Entry Three

539 39 3
                                    

Entry Three

Hindi parin mawala sa isip ko ang lalaking yon. Kahit saang anggulong tignan – kamukha niya si Cahlil. Haytz. Bakit ba ako nagkakaganito? Samantalang dati eh inis ako sa lalaking yon dahil sa higpit magbantay. Pero ngayon... Haay... Cahlil...

"Kamusta na pakiramdam mo?"

"Okay na. Konting sugat lang naman to." Sagot ko sabay ngiti.

"Nga pala.."Aniya at may kinuha siya. "Here. Simula bukas papasok ka na din sa school na pinapasukan ko." Nakangiti niyang sabi sabay abot sakin ng damit.

"A-ano ibig mong sabihin?"

"Sa tingin ko naman magkasing edad lang tayo. Niregister kita sa school and don't worry. Snow Walker lang nilagay ko." Sabi niya.

"Maraming salamat talaga Stella."

"Walang anuman yon. Nagpapasalamat nga ako at nakilala kita. Atleast hindi na ako mag-iisa dito sa bahay.

Oo nga pala. Pansin ko nga na siya lang mag-isa dito maliban sa mga katulong nila. Namiss ko tuloy sila ni Kuya. Kamusta na kaya sila? Galit ba sila sa akin?

Napabuntong-hininga na lang ako sa mga pumapasok sa isip ko.

Malamang galit sila sa akin.

(Scythe's POV)

That girl... There's something strange about her. Demons don't usually do that. They don't have specific target. Hangga't may pedeng atakihin, aatakihin nila. Pero yong kahapon...

Blood... I want your blood...

What does it mean?

Napalingon ako sa pintuan ng bumukas ito.

"Report?" I said.

"Level D lang yon and wala ng iba pang kakaiba sa halimaw na yon." Liam said.

I just nod.

"Pero ang nakakapagtaka ay yong kinilos ng Level D na yon." He added.

"Yon nga ang iniisip ko. We've been battling with them for so long as I can remember – pero ngayon ko lang nakitang ganon ang isang demon."

What is happening?

(Snow's POV)

Andito na kami ngayon ni Stella sa school nila. Pagkatapak ko palang ay tila nakaramdam na ako ng familiarity sa lugar. Ewan ko ba pero ramdam kong alam ko ang lugar na ito.

"Snow, ayos ka lang ba?"Puna sa akin ni Stella.

"O-oo... " Sagot ko at inilibot ang paningin ko.

Bago lahat sa paningin ko pero...

Pagtingin ko kay Stella wala na sa akin ang atensyon niya. Kaya sinundan ko paningin niya. Kita ko din na nakatingin sa may bandang gate halos lahat ng estudyante.

Maya-maya ay may dumating na magkasunod na sasakyan. Everyone gasped ng bumaba ang sakay ng mga ito.

It was him. Yong kamukha ni Cahlil.

"Ahm Stella?" Untag ko sa kanya. She was looking at that guy so intently. "Stella?" I called her name again at doon lang siya napalingon.

"Oh... Pasensiya na.." Aniya at biglang pinamulahan siya ng pisngi.

I have a feeling that... Ah... Wag nga muna...

"Pedeng malaman kong sino siya? Sila? I mean siya yong nagligtas sa akin nong isang araw."

"Ah... The who saved you was Lord Scythe Van William, the Second Son of the current Emperor. He is the Leader of the Knights." She said at kita sa mukha niya ang paghanga sa lalaki.

Sabagay, kahit na sinong babae ay hahanga sa kanya. Kahit naman kay Cahlil noon. Everytime na sinusundo niya ako sa school, di magkawari ang mga kababaehan.

"Yong nasa right-side naman niya ay si Lord Liam Lester Iemes. Actually he's my cousin. Kapatid ng papa ko ang mama niya. Yong nasa left-side naman ay si Lord Chris Freiry Gyffard. Eldest son of the Grand Duke of Lurkan City. Yong dalawang nasa likod ay sina Lord Lance Athrun Guilbert and Lord Stiff George Wymer. Parehong mga anak din ng kilalang Nobles. Actually Twelve yan sila and they consist the Knights of the Round. Kaso nasa mission yong iba."

Napatango lang ako at napatingin ulit sa kanila. Nasa Second Floor Hallway kami kaya kitang-kita namin sila. Sa di inaasahang dahilan ay biglang napatingin sa direksyon namin yong si Scythe. Ewan ko ba at bigla akong napatalikod.

Eksakto namang pagtunog ng bell.

"Tara na Snow... Baka ma-late pa tayo."

Tumango lang ulit ako pero bago umalis ay napatingin ako sa baba. And he was still staring at our direction. Tinawag ako ni Stella kaya tumalima na ako.

What was that?

Medyo nahirapan ako sa lesson nila. Malayong-malayo sa pinag-aralan namin dito. Pero iisa lang ang alam ko, in this world demons are lurking. And they are classified according to its power and ability. Kung hindi ako nagkakamali, yong umatake sa akin ay isang Level D.

Napatingin ako sa bintana.

Demons huh. During our time demons are only found in forests. Hindi sila basta-bastang makakababa sa bayan. Pero ngayon... Mukhang naging high-tech na din ang mga demons.

Break time na at iniwan ako ni Stella since nagpatawag daw ng meeting ang Council President. Well, she's the VP after all.

I still have 45 minutes left bago ang kasunod na klase kaya minabuti ko na lang maglibot-libot.

Hanggang sa mapunta ako sa likod ng building namin. Somehow, naging pamilyar sa akin ang tanawin.

Naglakad pa ako hanggang sa matagpuan ko ang sarili ko sa isang Ancient Ruin. And as far as I know at hindi ako kailanman magkakamali.

"Parte ito ng dating school namin." Bulalas ko at nagsimula na ulit maglakad.

500 years huh. Pero andito parin ito. Now I know why I felt like pamilyar ang atmosphere since ito lang din ang paaralan namin dati.

Umupo ako sa bench na inuupan namin dati ni Fenrir.

Napabuntong-hininga na naman ako habang naaalala ang mga nangyari.

I closed my eyes and reminisce the past.

"Fenrir..."

"What are you doing here?"

Bigla kong naimulat ang mga mata ko at hinanap yong nagsalita.

It was him again.

"How did you know this place?" He asked.

Paano ko siya sasagutin? Should I tell him na matagal ko ng alam like 500 years ago? Duh... As if he would believe me. And besides, I need to keep my identity hidden.

"Matagal ko ng alam ang lugar na to." Sagot ko at pansin kong naguluhan siya. Ngumiti na lang ako at tumayo."Salamat nga pala and pasensiya na kong napagkamalan kita." I added at tinitigan lang niya ako. "Ahm... Bakit?" I asked since nakatitig parin siya – no, kundi sinusuri ako.

"Who are you?" Aniya.

Parang gusto kong matawa. Even his voice is the same with Cahlil, yet in reality he's not him.

"Snow... Snow Walker..." I said and this time tila nabigla siya. "Mauna na ako." I added and umalis na ako.

(Scythe's POV)

"Snow Walker..." Pag-uulit ko sa pangalan niya.

Her name and voice...

Who are you really?

To be continued...

**************************************************************************************************************************************************************************

DESTINY : I AM SNOWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon