First Spin

242 10 0
                                    

Nakakatamad man bumangon pero kailangan, first day of school kaya makikita ko na ulet ang mga kaibigan ko, ay natransfer nga pala ko sa ibang school. Ay teka, ako si Rani Cruz, pwede mo kong tawaging Ran o Rani, 14 years old. Dati sa public school ako nag-aaral kaso ngayon nilipat ako sa isang private school, yun kase ang gusto ng mga parents ko na parehong nasa Canada. Kaya kaming dalawa lang ng Ate Cindy ko ang magkasama.

"Rani tara na baka malate pa tayo. Bilisan mo." Si Ate Cindy habang kumakatok sa pinto.

"Wait Ate matatapos na po ako."

Lumabas na ko ng kwarto ko at dumiretso sa kusina para kumain.

"Umupo kana dyan at kumain." sabe ni Ate Cindy habang inaayos ang mga gamit nya.

"Eh ikaw Ate?"

"Kakaen ako syempre."

~~~~

Pagkatapos namin kumain, nagligpit na kami at pagkatapos umalis na ng bahay. Nandito na ko ngayon sa kotse ni Ate.

----

"Oh susunduin kita mamaya ha?" Ate

"Opo." sagot ko.

"Oh nandito na tayo, baba na. Ingat ka ha? Goodluck sa first day. Bye" Ate

"Bye Ate ingat ka din tyka goodluck din." sabe ko at saka bumaba ng kotse.

Nakalayo na yung kotse ni Ate. Makapasok na nga. Sana marami akong maging kaibigan dito.

"Saver Academy. Wow! Sosyal." sabe ko sa sarili ko.

Hahanapin ko pa nga pala yung classroom ko. Saan nga ba ko maghahanap?

*BOOGSH!*

"Ouch!" sabe namin pareho.

Tumayo agad ako at tinulungan tumayo yung nakabangga ko.

"Pasensya kana ha? Di ako nakatingin sa nilalakaran ko." sabe ko

"Okay lang yun ano ka ba." sabe nya saka tumawa. Teka? Baliw ata to.

"He-hehe..."

"Ako nga pala si Margie Alca. Marj for short. Bago ka lang dito no?" sabe ni Marj

"Ah oo. Hinahanap ko nga yung room ko eh."

"Ano bang year mo?" Marj

"Second year. Ikaw ba?"

"Uy tamang-tama. Second year din ako. Gusto mo samahan kita sa paghahanap? Maaga pa naman eh." pag-aalok ni Marj.

"Talaga ? Uy salamat ha?"

"Wala yun. Ayy teka ano nga palang pangalan mo? Kanina pa tayo nag-uusap dito." Marj at tumawa na naman sya na parang baliw.

"Rani Cruz nga pala." pagpapakilala ko.

"So ano Rani? Tara na?" Marj

"Tara." at naglakad na kami.

Ang galing naman nasagot agad yung hiling ko. May kaibigan na ko. Magandang simula sa unang araw sa bagong school.

xxxx

Napagtripan ko lang gumawa nito. Haha maging maganda SANA :D

VOTE.COMMENT For next Chapter.
-MSLUHA

Spin the BottleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon