JEMA'S POV
Maaga akong nagising kinabukasan, pero ayaw ko pang bumangon. Nakahiga lang ako, nakatitig sa kisame, habang marahang umuugong sa isipan ko ang mga nangyari kahapon.
Ang Tagaytay air, the way Warren smiled when he saw me again, that nostalgic feeling of meeting someone from your past—lahat 'yon parang bumabalik sa isipan ko habang nakahiga pa rin ako.
Warren Elias.
The name alone brings back a lot of memories. College days. Long lectures. The sound of the crowd cheering every time he scored during intramurals. The heartthrob everyone adored.
And me? I admired him—but that's all it ever was. Admiration. Nothing deeper. Wala akong naramdaman noon na kilig or spark. Maybe fascination lang sa kung gaano siya ka-determined sa goals niya.
He used to tell us, "Someday, I'll play semi-pro and be a great doctor."
But now he's back here, managing business instead of chasing the court lights in Canada. Life can be unpredictable that way.
I sighed, bumangon na rin ako at nag-ayos ng kama. Pagbaba ko, sinalubong ako ni Nanay Melly.
"Oh, anak, gising ka na pala. May kape na diyan."
"Salamat po, Nay," sabi ko habang kinuha ang mug.
"Ang aga mong nagising, hindi ka ba napagod kahapon?"
"Medyo po." sagot ko sabay ngiti.
Hindi ko ma rin naikuwento kay Nanay Melly ang mga nangyari kahapon. Alam kong kapag nalaman niyang nagkita kami ni Warren, hindi na 'yun matatapos sa simpleng "Ay siya yung lalaking laging nadalaw dito sa bahay, 'yun ba'y manliligaw mo noon?" Hindi naman talaga nanligaw. Walang nangyaring gano'n.
After breakfast, I got ready for work. Kahit Sunday ngayon, may mga urgent cases akong kailangan i-check sa hospital—part of the job.
While I'm on my way ay naisipan ko munang bumili ng kape. Binilhan ko na rin sina Yumi. Pagkatapos kong bumili ay nagpatuloy ako sa byahe patungong hospital.
Nang makarating ako ay dumiretso ako sa office ko at nadatnan ko na doon si Yumi na inaayos yung mga laruan ng mga bata. Yumi's like that ever since she came, kahit na naayos niya na 'yun before siya umuwi ng gabi, aayusin pa niyan kinabukasan bago ulit laruin ng mga bata.
"Good morning, Yumi! Okay na 'yan, super linis na oh. Here coffee." at iniabot ko ang coffee niya. Yung coffee naman nina Kyla, inilagay ko muna sa table ko dahil alam kong pupunta rin sila dito.
Bigla na lang kaming nakarinig ng malakas na sigaw ng bumukas ang pinto ng office ko, "GOD MORNING PEOPLE!" sigaw ni Kyla, told you.
"Umagang-umaga teh, ang sakit sa tenga." si Yumi with matching hawak sa tenga.
"Shhh! Kunin niyo na mga kape niyo at bumalik sa trabaho." awat ko sa kanila. Sinunod naman nila ang aking sinabi.
Pagkaupo ko sa swivel chair ko ay tumunog ang aking phone.
Warren:
Good morning, Doc Jema ☀️
On my way to submit my resume later. Thanks again ha!
Napangiti ako. Warren never really changed. Still the same cheerful, confident guy.
Jema:
No problem. See you later siguro sa hospital.
Binaba ko na ang aking phone, lumabas ako at nagtungong nurse station.
"Good morning, Doc," bati ng isa sa mga nurse.
BINABASA MO ANG
𝗠𝘆 𝗗𝗿𝗲𝗮𝗺 𝗕𝗼𝘆
FanfictionGinawa ko pong boy dito si Deanna,Bea,Tots,Jaycel and other's Hi I'm Arch.Dean Ian Alvizo Wong 23 yrs old Hi I'm Doc.Jessica Margarette Casidsid Galanza 23 yrs old I just want to apologized to those name involved in this story without asking any pe...
