Chapter 3: Mutual Understanding???

6 2 0
                                    

Alexa's POV

Natapos ang first subject namin na wala akong naintindihan kahit isa...

...si Lance lang talaga yung nasa isip ko...
...napakaraming tanong sa isip ko kung bakit niya kinuha yung panyo ko? Pinagtitripan niya lang ba ako?

"Goodbye class!" sabi ng teacher namin..

"Goodbye and thank you ma'am" sabay-sabay naming tugon.

Agad akong naupo pagkalabas ng teacher namin. Feeling ko nawawala yung utak ko sa mga nangyayari ngayon.

"Alexa, tara dito,kwentuhan naman tayo,wala naman daw next teacher natin eh,may meeting daw" pag-aaya sa akin ni Amber.

"Trip mo ba ako?"

"What? Anong trip? Di kita pinagtitripan,inaaya ka lang namin na makipagkwentuhan dito,you're so lutang today " nagtatakang sagot ni Amber.

Ano bang sinabi ko?

"Hay.. Di ka na namin kukulitin.. baka mahawa ako sa kalutangan mo, maybe I'm gonna tell this to your mom...baka nagshashabu ka Alexa kaya ganyan ka?shocks!" sabi ni Amber tapos tinalikuran ako.

Hinayaan ko nalang sila...ang OA talaga kahit kailan ni Amber. Tsss.

"Ayaw mo makipagkwentuhan sa mga kaibigan mo?" narinig ko ang boses niya...

Dahan-dahan akong lumingon,katabi ko siya...

"Inaantok kasi ako eh" pagdadahilan ko...

"Inaantok ka kasi di mo ako katabi" sabi ni Lance.

Ha? Ano ba nakain neto ngayon?

"Ano bang pinagsasabi mo?" napakunot-noo ako sa sinabi niya.

"See I told you! Inaantok ka kasi di mo ako katabi,tingnan mo ngayon,di ka na inaantok.. kausap mo na kasi ako hahahaha" tumawa siya...

"Kung wala kang mapagtripan,lumayas ka diyan" di ko alam.. kinikilig ako na naiinis. Kinikilig kasi katabi ko siya... Naiinis dahil mukhang pinagtitripan niya lang ako.

"Bakit binili mo na ba ang upuan na 'to? "

"Hindi. Basta layas diyan" hinampas ko siya sa braso.

"Aray! Ganyan ka ba magmahal? Ang sadista naman" teka? Alam na ba niyang may crush ako sa kanya.. pero ang alam ko,wala naman akong pinagsasabihan,kahit sa mga kaibigan ko eh.

"Anong magmahal sinasabi mo jan? lumayas ka na nga" nakakainis 'to.

"Nakuu! crush mo lang ako eh"

"Crush? Ang kapal mo ha!!!" sige i-deny mo pa Alexa.

"OA mo mag-react ha!" sagot niya sa sinabi ko...

"Sinisira mo yung araw ko,layas!!"

"Nagbabayad naman ako ng tuition eh,so bakit aalisan mo ako ng karapatan na umupo sa mga upuan?"

Nakakainis siya,napakarami niyang alam!!!

"Okay. Jan ka lang,pero wag mo akong kakausapin" sabi ko... Please? Sana hindi ako namumula...

"Di kita matitiis na hindi kausapin"
Tigilan mo ako Lance...

"Titigil ka ba o ihuhulog kita jan sa upuan?"

"Bakit 'pag hinulog mo ba ako dito,sasaluhin mo ako?"

"HINDI! Saluhin mo yung sarili mo!" sabi ko sa kanya.

"Tsk! Iba 'to..." pabulong niyang sinabi.. pero narinig ko pa din...

"Oh ano? layas na dyan!" sabi ko.

"Akala ko ba dito lang ako? tss.. gulo mo! sige sabi mo eh...Akin na yung kopya ng iddrawing ko" tapos nilahad niya yung dalawang palad niya..

Tiningnan ko lang siya...

"Pasalamat ka mabait ako... minsan lang ako ganito,kaya lubusin mo na" sabi niya...

"Ano bang ginagawa ko? Eto nga oh at nilulubos ko na... nagmamasipag ka na naman,tigilan ang pagpapanggap ha,saka yung panyo ko? Nasaan?" bigla kong naalala yung panyo ko.

"Diba sabi ko akin nalang? Nawalan ka ba ng tenga nang sinabi ko yun?" sabi niya. Pilosopo neto ah...

"Ibalik mo yun..papatayin kita pag di mo binalik yun" syempre ko naman talaga siya papatayin..

"Okay lang.. di naman ako natatakot eh" nakakainis!!!

"Ibalik mo na kasi.. wala ka bang panyo at kailangan manguha ka pa ng panyo ng iba?" bakit kasi nangunguha siya ng panyo?

"Tsss. Daming sinasabi,akin na yung kopya"

Kinuha ko sa bag yung kopya tapos inabot ko sa kanya...

"heto" sabi ko.

Kinuha niya yung kopya pero bakit....

"Bitiwan mo ang kamay ko" kailangan ba pag aabutin yung kopya,kasama pati kamay ko?

"LANCE!!!!"

Pero di siya sumasagot... nakatingin lang siya sa akin...

"Ano ba Lance??"

"Parang hinawakan lang yung kamay akala mo naman ni-rape kita?" sabi niya tapos nilapit niya yung mukha niya sa akin...

Pero mabilis akong nakaiwas...

"Grabe ka makaiwas... wala akong sakit" sabi niya.

"Whatever" sabi ko...

Binitawan niya yung kamay ko atsaka tumalikod pero nagsalita ulit siya...

"Itetext nalang kita mamaya" paano? Wala naman siyang number ko eh.

"Don't worry nakasave na ang number mo sa akin,hiningi ko kay Phoebe" nababasa niya ba yung mga naiisip ko?

"Alam mo bang di ako nagbibigay ng number sa mga di ko naman ka-close" sabi ko.

"Well, I think,close na tayo ngayon so pwede na" di talaga siya nauubusan ng rason no?

Di na ako naka-react sa sinabi niya...

Bakit niya hiningi?

Syempre itetext ka niya Alexa about dun sa iddrawing niya..

Sabi ko nga...

Di pa man siya nakakalayo ay tinawag ko ulit siya...

"Lance!" tawag ko.

Humarap naman siya...

Ang gwapoooooo!!!

AY! Erase-erase!

"Bakit?" tanong niya.

"Thank you..." sabi ko...

"Wala yun,basta akin nalang yung panyo mo" pagkatapos ay tinalikuran na niya ako...

Again...

'di na naman ako naka-react sa sinabi niya...

Speechless.

***
May gusto na rin kaya si Lance kay Alexa? Masyado bang mabilis? Actually,simula palang ito,marami pang mangyayari sa kwento nina Lance at Alexa...

A/N:
Kung kadalasan sa mga love story ay laging happy ending... sa love story kaya nila Lance at Alexa,may happy ending? Sabi nga happy lang,walang ending... Pero paano kung... ending na nga sa pagitan niyo,pero wala pa rin ang salitang happy? Nakakasiguro ka na bang siya ang forever mo?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 17, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MAKE A WISH, GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon