Epilogue.
Happy.
Sad.
Disappointed.
Confused.
Shocked.
Angry.
Regretful.
Lahat na ata ng emosyon naramdaman ko the moment I stepped in his room.
Pakiramdam ko hindi ito ang unang beses na nakapunta ako dito.
It is so foreign, yet so familiar.
Nag-lakad ako ng mga ilang hakbang patungo doon.
Thirteen bottles.
Thirteen bottles ang maayos na nakasalansan sa shelf sa isang sulok ng kwarto niya.
Lumapit ako dun at tinignan ng mabuti ang bote.
Merong note na nakadikit sa bawat bote.
Petsa kung kailan ko ibinigay yun.
Nang tumingin ako sa itaas ng shelf ay nakita ko lahat ng letter ko. Naka-frame yun isa-isa ayon sa pagkaka-sunod sunod.
Kung andyan ang letter ko, ano pala ang nasa loob ng mga boteng to?
Kinuha ko yung nasa pang-last bottle at binuksan yun.
In-unroll ko yung papel at binasa ang nakasulat.
That silly girl, if Trisha knew who she was, she'll never live. However, disregarding what Trisha said, I hope she never stops.
Ito yung nag-eskandalo si Trisha sa classroom.
Kinuha ko yung pinakauna.
Someone sent me an anonymous love letter. Who are you?
Hindi niya pa ako kilala dito. Paksht naman yes.
Kinuha ko yung sumunod at binasa yun.
Charity Zarrea. The new girl is sending me love letters.
By the time I sent my second love letter, he knew it was me.
Kinuha ko yung pangatlong bote at binasa yung laman.
My Mom said she is lovely. I said she's perfect.
Dugdugdugdugdug.
Ang bilis ng tibok ng puso ko, para akong aatakihin.
Itinabi ko yung love letter sa may study table niya at doon ko nakita ang isang notebook.
May naka-ipit na book mark na napansin kong yung kauna-unahang ribbon na pinantali ko sa unang letter ko.
Binuksan ko ito at binasa.
I love you Charity. But I just don't love you enough to stay.
The end.
xxx-xxx-xxx-xxx-xxx
A/N: Lesson: Wag mo ng patagalin ang mga bagay bagay. Grab the opportunit before it is lost. Dahil ang mga bagay na wala na, hindi mo na pwedeng ibalik.
![](https://img.wattpad.com/cover/47292877-288-k543916.jpg)
BINABASA MO ANG
My Heart in a Bottle [shortstory]
Cerita Pendek"My heart leaped out of my chest. It put itself in a bottle, and sent it to Erwin Martin" -Charity Zarrea Copyright All Rights Reserved ©MikaelaAnneLu