#7

122 6 0
                                    

ARA

Kung gusto mong kunin o gawin ang isang bagay maraming paraan perong kung ayaw mo maraming dahilan.

Kaya nga gumagawa ako ng paraan para makuha ko ang loob ng Mr. Manhid na yan ehh....

"Ara anong mukha yan?? paemote-emote nalang ganun??"
Grabe di niya alam na hanggang ngayon eh nahihiya parin ako sa pinaggagagawa niya sakin kahapon...

"Ewan ko sayo!! naiinis ako sayo !!" Itong baklang to

"Ara diba next week na ung Intramurals?!" Sabi niya

"Ehh anong gagawin ko??" Parang timang to si bakla!! anong pakielam ko kung intrams na next week.

"Gaga ikaw yung Muse tapos si Bryan yung Escort!!" Sabi ni bakla

"Anong gagawin ko kung muse ako tapo siya escort??" 

"Bobita!! malamang kayo ang ipanlalaban ng section natin!! enebeyen ang SLOW!!"

Ayy, oo nga no!! shemss kami pala ang partner kailangan kong kumilos para matapos na yung Dare nung dalawa!!

"OO nga pala Ara!! Punta tayo sa bahay niyo ahh!! " 

"Anong gagawin natin dun Daine?? " Ano naman kaya gagawin namin sa bahay!!

"Tamabay lang!! Sama naman si Angel ehh!! Diba ANGEL??" sabay siko niya kay Angel..

"Ay OO!! " weird~....

"K." yan nalang ang nasabi ko dahil dumating na yung teacher namin...

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

Lunch time..... 

"Oy! Ara Movie marathon sa bahay niyo ahh!! para naman may gawin tayo dun!!" sabi ni Daine

"Ehh anong papanoorin??"

"Ahmmm kahit ano nalang basta may mapanood!!" sabi ni Daine

"Ahhh gege kain na tayo!!"

Oo nga pala! dito kami sa canteen kumain kasi nakakatamad kapag lumabas pa kami.. tsaka nakatamad pumunta dun sa dati kong kainan....

"Ara bili tayo mamaya ng maraming foods ahhh!!!" sabi ni Angel

"gege"

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

Bryan

Himala at walang nanggugulo sa paghiga ko dito sa puno. Walang storbo. Pero parang siya talaga si.....

"Bryan natutulog ka nanaman diyan!! may practice kaya tayo!!" sabi ni Kelvin

Si Kelvin lang ang medyo kaclose ko dito sa school. Siya kasi ang una kong nakilala dito sa School na ito. Medyo may pagka Playboy yang g*gong yan tsaka pati bakla pinapatos niyang kumag na yan....

"gege una ka na iidlip lang ako..."

"Ge Bro una na ko!!" sabi ni Kelvin

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

Daine

Andito na kami ngayon sa bahay nila Ara. Inutusan ko si Angel na bumili ng foods para may kainin kami mamaya kapag nanuod na kami movie....

Parang gusto kong magFB.....

"Uhmm Ara paheram ako ng CP mo..."

"Ito ohh!!" sabay abot sakin nung cellphone niya..

Kinuha ko kagad yung cp ni Ara, tapos inopen ko ung FB...

Halaka nakabukas pa dito yung fb niya...Mapagtripan nga...

Tinignan ko yung mga online ngayon na friend niya...So friend niya na pala si Bryan!

Machat nga...

Ara: Bryan ang ganda ko

Bryan: ahh... oo nga....

Ara: Wehh di nga?

Bryan: Oo nga tiwala lang....

Ara: Sure ka??

Bryan: oo nga unli?...

Sarap pala kausap toh ehh nakikisakay sa usapan hahahaha... patay ka ARA!!

Ara: Wagka mag-alala Gwapo ka naman Tiwala lang....

Bryan: oo nga ehh tiwala  lang...

Ara: Oo nga ehh Ikaw GWAPO ako MAGANDA...hahahaha....

Bryan: Unli??

Ara: Oo kakaload ko lang xD

Bryan: kaya pala...

Ara: Basta maganda ako!!

Bryan: Hahaha....

Ara: bye ALDUB you!!

typing...

Ano kayang sasabihin ni Bryan??

Hahaha LAFTRIP tohhh!!!!

Antagal naman.......

Bryan: Bye..

OHHH hahahahaha 'bye ' lang ang reply ni fafa Bryan....xD

"Ay oo nga pala Daine akin na yang Phone ko nakalimutan kong i-Out yung FB ko"

Inabot ko sa kanya yung phone......

Nagulat siya ng mapansin niyang kachat ng Fb niya si Bryan..

"DAINE!! ANONG PINAGGAGAGAWA MO SA FB KO!!" sigaw ni Ara

"Hahahahaha ayaw mo nun, may move ka na!! Kaso wawa naman 'bye lang ang huling sinabi ni fafa Bryan!!"

"Humanda ka sakin DAINE!!!!"

Hahahaha Laftrip talaga si Ara.......



Seducing Mr. ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon