Entry Seven

1.1K 50 18
                                        

Dedicated to @purple_therhine

New Cover thanks to @gone_anonymous ^_^ Maraming thank you po. I lili lili like it. For BLACKROSE din siya ang gumawa ng new cover :P

And thank you din sa mga readers ng stories ko. Muaaahh!

Xoxo DES

**************************************************************************************************************************************************************************

Entry Seven

Nagbabasa si Snow sa kanyang upuan ng biglang may pumasok na tatlong babae sa classroom nila.

"Sino dito si Snow?!"Sigaw nong babaeng nasa gitna. She has a long shiny hair pero pang gangster ang aura nito.

Lahat ay napalingon sa kanila at pagkatapos ay napatingin kay Snow na prente ang pagkakaupo sa pwesto niya.

"I am. Anong kailangan niyo sa akin?"Snow answered sabay baba ng librong binabasa niya.

Tahimik ang paligid at tila nakikiramdam lang ang mga kaklase niya.

"Sumunod ka sa amin." Wika nong babae.

Napakunot-noo ni Snow sa sinabi nito. Ano nga ba kailangan nila sa kanya?

Magtatanong pa sana si Snow ng tinalikuran na siya ng mga ito. Napabuntong-hininga na lang siya saka ibinalik ang atensyon sa binabasa na tila walang nangyari. Sa totoo lang, bakit naman siya susunod sa mga sinabi nito dib a?

At isa pa, tinatamad siya kaya hahayaan na lang niya yong mga babaeng yon.

"A-ahm...Hi-hindi ka ba natatakot sa kanila?" Biglang sabi ng babaeng nasa tabi niya.

Napatingin siya dito at ibinaba ulit ang libro.

"Bakit naman ako matatakot sa kanila?" inosenteng sagot ni Snow. Sabagay, wala naman talaga siyang alam dahil sa bago pa lang siya sa school na iyon.

"Mga Senior yong nagpunta dito. Sa pagkakaalam ko, sila yong taga Class C. Delikado na makaaway sila."

"Ha? Sandali, wala akong maalala na inaway ko sila."Nalilitong sagot naman ni Snow.

Sasagot na sana yong katabi niya ng dumating na ang kanilang guro. Kaya kanya-kanyang balik na sila sa pwesto at itinuon ang atensyon sa nagsasalitang guro.

Tumunog ang bell na hudyat ng lunch time. Lahat ay kaagad ay nag ayos ng gamit at tumayo.

"Mag-ingat ka sa kanila." Wika nong katabi ni Snow bago ito lumabas sa classroom nila.

Napailing nalang siya habang inaayos ang mga libro sa desk niya.

Maya-maya ay lumabas na si Snow ngunit nagdesisyon siyang pumunta muna sa comfort room bago tumuloy sa dinning hall.

Pagkapasok niya ay pinili niya ang pinakaunang cubicle. Habang relax na relax lang ang pagkakaupo niya sa bowl ay biglang narinig niya ang pabagsak na pagsara ng maindoor ng cr. Kaagad niyang inayos ang damit at lumabas sa cubicle.

Yong tatlong babae kanina na nagpunta sa classroom nila ay ang nabungaran niya sa labas.

"Anong kailangan niyo sa akin?" Snow asked again.

Walang sabi-sabing kwenelyohan siya nong babaeng nasa gitna.

"Don't act innocent! Do you think na tatahimik lang kami sa ginagawa mo?!!" Sigaw nito right straight to her face sabay tulak sa kanya sa pader.

Napangiwi si Snow dahil medyo masakit yong ginawa ng babae.

"Sa-sandali nga. Ano bang kasalanan ko sa inyo?!"Tanong ulit ni Snow sabay tinanggal ang pagkakahawak ng babae sa kwelyo niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 29, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DESTINY : I AM SNOWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon