SECOND SPIN

185 4 0
                                    

Nandito na kami sa loob ng classroom at mukhang maganda ang araw na to kase classmates pala kami ni Marj. Ang saya di ba? Kaso kanina pagpasok namin ni Marj sa room parang gulat sila? Hindi ko nalang tinanong si Marj. Baka nagulat lang sila kase may new classmate sila. Kaso iba talaga ang tingin nila sakin. Oh well hayaan na nga.

"Miss Cruz? Would you please introduce yourself to your classmates?" Ms. Andi

Ako nga pala ang huling magpapakilala. Tumayo ako at pumunta sa unahan.

"Ehem... Hi everyone my name is Rani Cruz. 14 years old. I'm living at Bridgeville. I am hoping na makaclose ko kayong lahat. Yun lang po." I said at ngumiti ng malapad after ko magsalita. At bumalik na ko sa upuan ko.

"Thank you Ms.Cruz, okay so I shall start to discuss the rules and regulations during my class."

----

Uwian na.
Puro kaeklatan lang naman ang ginawa sa mga subjects namin.
Inaayos ko na nga ang gamit ko para makauwi na. Susunduin pa ko ni Ate.

"Oy guys maglalaro tayo ha ? Mamaya na kayo umuwi." masayang sabi ni Marj.

Kaso bakit parang di masaya ang mga classmates namin ? Masaya kaya maglaro.

"Rani sali ka ha?" sabi ni Margie.

Sinisenyasan ako ng mga classmates namin na wag daw ako papayag.

"Nako Margie. Di ako pwede susunduin ako ng ate ko eh." pagtanggi ko.

"Ayy ganun ba. Sige saka nalang." nakangiting sabi ni Marj

"Oo, alis na ko ha? Baka padating na si Ate eh. Bye. Enjoy kayo sa laro nyo." Nagwawave ako sa kanila habang naglalakad paalis.

"Bye Rani, ingat ka." Marj

Haaaay! Buti nalang talaga nakilala ko sa Marj. Napakabait nya at palangiti pa. Magkakasundo kami.
Uupo nalang muna ko dito sa bench habang hinihintay si Ate.

5 minutes...

10 minutes...

20 minutes...

30 minutes...

Ang tagal naman ni Ate. Nakakainis naman sya. Makapag-ikot-ikot kaya muna ? Puntahan ko kaya sila Margie ?

Lakad...
Lakad...
Lakad...

Sumilip ako sa room namin at nakita ko silang nakaform ng circle at may bottle sa gitna, Spin the Bottle ata ang laro nila. Nakakatuwa yung larong yan. Papanuorin ko muna sila dito. Ayan na start na sila.

"Ayan David ikaw ang napakaswerteng tinamaan. So ano Pa--" Marj

*dzzzzzt dzzzzzzt*
(Vibrate yan)

Istorbo naman to. *tingin sa phone* ay si Ate pala.

Asan kana ? Nandito na ko sa gate.

-Ate Cindy

Lumakad na ko. Sayang di ako nakasali sa laro nila. Mukhang masaya pa naman. Kaso nakakapagtaka lang, bakit ganitong oras nandito pa sila? Buti pinapayagan sila?

Parang boses ni Marj yung narinig ko. Humalakhak siya. Nakakatakot yung tawa niya. Baka kasama yun sa laro nila.

Pagdating ko sa gate nakita ko na si Ate.

"Pasensya kana natagalan ako at di kita naitext agad. Madami pa kaming ginawa eh." Ate habang papasok sa kotse.

"Okay lang ate. Sayang nga lang di ako nakasali sa mga laro ng classmates ko." sabat ko at pumasok na din.

"Kamusta naman ?" Ate

"Okay naman Ate. May nakilala na nga ko agad eh ang bait bait nya Ate. Napakamasayahin pa nya." masayang kwento ko kay Ate.

"Good to hear. Mabuti naman. Ano namang ginawa nyo ?" Ate

"Wala po. Puro pagpapakilala lang."

"Buti ka pa. Ako? Aynako Rani. Nakakapagod. Hirap talaga maging College." iritang sabe nya.

"Nako Ate kawawa ka naman. Eh kaso wala ka namang magagawa. Ginusto mo maging Fashion Designer eh."

"Ano pa nga ba ? Push ko nalang to. Oh nandito na tayo." Ate

"Bilis natin ah? Di ko namalayan."

Bumaba na ko ng kotse at binuksan ang gate para makapasok ang kotse ni Ate. Pagkatapos sabay kaming pumasok ng bahay.

"Anong gusto mong ulam?" tanong ni Ate

"Chicken nalang po" sabe ko at naglakad papunta ng kwarto.

"Manang!" narinig ko pang sigaw ni Ate bago ko maisara ang pinto ng kwarto ko.

Humiga ako sa kama. Nakakapagod din pala kahit walang gaanong ginawa sa school. Buti nalang talaga nakilala ko si Margie. Napakabait na kaibigan. Matulungin pa at tyka---

Zzzzzzzzzz...

"Di ba kayo nag-eenjoy sa laro natin?" *humalakhak sya ng malakas*

"Maglaro pa tayo" *pina-ikot nya ang bote*

*clap clap clap*
"Ikaw naman!"
*sabay turo sakin*

Bakit ako kasali? Tyka bakit basa ang kamay ko?
Dugo?! Bakit ang daming dugo? Anong nangyari dito ? Bakit ang daming patay?

*Tok tok tok*

Napamulat ang mata ko sa katok na narinig ko. Panaginip lang pala, nakatulog pala ako.

"Rani nakaluto na si Manang, kakaen na tayo" sigaw ni Ate mula sa labas ng kwarto ko.

"Opo Ate, susunod na po." sagot ko sa kanya.

Tiningnan ko ang kamay ko.
May dugo ito kanina. Saan yun galing? Atyaka bakit parang pamilyar yung lugar? Kinikilabutan ako. Makapagbihis na nga para makakaen na.

xxxx

Kamusta? Nagustuhan mo ba?
Laro din tayo gusto mo?
Abangan ang susunod na mangyayari.
-MSLUHA

Spin the BottleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon