Entry Six

693 38 9
                                        

Dedicated to @serene_09 .

************************************************************************************************************************************************************************

ENTRY SIX

"I will protect you." Ang mga katagang hindi mawala sa isipan ni Snow. Sino ba naman kasing mag aakala na maririnig niya ito galing sa mismong bibig ni Scythe.

Gustuhin man niya tanungin ito kung anong dahilan nito ngunit mas pinili na lang niya ang manahimik.

"Snow?" Tawag ni Stella sa kanya.

"Ah, bakit Stella?" She asked back.

"Ahm...He's here." Tila nahihirapang sagot ni Stella. She wanted to ask pero natigilan siya ng makita ang taong nasa likod ng kaibigan.

Walang sabi-sabing dinampot niya ang unan sa tabi niya saka binato ito sa lalaking papasok pa lang sa silid niya.

"I-Snow?" Nauutal na sabi ni Stella.

"Wh-what the hell did you just do dimwit?"

"What the hell mukha mo!! Labas!!" Snow angrily shouted at akmang babatuhin pa niya ito pero umawat na si Stella.

Pag-angat ng lalaki sa kanyang ulo ay doon lang niya napagtanto kung bakit ito nagalit.

"I didn't mean it. Tsk. I'll be waiting downstairs." He said at tuluyan ng umalis.

***

"Why the long face? I already said I'm sorry. Tsk." Wika ni Scythe ng nasa sasakyan na sila.

Hindi parin umimik si Snow. Naiinis parin siya dahil sa ginawa ng lalaki. She's half naked at that time kaya naman lubos ang pagkainis niya. Sa dinami daming lalaki ay ito pa ang makakakita.

"Hey..." Untag ni Scythe sa kanya pero sinimangutan lang niya ito. "God, you're unbelievable. Base on what I saw, wala ka namang dapat ikagalit – " Napatigil si Scythe ng bigla siyang sapakin ni Snow. "What the hell?!!" Naiinis na niyang tugon. Nagtitimpi na siya pero konti na lang at mauubos na pasensiya niya sa babae. Siya ay isang prinsipe at wala pang nakakagawa ng ganito sa kanya.

"Stop the car. Bababa ako." Snow said at huminto naman ang sasakyan saka agad siyang bumaba bago pa man siya mapigilan ng lalaki. "Bastos!" She shouted at patakbong umalis.

"Wait! Damn!"

Dahil sa inis niya sa lalaki ay takbo lang siya ng takbo hanggang sa di na niya alam kung saan siya napadpad.

Damn... Nasaan na nga ba siya? Pero ng maalala niya yong lalaki ay bumalik ang inis niya at nagpatuloy siya sa paglakad. Natagpuan niya ang sarili sa isang bakanteng lote. May mga nakatambak na kahoy kaya doon siya naupo at nagpahinga.

Pinikit niya ang kanyang mga mata at pilit na pinapakalma ang sarili.

"Hoy Miss, mukhang napadpad ka ata sa teritoryo namin." Wika ng isang boses kaya napadilat siya.

Sampung lalaki na nakauniporme ang nasa harapan niya. Mukhang mga nasa high school pa din ang mga ito pero parang mga walang ginawang tama ang pagmumukha ng mga lalaki.

Napalunok si Snow ng laway at agad na niyang napagtanto ang mangyayari. "I smell trouble." Bigkas niya na tila narinig nung isa.

"Ano sabi mo?"

"Wa-wala... Ahahaha... Pa-pasensiya na. Sige, aalis na ako." Ani Snow saka tumayo at nagsimulang maglakad palayo ngunit hinawakan nung isang lalaki ang kanyang kanang braso.

DESTINY : I AM SNOWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon