Nandito ako ngayon sa garden ng school, napaaga ang pasok ko kaya tumambay muna ko.
Pumasok nanaman sa isipan ko yung panaginip ko kahapon, sobrang nakakatakot. Panaginip nga lang kaya yun? Sana nga, ano kayang ibig sabihin ng panaginip na yun ?
"Huy!"
"Waaaaah!" sinapo ko agad ang dibdib ko sa gulat.
"Nakakatawa yung mukha mo Rani, para kang nakakita ng mamamatay tao" tumawa ng sobrang lakas si Marj.
"Mamamatay tao? Marj? Pwede kaya ako maging mamamatay tao?" tanong ko sa kanya na. Bigla siyang tumigil sa pagtawa pero ngumiti siya nawala din ang ngiting iyon at napalitan ng pagkalito.
"Mamamatay tao? Ewan ko? Bakit?" takang tanong ni Marj.
"Kahapon kase, nanaginip ako. May dugo yung kamay ko tapos may mga patay sa paligid ko" takot na pagkukwento ko sa kanya, muli ay namutawi ang ngiti sa kanyang labi. Ngunit hindi ko na pinansin.
"Naku Rani ha? Ang aga-aga nyan. Wag mo nang isipin yun, panaginip lang yun."
"Sana nga Marj, nakakatakot kase." mahina kong tugon.
"Wag ka nang matakot wala lang yun, okay? Panaginip lang yun." pag-aalo sakin ni Marj.
~~~~
Nasa loob na kami ng classroom. Walang ginawa ang mga teacher namin kundi ang dumaldal ng dumaldal. Wala akong naiintindihan. Nasa isip ko parin yung panaginip ko. May teacher nga kaming nagalit kase yung dalawang classmates namin absent. Pero di ko na pinansin.
"Ms.Cruz?"
Natatakot talaga ko. Ayaw ko naman sabihin kay Ate at sasabihin lang nun nahihibang nako.
"Ms.Cruz?"
Sakit na ng ulo ko. *ginulo ko ang buhok ko*
"Ms.Cruz! Are you deaf? Will you please stop dreaming."
Napatayo ako sa gulat.
"Sorry po Ma'am." nakayuko kong sambit.
"Are you okay? I've been calling your name so many times and you don't even respond. Is there something wrong?"
"Nothing Ma'am. I'm sorry." nanatili parin akong nakayuko.
"Okay you may take your sit."
Umupo na ko at pinilit kong makinig sa teacher namin.
~~~~
Uwian na. Sa wakas makakapagpahinga na din ang utak ko. Ang dami pang assignment, second day pa lang eh.
"Rani, maglalaro ulet kami. Sali kana?" nakangiting tanong ni Marj.
"Sorry Marj, susunduin ako ni Ate eh." Sa susunod nalang." nakangiti ko ding sagot sa kanya.
"Ah ganun ba sayang naman..." hindi ko na maintindihan yung sinabi niya kase biglang humina.
"Ano Marj? Di ko naintindihan yung huli."
"Ah wala sabe ko ingat ka."
"Bye Marj. Ingat mamaya pag-uwi."
"Bye."
Lumabas na ko para hintayin si Ate Cindy. Umupo ako sa upuan na malapit sa gate ng school.
~~~~
15 minutes na ang lumipas wala parin si Ate, hindi ko naman matext kase wala akong load. Kaya naisipan kong pumunta ulet sa classroom namin para silipin sina Marj na naglalaro. Pagdating ko nandun lang ako sa pintuan pumwesto. Patago ko nalang sila papanuorin, hindi ko alam kung bakit pinili kong pauorin sila ng patago.
"Okay spin ko na ulet." sabe ni Marj sabay paikot sa bote.
Tumapat ito kay Amanda, isa sa makulit naming kaklase. Bakit ganun parang ang tahimik nila?
"So Amanda? Ikaw ang maswerteng pinili. What will you choose? Papatay o mamamatay?" nakakatakot na pagngiti ang namutawi sa labi ni Marj.
Nanigas ang mga binti ko sa narinig ko. Inisip kong baka nagkamali lang ako ng pagkakadinig.
"Umm…" Amanda
"Sagot! Papatay ka o mamamatay ka?!" sumigaw na si Marj. Tama nga ang nadinig ko. Pero bakit ganun? Ano ba to? Ano ba sila? Bakit ganyang klase ang nilalaro nila?
"Papatay…" nanginginig na sabi ni Amanda.
"Good. So pick your weapon. At pumili kana ng maswerteng papatayin mo." makikita mo ang kasiyahan sa mukha ni Marj. Parang napaka-natural lang sa kanya ang mga sinasabi niya.
Tumayo si Amanda at lumapit sa box na puno ng school supplies. Kumuha siya ng lapis na sobrang tulis ang pagkakatasa. Laumakad siya pabalik sa pabilog nilang pwesto. Tumigil siya sa tapat ni Robert. Nanginginig na lilingon sana si Robert ngunit agad siyang sinaksak ni Amanda ng lapis sa gilid na kanyang leeg. Tumalsik ang mga maiinit na dugo ni Robert sa mga kalapit nito. Ngayon ay punong-puno na ng dugo ang inosenteng kamay ni Amanda. Ang ilan sa mga kaklase ko ay nagulat. Sila yung mga katulad kong bagong salta. At ang iba naman ay parang nanunuod lang ng palabas at walang kareareaksyon.
Hinugot ni Amanda ang lapis sa leeg ni Robert at isinaksak naman ito sa singkit na mata ni Robert. Halos mapaluhod ako sa napapanuod ko. Gusto kong tumakbo. Ngunit parang nasaksak din ang mga ito. Pinilit kong huwag gumawa ng ingay.
"More Amanda more!" buong giliw na utos ni Marj.
Sinaksak ng sinaksak ni Amanda ang dalawang mata ni Robert. Palipat-lipat ang madugong lapis sa kaawa-awang mata ni Robert. Halos wala na nga ang mga mata nito. Ngunit hindi pa naawat si Amanda at isinaksak naman ito sa dibdib ni Robert. Parang nagugustuhan na ni Amanda ang nangyayari dahil unti-unti na itong ngumingiti at di naglaoy humahalakhak na ito. Para siyang sinapian ng masamang espirito. Kasabay niya sa paghalakhak si Marj. Sinaksak niya ng sinaksak si Robert hanggang sa maputol ang lapis na kanyang hawak.
"Magaling ka Amanda para sa isang baguhan." pagpalakpak na sambit Marj.
At biglang may mga nakaitim na lalaki ang pumasok mula sa kabilang pinto. Kinuha nila ang walang malay at di makilalang si Robert. Nilinis nila ang paligid at matapos ang ilang minuto ay parang walang nangyari. Malinis na ang aming silid-aralan.
Nanatili akong nakaluhod sa pwesto ko. Nanginginig parin ang mga tuhod ko. Nagulat ako ng magsitayuan sila.
"Umuwi na tayo. Sa susunod nalang ulit. Walang aabsent bukas ha? Bye ingat kayo. You only live once so enjoy your life." nakatawang sabi ni Marj.
Papalabas na sila. Hindi ko alam ang gagawin ko. Kaya pinilit kong tumayo at tumakbo ako. Tumakbo ako ng tumakbo, halos madapa na ako pero wala akong pakialam pinipilit kong tumayo at tumatakbo ulit papalayo sa mga taong iyon. Masakit ang mga tuhod ko may mga gasgas na ito. Nagtago ako sa mga puno na malapit sa gate ng school. Hinintay ko silang dumaan at makaalis.
Bakit ganon? Ano bang klaseng school tong napasukan ko? Paaralan ba talaga ito? Si Marj?! Akala ko mabait siya? Pero bakit iba siya kanina? Parang hindi siya ang Margie na nakilala ko. Pangalawang araw ko palang sa school na to ay parang gusto ko nang umalis. Ayoko na dito. Ayoko na…
xxxx
Vote at comment kana ng iyong reaksyon.
-MSLUHA

BINABASA MO ANG
Spin the Bottle
Misteri / ThrillerPapatay o Mamatay? PAALALA ni MSLUHA: Ang kwentong ito ay maaaring maglaman ng mga di kanais-nais na bahagi at pangyayari na maaaring hindi masikmura ng iyong kaisipan. Maaari kanang maghanap ng ibang kwento aangkop sa iyong hilig. Ang pagkakapareho...