Chapter 1: Sleep Over

31 4 3
                                    

Amber's POV

"Grabe di ako makapaniwala,college na tayo mga girls", sabi ni Blythe. Tuwang-tuwa pa siya.

"Haler! Nakakastress maging college,nababawasan ang kagandahan natin,oopps! kagandahan ko pala", oh common, Brenda, GGSS na naman.

"girls,please,kahit ngayon lang,magrelax naman tayo... tigilan ang kaka-GGSS,nakakaumay,ha Brenda! And besides, sembreak po,okay!" sabi ko sa kanila.

"Ano girls,sa iisang room nalang tayo matulog ngayon?" tanong sa amin ni Alexa.

Actually,nandito kami ngayon sa bahay ni Alexa,magssleep over lang naman kami,actually halos dito na yata kami magsesembreak sa bahay nila. Wala lang,namiss lang namin ang isa't isa... Nang mag-college na kasi kami,nawalan na kami ng time sa isa't isa...

So, we decided to have a sleep over here...

Nasa Australia kasi ang parents niya eh,so it means,kami kami lang ang nandito.

***

After namin mag-dinner ay nagshower muna kami,siyempre,isa isa ha,di naman pwede kaming magsabay sabay na anim sa iisang bathroom diba? Hay,use your common sense guys!

Ngayon,nandito kaming lahat sa iisang kwarto,all pink and full of teddy bears!!

"Kailan mo balak tumigil sa pagbabasa jan Sandara?" pagtatanong ni Kaye kay Sandara.

"Wag nyo akong intindihin,go,mag usap lang kayo,kailangan ko matapos itong book 1" psshh... lagi nalang libro hawak ng isang ito,di ba siya nasasawa... kaya binubully siyang nerd eh...

Biglang pumasok naman si Alexa,may dala-dalang tatlong unan...

"Ang saya-saya ko girls,ngayon lang ulit 'to naulit" tapos umupo siya sa kama.

"Me too' sagot ko...

"Kamusta ang buhay kolehiyo?" pagtatanong ni Blythe.

"GRRR! It's so nakakastress and sometimes I want to make suko na talaga" sagot ko. Pakialam niyo kung conyo ako,ako naman ang nagsasalita,hindi kayo!

"Ako din,di ko alam kung ano gagawin ko,minsan gusto ko ng umiyak sa sobrang busy" sabi ni Alexa.

"Kaya nga dapat i-enjoy natin ang sembreak na ito,nang bumalik ang kagandahan natin,ay kagandahan ko pala" GGSS na naman po si Brenda...

"SHUT UP,BRENDA!!! ALAM NA NAMIN NA MAGANDA KA,WAG MO NG IPAGKALAT PA,BAKA MASUYA LANG KAMI!" pagsisigaw ni Blythe.

"Isa ka din eh! Wag ka nga sumigaw,it's so nakakabingi!" pagsusuway ko. Parang mga bata pa din.

"Eh papaano,pinagmumukha tayong pangit,ano siya lang ba magan-"

"Finally! Nagkita din sila!!! Kyaahhh" sabay-sabay kaming napalingon kay Sandara... Bigla ba naman sumigaw?

"Problema?" tanong ni Kaye.

"Nagustuhan na rin siya ng lalaki,dati kasi ayaw sa kanya,kyaahhh!!! nakakakilig" sagot naman ni Sandara.

'Pabasa nga!!" at inagaw ni Alexa yung book kay Sandara... binasa niya ito ng malakas...

"Dati,ako ang gumagawa ng paraan na magustuhan niya ako,ngayon siya na. Pero di ko alam kung totoo ang lahat,parang feeling ko,pinaglalaruan niya lang ako,dapat ba ulit ako ma-fall sa kan-ya?"
napatigil si Alexa sa pagbabasa at biglang may tumulong luha sa kanyang pisnge.

Alam ko na sa sandaling ito,naaalala niya si Lance,ang taong minahal niya at ang taong nanakit sa kanya...(emotional)

"Alexa,kalimutan mo na siya,marami pa jan na mga boys,they can make you more special,girl!so stop crying na kaya,he is not deserving ,so move on girl!" sabi ko...

"Di ko alam,siya pa rin talaga eh" tumulo na naman ang mga luha niya...

"Okay,ano ba talaga kasi ang nangyari? Kaibigan mo kami for four years,pero di namin alam na exactly na nangyari sa inyo ni Lance... kwento mo sa amin" sabi ni Kaye.

"Akin na nga ang book,okay magkwento ka,makikinig kami,bukas ko na'to tatapusin" seriously? bukas niya ipagpapatuloy ang pagbabasa? Aba! Bago yun kay Sandara ah!

"Di ko alam kung kaya ko balikan,pero kasi...sobrang sakit..." tiningnan niya ako..

"Go! Umiyak ka kung gusto mo! We are here,we gonna make tahan you if ever na bumaha ng luha here sa room mo" sabi ko. Conyo ako eh,wag niyo na akong husgahan please? HAHAHA.

"Amber naman eh,umiiyak na ako,conyo ka pa rin,putulin ko dila mo eh" napatawa naman siya...

"I just want to make you ngiti lang naman kasi. So,go magkwento ka na" sabi ko...

Ngumiti siya sa amin..

Pero yung ngiting plastik... ngiting pilit lang

Hindi totoo...

Bumalik na naman siya sa nakaraan niya..

...ang nakaraang sobrang sakit...

"Second year high school tayo... mga November siguro yun... then..." napahinto si Alexa sa pagsasalita...

"...dun nagstart na malaman kong..."

***
Gusto niyo bang malaman ang nakaraan ni Alexa? Sundan lamang ang kanyang kwento...
Nasaktan ba talaga ng sobra si Alexa?
Paano maghihilom ang lahat ng sakit kung hanggang ngayon hindi niya kayang kalimutan?

A/N:
sisimulan po natin ang kwento ni Alexa sa Chapter 2. KEEP ON VOTING GUYS! spread the love :*

MAKE A WISH, GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon