Two.

53 4 0
                                    

Charity's POV

Ilang araw na ang lumipas. Wala atang oras na gising ako na wala sa isip ko si Erwin.

Nang pinasok niya ang isip ko, hindi na siya lumabas.

Isang araw na-realize ko crush ko na pala siya. Na-realize ko na bumibilis yung tibok ng puso ko kapag malapit siya. Na-realize ko na palagi akong excited sa Filipino time kasi ka-grupo ko siya.

Na-realize ko na hindi ko na mabilang kung ilang beses sa isang araw dumadaan sa isip ko lahat ng naiisip kong excuse para lang makausap siya dahil hanggang ngayon, hindi pa rin kami nagkakaroon ng conversation.

Na-realize ko na kapag binibigkas yung pangalan niya napapatingin ako.

Na-realize ko na hindi ko na to kayang ipag-patuloy.

Ayoko na.

Hindi ko na kayang mag-tiis sa pag-tingin tingin ko lang sakanya.

Ayoko ng titigan ang likod niya.

At higit sa lahat, ayoko ng ibagsak ng ibagsak ang mamahalin kong ballpen sa pag-asang maulit uli yung pagkakataong una kaming nag-interact. Pero hindi na, hindi na naulit.

Feeling ko kapag pinatagal ko pa to, sasabog na yung dibdib at utak ko sa lahat ng nararamdaman at naiisip ko na may kaugnayan sakanya.

Kaya naman isang gabi, humarap ako sa laptop ko at nag-bukas ng blank document sa Microsoft Word.

Doon, nag-type ako ng sulat para sakanya.

Pagkatapos kong i-print, inirolyo ko at itinali gamit ang ribbon.

Kinabukasan, bago ako pumunta sa school, dumaan ako sa isang shop na karaniwan ko namang dinadaanan.

Doon, nagbe-benta sila ng mga bote, lahat ng klase ng bote, mapa-bote  ng glitters o bote ng alak, meron sila.

Sa kauna-unahang pagkakataon, pumasok ako sa tindahang yon at bumili ng wine bottle.

Color green na may cork. Doon, ipinasok ko ang inirolyong letra para kay Erwin.

Pag-dating ko sa school, imbis na dumiretso ako sa classroom, dumaan ako sa hallway kung nasaan ang mga locker.

Pumunta ako sa locker niya na inalam ko pa talaga galing sa mga kaklase kong ilang taon na siyang crush. Inalam ko din mula sakanila kung ano ang combination nun.

Huminga ako ng malalim at tumingin sa paligid ko, wala namang nagtu-tuon ng pansin saakin.

In-enter ko ang combination.

1-2-2-6

Hinigit ko ang pinto.

Bumukas.

Bumilis ang tibok ng puso ko at napatingin ulit sa paligid ko.

Nang nasigurado kong walang pumapansin saakin, dali-dali kong inilagay sa loob yung bote, sinarado ko at tumakbo ng mabilis papunta sa classroom.

Buong araw, ayun lang ang nasa isip ko. Mamayang break time, pupunta siya sa locker niya. Makikita niya ang bote. Makikita niya ang sulat ko.

Hindi na ako makapag-hintay.

Noong break time na, hindi na ako mapakali, hindi ako maka-kain kahit na pilitin ko. Nasa cafeteria ako, hindi ko sinundan si Erwin sa locker hall. Baka kasi mahalata niya.

Buong break time, hindi siya pumunta sa cafeteria hanggang sa bumalik na kami sa room at nadatnan ko siya dun. Seryosong nakatingin sa kawalan at nagku-kuyakoy ng paa.

My Heart in a Bottle [shortstory]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon