung dalawa bago si Jack nagsalita.

"1,000,000 pesos, ok na ba yan?" Huh? Saan nya naman kukunin yung perang itinaya nya?
Lumapit sa akin si Stephen at binulungan ako.

"Ilan gusto mo?" Tiningnan ko sya ng bakit ako? Sabi nya, revenge daw.. Ayaw ko sana kaso pinilit nya ako.

"200, 000 pesos nalang" sabi ko sabay yuko. Okay narin yun, dahil yan naman yung halaga ng pera na kinuha nya.

"Taasan mo pa. Gawin mong 2,000,000.." Napa nganga ako bigla ng marinig ko ang halagang yun.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 13, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

It is Love Accident♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon