Chapter 26

160 9 1
                                        

JEMA's POV

Nagising ako dahil sa sakit ng ulo ko. Naparami yata ako ng nainom kagabi. Mabuti na lang at wala akong pasok today nang makapagpahinga ako. Bumaba na ako upang mag-almusal para makainom ako ng gamot.

"Oh, anak, Jema,gising ka na pala. May inihanda akong sabaw doon upang mawala ang hang over mo." Bungad sa akin ni nanay Melly.

"Salamat po, nay" tugon ko at pumunta na sa kusina at nakita ko doon ang inihandang almusal ni nanay.

Nang matapos ako ay uminom na ako ng gamot para mawala ang sakit ng ulo ko. Bumalik ako sa room ko upang maligo para kahit papano ay gumaan ang pakiramdam ko. Nang matapos akong maligo ay blinower ko ang aking buhok.

Wala akong maisip na gawin, hindi pa naman ako mapakali kapag wala akong ginagawa, kaya naisipan kong mag-grocery na lang sakto at kakaunti na lang ang laman ng ref.

When I arrived at the mall, naghanap muna ako ng mapaparkingan. Hindi naman nagtagal ay nakahanap ako.

Nagtungo muna ako sa area ng mga snacks at mga delata at inihuli ko ang nga prutas, gulay at mga meat. Bumili rin ako ng iba pang kailangan namin sa bahay, pagkatapos kong namili ay nagpunta ako sa parking upang ilagay sa sasakyan ang nga pinamili ko.

Sa kadahilanang ayaw ko pang umuwi ay naglibot-libot muna ako dito sa mall, nagtungo ako sa isang branded na shop at tumungin tingin ng mga damit kung may magugustuhan man ako.

May nagustuhan naman ako kaya kinuhan ko na, namili na rin ako para kay Mafe at para sa nga kasama bamin sa bahay. Nang makabayad ako ay naghanap naman ako ng kakainan ko ng lunch, wala akong mahanap na gusto kong kainan kaya naisipan kong magpunta ng Tagaytay. Ewan ko ba at bigla na lang pumasok sa isip ko na mag-Tagaytay ako. Kaya naman bumiyahe na ako.

Nakarating ako dito sa kilalang restaurant sa Tagaytay. Umorder na ako ng pagkain ko, habang naghihintay ako sa order ko ay may biglang nagsalita. "Jema? Jema Galanza?"

Inangat ko ang aking paningin at nakita ko si Warren... Warren Elias, classmate ko noong college. Isa siya sa mga heartthrob ng campus namin noon, hindi lang siya guwapo, mabait, friendly at siya rin ang captain ball ng basketball team noon.

"Warren!" At kinamayan ko siya.

"Wow, 'di ka pa rin nagbabago, ang ganda mo pa rin."

"Baliw! Kamusta ka na pala?"

"I'm good, busy lang dito sa restaurant. How about you? How are you?"

"Ito umiikot ang buhay sa hospital."

"Oo nga pala ikaw na pala si Dr. Jessica Margarette C. Galanza... habang ako eto."

"OA ka naman, ikaw ba? 'Di mo ba naisip magtrabaho sa hospital? Naipasa mo naman ang PLE noon ah?"

"Nagtrabaho naman ako sa Canada but my parents wants me to handle our business here in Tagaytay. At first I tried na pagsabayin ang pamamahala dito sa restaurant at ang pagiging doctor pero ang hirap pala. Kapag kailangan ka sa hospital kailangan ka rin dito, kaya nag give up na lang ako sa pagiging doctor." malungkot nitong kuwento. "Pero ngayon naghahanap uli ako ng papasukan kong hospital, may napagkatiwalaan naman na ako dito sa restaurant." dagdag nito.

"Kung gusto mo doon sa work place ko, umalis na kasi yung isa at nagpunta na ng ibang bansa. Baka sakaling gusto mo."

"Really?"

"Yeah, kung gusto mo bukas sasamahan kitang magpasa ng resume mo."

"Thank you, Jema! Dahil diyan sagot ko na ang lunch mo!" sabi nito.

"Naku! Warren, 'wag na." pagtanggi ko.

"Ano ka ba Jema, okay lang 'yun. Tagal din kaya natin 'di nagkita kaya treat ko na sayo 'yan." sambit niya at ngumiti. Nagusap pa kami habang kumakain kami, sinabi ko kasing sabayan niya na ako nag lunch. Pumayag naman siya, marami pa kaming napagkuwentuhan.

"Thank you for the treat, Warren!" sambit ko habang kami ay naglalakad palabas ng restaurant.

"Wala 'yun, ako nga dapat ang magpasalamat kasi mas pinabilis mo paghahanap ko ng trabaho." nang makarating kami sa parking lot ay papasok na sana ako ng car ko, "Jema, can I get your number? Para I can message you bukas." habol niya, ibinigay ko ang phone number ko at umalis na rin ako.

Habang pauwi ako ay nagvibrate ang phone ko, sinilip ko saglit ito.

Unknown:

It's Warren.

Text me when you get home.

Hindi ko na siya nireplyan pa at ako'y nagmamaneho.

Nang makarating ako sa bahay ay ibinababa ko na ang nga dala ko. Tinulungan na rin ako ng mga kasamahan namin dito sa bahay.

"Nay Melly, ito nga po pala oh, pasalubong." ibinigay ko sa kaniya ang damit na binili ko sa kaniya, naibigay ko na rin ang para sa iba.

"Naku, nag-abala ka pa." at ayaw pa niyang tanggapin pero sa huli ay hindi rin naman siya nakatanggi, alam kasi niya na magtatampo ako sa kaniya. "Nga pala 'nay, may dala rin po pala akong pagkain." dagdag ko at iniabot sa kaniya ang mga binigay ni Warren na pampasalubong.

Sa tagal pala naming nagkuwentuhan ay hindi ko namalayan ang oras kanina na 3PM na ng hapon, pagkatapos kasi naming kumain ni Warren ay inilibot pa niya ako sa garden ng restaurant nila. Kaya madilim na ngayong nakarating ako dito sa bahay.

Umakyat na ako at nagtungo sa room ni Mafe, "Oh, sayo." at iniabot ko sa kaniya ang pasalubong ko.

"Wow teh, 'di uso katok sayo? Pero thank you dito, love you!" usal niya at tsaka ako nagtungo sa room ko upang mag half bath.

Nang matapos ako ay nag-open muna ako ng cellphone ko, nakita ko ang message ni Warren kaya nireplayan ko ito.

Jema:

Hi, Warren! Nakarating na pala ako. Salamat nga pala sa araw na 'to.

Binaba ko ang aking cellphone dahil nag-aya na sila nanay Melly na magdi-dinner na kaya bumaba na ako. Hindi masyadong madami ang kinain ko, ng matapos akong kumain ay bumalik din ako agad sa kwarto ko at nag check ng emails ko kung may mga nagpa appointment.

Habang nagchecheck ako ng emails ko ay nagvibrate ang phone ko.

Warren:

Good to know.

Good evening! Anyway, can you send me the location ng hospital? I forgot to ask you kanina eh 😄

Jema:

Good evening too, Warren!

Sorry, [location]

Warren:

Thank you, Jema! I'll see you tomorrow na lang.

Good night 😴

Hindi ko na nareplyan pa si Warren dahil sa pagod ko at nakatulog na ako.

𝗠𝘆 𝗗𝗿𝗲𝗮𝗺 𝗕𝗼𝘆Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon