JEMA'S POV
Maaga akong nagising dahil nabalitaan ko ang nangyari sa site. Sinabi sa'kin nina Jho na nagkaproblema raw sa supplies at sa mixer.
Kaya maaga rin akong nagising para pumunta sa condo ni Dean, nasabi rin kasi ni Jho na grabe raw ang galit at frustration ni Dean when he knew what happened sa site. Nagluto lang ako ng breakfast at ng tanghalian, yung tanghalian niya ay para may babaunin siya sa site.
Nang nakagayak na ako ay nagtungo na ako sa condo ni Dean. Tinanong ko na lang kay Ben kung saan ang condo unit niya. Noong makarating ako condo niya ay nagtungo na ako sa unit niya. Nag doorbell na ako ngunit mahigit sampung minuto na ako rito ay wala pa rin nagbubukas ng pintuan. Habang hinihintay ko parin na may magbukas ng pintuan ay may nagsalita sa likod ko.
"Doc, naparito ka?" tanong ng kung sino.
"Oi! Jay, ikaw pala. Nabalitaan ko kasi yung nangyari sa site kaya naisip ko na kamustahin sana si Dean. Nga pala, tulog pa ba siya ng ganitong oras? Kanina pa kasi ako nag dodoorbell kaso walang nagbubukas." banggit ko sa kaniya.
"Naku, Doc. Umalis na siya kanina pang 5AM. Kailangan niya raw kasing makarating sa site ng mas maaga kasi ngayon yung dating ng mga supplies na dapat kahapon pa pero yun nga po nagkaaberya. Tsaka mag uusap pa kasi sila ng Attorney niya tungkol sa nangyari kahapon." sabi ni Jay sakin.
"Ah ganun ba." ewan ko kung bakit nalungkot ako sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
𝗠𝘆 𝗗𝗿𝗲𝗮𝗺 𝗕𝗼𝘆
أدب الهواةGinawa ko pong boy dito si Deanna,Bea,Tots,Jaycel and other's Hi I'm Arch.Dean Ian Alvizo Wong 23 yrs old Hi I'm Doc.Jessica Margarette Casidsid Galanza 23 yrs old I just want to apologized to those name involved in this story without asking any pe...
