Four.

63 5 0
                                    

Charity's POV

Tatlong araw na ang lumipas. Tatlong araw na naming kaklase si Trisha, and by this time, aware na si Erwin na andito na ang ex niya.

Tense palagi ang klase sa tuwing nag-uusap sina Trisha at Erwin. Yung kahit casual hi/hello lang (si Trisha pala lagi ang nagg-greet) eh nananahimik ang lahat.

Magaling dumiskarte si Trisha. Sa tuwing may activity sa room na by partner, nagagawan niya ng paraan para sila ni Erwin ang maging mag-partner. Ewan ko ba, ang galing niya.

Kahapon nga, 1on1 debate sa Filipino, naging magkalaban sina Erwin at Trisha.

Unang nag-salita si Trisha, pagkahaba haba ng sinabi niya nun all along nakatingin lang siya sa mata ni Erwin at halata mong iba na ang pinahihiwatig ng mga binibitawan niyang arguments.

Imbis na sumagot at lumaban si Erwin, nag-walk out siya.

Na-zero tuloy yung grupo namin at napagalitan si Erwin ng leader namin.

Mukha naman siyang hindi naaapektuhan. Pero yun ang akala ng iba.

Napapansin ko kasi na mas napapadalas ang pagku-kuyakoy niya, may mga pagkakataon na bumabagsak ang ballpen niyang hindi mamahalin pati na din ang panyo niyang bench sa kakapaikot niya.

Alam kong apektado siya, pero hindi ko naman siya ma-comfort, nagagawa ko lang 'yun kapag sumusulat na ako sakanya. Ang dating mga sulat na paisa-isang paragraph lang, naging talata.

Hanggang sa umabot na ng tatlong pahina ang mga sulat ko sakanya.

Alam ko na binabasa niya pa din yun. Third subject na namin, kakatapos lang ng Filipino, walang teacher kaya walang groupings. Pagkatapos ng period na to, makikita na ni Erwin ang letter ko.

Ang huling mensahe ko na may limang pahina. Ang dami ko kasing nasabi. Ang dami dami kong tanong na alam kong hindi niya naman masasagot.

Kilala na ba niya ako? May pakialam ba siya? Anong nararamdaman niya? Naiinis na ba siya? Gusto ba niyang itigil ko na to?

Kahit na hindi siya sumagot, ititigil ko na naman eh.

Ititigil ko na ang pagbibigay ng message in a bottle dahil namumulubi na ako kaka-bili ng bote >___< biro lang.

Last na to. Last letter na eh, nasa letter A na ako sa dulo ng Zarrea.

Bukas, plano ko ng umamin sakanya ng personal.

Alam kong wala akong mapapala sa pagga-ganito ko. Napagpasyahan kong mag-lakas loob, dahil kapag hindi ko sinubukan, paano ko malalaman?

Kapag hindi niya ako pinagtabuyan, edi maganda. Kapag pinag-tabuyan niya ako, edi wow.

Patuloy sina Emi at Jovell sa pangs-stalk kay Trisha. Nalaman nilang talagang mayaman ang pamilyang Lee sa China dahil sa business nila.

Pagkatapos ng third subject, dumiretso ako sa cafeteria tulad ng nakasanayan dahil ayokong mag-stay sa area kung saan niya mababasa ang sulat ko.

Kakalabas ko pa lang ng baon ko, nagulat agad ako sa nakita ko.

Si Erwin at Trisha, pumasok sa loob ng cafeteria.

At si Trisha? Ayun naka-ankla sa braso ni Erwin at halata naman kay Erwin na wala siyang pakialam pero dinoubt ko ang sarili ko nang makita ko siyang pinag-hila ng upuan si Trisha.

Anong meron? Bakit ganyan? Sila na ba ulit?

Tumayo si Erwin para mag-order para sakanilang dalawa.

Bakas sa mukha ni Trisha ang saya. Paano?

Bumigay na ba si Erwin? Paano ang last letter ko?

Sa thirteen days kong pagse-send ng message in a bottle sakanya. Thirteen bottles. Thirteen school days. Mauuwi lahat sa wala dahil lang bumalik ang ex niya?

My Heart in a Bottle [shortstory]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon