haha... trip ko magtagalog ngayon eh!!! :)
------------------------------------------------------
Paalam Kamatayan
By: coffeandstories/poems
Lulan sa balsa ng ulan
Sinuyod ko ang kalangitan
Tangay ang rosas ng buhay;
Kabiyak ang tinik ng hukay.
Pilak na guhit sa talukap ng mga ulap
Laraw ng sinag sa pisngi ng alapaap
Bahagharing lantay ng pag-ibig
Hanging tangay ang guryon- gawad ng bibig.
Malamlam ang kulay ng umaga
Sinusuyo ang musika ng luha
Tugtuging inaakit ang mga kawayan
Awiting kunwari’y pamukaw sa kamalayan.
Titik na walang pantas ang makahulo
Hinuha lamang ay ligaya’t pangi-ngimbulo
Himpilan ng liwanag at kadiliman
Kalupi sa buhay na walang hanggan.
Hanggang sa muli...Kamatayang sakim
Nawa’y ang bagong landas malayo sayo’ng talim
Kapayapaan ngayo’y kaulayaw’t kalaro
Kapayapaang siya mo ‘ring kabaro.