One.

80 8 1
                                    

Charity's POV

16 years old. 4th year high school. Blue Wing Academy.

Nag-aaral ako sa isang paaralan kung saan hindi ako nage-exist.

Ako yung tipo ng babae na hindi matataas ang grades, hindi rin mababa, sapat lang para pumasa ako.

Hindi nasasabihan ng maganda, pero hindi rin nasasabihan ng panget.

Hindi ako yung tipo ng babae na kapag dumaan sa hallway eh mapapatingin ang lahat. Instead, pag dumaan ako, parang wala lang silang nakikita.

Hindi mayaman, pero nakaka-kain pa ako ng tatlong beses isang araw.

Isa ako sa mga estudyante na nakakalimutan agad ng mga teacher, assuming na nakilala manlang nila ako kahit konti.

Walang history sa guidance, sa office, sa stage, sa harap o kahit na saan mang nakaka-agaw pansin.

Sumasali lang sa contest pag kailangan talaga, minsan nananalo, madalas wala.

Nai-imagine niyo na siguro kung gano ka-normal ang buhay ko. Kung gaano ka-average.

Ang hindi ko alam, noong nalipat ako sa star section, hindi lang pala academic standing ko ang mag-babago.

Pati pala ang buong buhay ko.

Ni hindi ko nga alam kung paano ako nalipat, iniingatan kong wag masyadong tumaas ang grades ko para hindi maka-agaw ng pansin.

Weird ba?

There's this boy.

Sikat, pero hindi sobrang sikat, di yung tipong kilala ng buong school.

Pogi. DAW. Sabi ng mga kaklase niya.

Kahit kailan hindi naging gwapo sa paningin ko si Erwin Martin.

Hindi naman pogi, hindi hot, walang oozing sex appeal, hindi perpekto ang buhok o kutis.

Gaya ng sinabi ko, NORMAL.

First day of 4th year high school, napunta ako sa upuang nasa likod niya.

Sa tuwing didilat ako, likod niya ang nakikita ko.

Doon ko siya mas nakilala, napansin ko yung mga maliliit bagay na ginagawa niya.

Tahimik lang si Erwin. Hindi pala-recite, pero laging may assignment, maraming kaibigan, pero matino.

Hindi ko siya kinakausap. Bakit? Simple lang.

Invicible din ako sa paningin niya.

Hindi pa kami nagkakausap, pero alam kong hindi napapakali ang kamay niya. It's either papaikutin niya yung ballpen niya, or kung hindi, yung panyo niya naman.

Mahilig siya mag-kuyakoy ng paa, maganda ang ngiti niya, kaso madalas, seryoso siya.

At sa totoo lang, hindi ko pa naririnig ang boses niya. Alam kong nag-sasalita siya at hindi siya mute, pero hindi ko pa talaga siya naririnig.

Not until that day, kagrupo ko kasi siya sa Filipino, and as always, reporting.

Tapos na ako mag-report. Si Erwin hindi pa.

Wala kaming choice, si Erwin ang magrereport. Hindi naman siya tumanggi, tinignan niya lang kami ng matagal, tsaka siya tipid na tumango.

Hindi ko ma-imagine. Magsasalita si Erwin sa harap.

Dumating ang oras ng reporting. Noong grupo na namin ang natawag, walang imik na tumayo si Erwin at pumunta sa harap.

Parang mas kinakabahan pa ako kesa sakanya e, jusko Erwin, sayo naka-salalay ang grade namin sa Filipino utang na loob naman.

My Heart in a Bottle [shortstory]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon