'YUNG PINAKA-AYAW KO SA LAHAT... EEEEE... 'YUNG GUMAWA NG SERYOSONG TALAMBUHAY!!! WOOOOOOOY! SHABU 'YON! IMAGINE? AKO SI... PINA-NGANAK AKO SA... WOOOOOOOOOOO!!! :p :p :p HAHAHAHA!!!! KAYA NUNG PINAGAWA KAMI NG PROF. KO SA LITERATURE NG TALAMBUHAY... WOOW! SHATOL! AYOKOOOOOOO!!! BUT THEN, NAKA-ISIP AKO NG SHINNING SHIMMERING NA IDEA! HAHAHA....... SO WHAT IF GAN'TO 'YUNG IPASA KO??? HAHAHAHA!!! WELL, HINDI KO PA NAKUKUHA CLASS CARD KO, SO... DI KO ALAM KUNG NAGUSTUHAN NIYA GAWA KO!!! HAHAHA! PAG-PRAY NIYO PO AKO! WAHAHAHAHAHA!
P.S. ANG IBANG PARTS AY GAWA-GAWA LANG PARA MAG-RHYME! UWAAAAA.... HUWAG NIYONG PANIWALAAN MASYADO! :p
----------------------------------------------------------------------------------------------
Tula;Buhay- Tulambuhay
By: coffeeandstories/poems
Tula... tula... tula...
Isang tula ang dapat kong ma-ikatha.
Tula... tula...tula...
Yaring talambuhay sa ‘sang tula’y isasadula!
Uwaaa... uwaaa...iyak ng sanggol na boses ay malat,
Taong isang libo siyam na raan siyam napu’t apat.
Oktubre dalawampu’t anim ng tanghaling tapat,
Sa sinapupunan ni Ina’y lumabas, na sa saplot ay salat!
Gian Paul ang ngalan kong tangi.
Hindi mahinuha kung sa’n hinango’t kaninong hari,
Batid ko lamang na siyang nag-bendisyon ay isang pari.
Kung anong hari’t sinong pari? Ay! Paumanhin, dili ko na mawari!
Alden at Cristina Falcis ngalang ng aking mga magulang.
Well-known at sikat sa kanilang negosyong pautang.
Sa pagbibigay ng super love ay pramis ‘di nagkukulang,
Itanong mo pa sa kapitbahay naming si Lola Pilang.
Panganay sa dalawang nakababatang pukyutan!
Araykupo! Ibig kong sabihin ay dalawang batang nagkyu-kyutan.
Nag-aaway, nagbabati, nagsisigawan ngunit ‘di naman nagpapatayan.
Pero click naman pag-PSP at computer games ang usapan!
Kasalukuyang naninirahan, alangan? Syempre sa Sanlibutan,
Subalit sa’king palagay mas kanais-nais kong tawag ay Sansinukuban,
Wala lang, parang magic sarap, pangtimpla sa sining ng aking panitikan.
Lonoy, sa lungsod ng Roxas ang eksaktong pinagkakalagakan.
Tula... tula... tula...
Kasalakuyan akong naghahabi ng katha,
Wala mang sukat ni tugma basta’t isang tulang isip bata!
Isang modernong tula- pang-ebook, pdf, o MS Word, basta’t tula!
Musmos na maituturing, ofcourse! Nu’ng bata palang,
Ano ba ang bata? Malamang, ‘yung uto-uto’t ginagawang kulang-kulang!