Part 6 - A Date?!

63 8 7
                                    

Maya maya ay break na namin. Papunta na ako ng canteen ng may narinig akong di inaasahan..

"Babe sorry nasigawan kita kanina ha.." teka? Boses ni kither yun ah. Hmmm..

"Okay lang babe. Sorry din. Si scarlett kase! Bwisit na babaeng yun.. hindi pa rin matanggap na wala na kayo.. diba di mo naman talaga sya mahal? Ako lang diba?" Ohh.. si mandy.. sows. Kung alam mo lang mandy . Move on na dre -_- pero di pa ako tapos sa paghihiganti... di pa nga nagsisimula eh. Tsk

"Shhh... ikaw lang mahal ko okay? Wait... may regalo ako sayo.." sabi ni kither. Edi wow!

"Wow! Teddy bear? Yipieee thank you babe! Hihi.. Happy Anniversary! Mwah!" Tuwang sabi ni mandy..

So anniversary pala nila ngayon? Wow im so happy for them.. at ano? Teddy bear? How cheap.. eh dati nga nung monthsarry namin ni kither ay niregaluhan ako ng trip to boracay with him.. tapos sa kanya teddy bear? Hahaha sabagay mababaw lang kaligayahan netong malandi na to... btw. may reregalo ako sa kanila mamaya na Im sure na hindi nila makakalimutan. Hihi

"Happy Anniversary din!" Eww.. kakasuka.

Di ko na pinatapos ang palabas at dumiretso na sa canteen..

***
Uwian na! Ibibigay ko na sa kanila ang regalo ko for their anniversary! Hihi Im so excited to see them.

Ayan na! Palapit na sila.. asa hallway na sila
1....2.....3.... (click!)

"Oh my gosh!"

"WHAT THE FVCK!!"

Hahahaha.. Nakakatawa itsura nila.. Pano ba naman.. binuhusan sila ng Isang drum na syrup at harina... Hahaha kaya ayan.. mukhang tempurang hindi luto! Hahaha sabagay hipon si mandy! How pathetic! So ewwwy.... so sticky! Duhhh at may nakasabit pa na tarpaulin na
"HAPPY ANNIVERSARY!"
That's my gift for them! Im sure hindi nila makakalimutan. I took a picture of them. Dapat itong ipost sa buong campus.. Great idea!

Mukhang napansin ako ni kither at napatingin sa akin..
I just flipped my hair and left. Huh

Naisipan kong pumunta sa mall.. tutal GV ako ngayon dahil nakapaghiganti ako..

Dumaan muna ako sa Isang botique baka may magustuhan akong damit..

Papunta na ako sa botique ng may biglang magtext.. so hinahanap ko phone ko habang naglalakad then... Aray! Nakabunggo ako.. aish.

"OUCH!" Sabi ko.. nagka untugan kami sa noo.. aish.

"Sorry miss--SCARLETT? Oh sorry!" Sabi nung lalaki.. Si lance nanaman?? Bat lagi kami accidentally na nagkikita?

/Eh syempre para masaya! -author/

Bwisit ka author ha! Baka may binabalak kang magkatuluyan kami sa story?!

/Eh ano ba gusto mo?! Patayin kita sa story mo?/

Biro lang! Hahaha ikaw naman author o di mabiro ✌✌

"Lance? Ahh its okay! Sorry din di ako tumitingin sa dinadaanan hehe." Sabi ko kay lance. Aish

"Are you sure that you are okay?" Tanong ni lance. Hindi naman talaga masyado masakit.. OA lang talaga ako haha

"Yes I am." Sabi ko.. totoo naman eh

"Uhh.. okay? Pero gusto mo treat nalang kita.. para makabawi nalang ako sayo. Kung okay lang sayo?" Sabi nya.. kung isang gwapo lang ba naman ang magyayaya sakin ng ganito edi go! Haha jk. Cassanova yan eh

"Uhh.. Sure" sabi ko nalang..

Dumiretso kami sa Asian restaurant..

"Table for two." Sabi ni lance..

My First HeartBreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon