Alexa's POVNovember na! Malapit na mag Christmas ah! Pero napakarami namin na dapat tapusin na projects. Second year high school palang pero nakakastress na... katatapos lang kasi ng intrams kaya bumabawi ang mga teachers.
Anyway, ako pala si Alexandria Maecy Lee,14 years old. Alexa ang tawag sa akin ng mga kaibigan ko,sobrang haba daw kasi ng name ko...
"Alexa,tapos ka na ba sa project natin sa English?" tanong sakin ni Sandara habang may hawak na libro sa kanang kamay.
"Hindi pa,friday pa naman ang pasahan eh,hirap na hirap nga ako magdrawing sa mga characters dun sa story eh" pagrereklamo ko. Halos two days ko na ginagawa yung project sa English at hanggang ngayon di ko matapos-tapos... wala naman kasi akong talent sa mga ganyan eh...
"Madali lang yan,sus! Sa thursday ko na gagawin yung akin" biglaang singit ni Brenda sa usapan. Ganyan yan,kung kailan malapit na ang deadline saka nagmamadaling gumawa! hay...
"Ako,maglalagay nalang ako ng design" dagdag naman ni Blythe. Siya ang pinakamasipag sa amin,sumunod si Sandara.
"Ghad! I can't draw kaya,pero pinilit ko pa din" ayan si Amber... talagang may determinasyon yan kahit conyo ang babaeng yan...
Bigla naman dumating si Sandra at pabagsak itong umupo sa upuan.
"hey! Sandra,tapos ka na ba sa project?" pagtatanong ko.
"Project? Saan?" di kasi nakikinig kaya walang kaalam-alam...
"Sa English ano ka ba!!" sabi ni Sandara.
"Meron ba? hmmm.. Ay! oo nga pala,pero kasi varsity player ako so sabi ni ma'am di na kami gagawa,90 na daw grade namin dun" uggghh! buti pa siya... sumali nalang din sana ako...
"Samahan niyo ako mag-cr,girls!" pag-aya ni Brenda.
"Kayo nalang,tinatamad na akong lumabas eh" pagtanggi ko sa kanila.
Lumabas ang lima at naiwan akong mag-isa... paano ko ba tatapusin ang proj-
"Tapos ka na sa English?" muntikan ng tumalon ang puso ko sa gulat at kaba... Alam kong siya ang nagtatanong.
Dahan-dahan kong nilingon...Siya nga!!!!!
"Huh? ah eh,hindi pa,mamaya siguro,mahirap kasi magdrawing" nginitian ko siya.
Bakit habang tumatagal, pagwapo ng pagwapo siya? Almost two months ko na siyang crush,pero,ngayon lang siya talaga lumapit sa akin para kausapin ako.
"Ako din eh,gusto mo ba ako magdrawing nung iyo?" ha? siya magddrawing? totoo ba ito o nananaginip lang ako? Seriously?! Siya ang magddrawing para sa project ko... baka crush na din niya ako,omo!!! Tapos next week liligawan na niya a-
"Gusto mo ba?" gusto? ang alin?
"Alin?" tanong ko.
"Ano ba gusto mo? Gusto mo ba ako nalang-"
"Oo!! Oo!! ikaw lang talaga ang gusto ko matagal na" ha? anong sinabi ko?!!
"huh? ako? ang tanong ko,gusto mo ba na ako ang magdrawing nung sa project mo,so ako lang talaga ang gusto mo magdrawing?" ay! Alexa,ano ba kasi pinagsasabi mo?
"Ah oo! ikaw nga... ikaw ang magddrawing,thank you!" feeling ko pulang-pula ang mukha ko sa sobrang kahihiyan...
"HAHAHAHA! okay,libre mo ako mamaya pag uwi ha" tapos tumayo na siya pero bago siya tumalikod...
Nag-wink muna siya sakin...
KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHH! Anong nangyayari? Mamamatay na ba ako mamaya kaya ibinibigay na yung mga wish ko? Nagugustuhan na rin kaya ako ni Lance?
Pwede pero...
Ay! Magtigil Alexa... tumutulong lang ang tao,wag bigyan ng ibang kahulugan,sadyang mabait lang si Lance...
Pero ang sweet niya talaga... ang balita ko,wala siyang girlfriend ngayon at halos 10 months na mula nang magbreak sila ng girlfriend niya noong first year kami... Alam kong may pagka-cassanova si Lance,pero di ko naman kasalanan kung bakit sa dinami-daming lalaki siya pa ang gusto ko...
Paano kaya pag naging boyfriend ko siya? mas sweet pa siguro siya kaysa kanina...
"HOYY!! nginingiti-ngiti mo jan? may sira ka ba ha?" nakakainis naman itong si Blythe,panira ng moment eh.
"Wala,masama bang magpacute?" tanong ko.
"Kanino ka naman nagpapacute?" tanong naman ni Sandra.
"Sa blackboard" tapos tinuro ko yung kaharap kong blackboard.
"Kailan ka pa nagka-interesado sa blackboard ha?"tanong ni Blythe.
Mula nang kausapin ako ni Lance!!!
"HI?? Yung totoo,si Alexa ka ba talaga? Ang weird mo ngayon ha,ngumingiti ka na naman oh,baka naman iniisip mo na mas maganda ka kesa sa akin? Naku! Paalala lang,ako pa rin ang maganda sa ating dalawa" sus! lagi nalang isinisingit ang kagandahan ng babaeng ito.
"Wala akong pakialam sa kagandahan mo!!!" sabi ko sa kanya. Mas maganda kasi ako ngayon sayo,kasi kinausap ako ng gwapong nilalang...
"You're so lutang today, girl!" sabi sa akin ni Amber habang naglalagay siya ng ipit sa buhok niya.
"Wag niyo akong pansinin... mind your own business!!" sabi ko. Minsan lang to mga sis,pagbigyan niyo na ako.
"Si ma'am anjan na,umayos kayo ng upo" sigaw ng isa naming kaklase na lalaki.
Nagsiayos naman kami ng upo...
Pero nasaan yung..."Panyo ko?" nasaan ang panyo ko?
"Bakit Alexa? May nawawala sayo?" tanong ni Sandara.
"Panyo ko nawawala eh" sino ang kumuha nun???
"Ito ba,Maecy?"
Maecy? wala pang tumatawag sa akin sa second name ko ah...
napatingin ako sa nagsalita....SIYA??!!
Paano napunta sa kanya ang panyo ko?? Kinuha niya ba kanina nang di ko napapansin?
"Bakit nasayo? " tanong ko.
"Bakit masama?" sagot niya.
"Akin na,bumili ka nung iyo" sabi ko.
"Sakin nalang 'to,para maalala kita tuwing makikita ko ang panyo na 'to...THANK YOU Ms. Lee" tapos...tapos...
tapos... KYAAHHH!!!
nag-wink siya...
sa akin.... ;)LANCE!!! hindi ito ang oras para magpakilig!! Bakit ka biglang nagkaganyan???
***
Ito na ba ang simula sa pagitan nina Lance at Alexa?A/N:
Sa mga may suggestions po about sa story namin,pwede po kayong mag-comment or message...
Gusto ko lang po ipaalam na dalawa po ang author ng story na ito...
maraming salamat po sa mga magvovote :* Spread the love guys!
P.S: Kung gusto niyo pong gumawa ng loveteam sa story na ito,just comment or message nalang po!
BINABASA MO ANG
MAKE A WISH, GIRL
Teen FictionFeeling mo gusto ka rin niya... Feeling mo importante ka sa kanya... Feeling mo mahal ka na rin niya... Pero... ...papaano kung feeling mo lang lahat iyon? papaano kung akala mo lang yun?