Margaux's Pov.
"Yes magkaklase tayo ulit!" Sabi ni girl sa kaibigan nya.
"Oo nga!" At nakipag appear sya sa kaibigan. Yung section ko naman hindi ko makita kasi nakaharang pa yung dalawang babae sa harap ko."Pwede ba? Umalis na kayo kung tapos nyo ng tignan yung inyo." Sabi ko at lumingon naman sila.
"Bakit? Sino ka ba?" Tanong nito.
"Bakit? Sino ka ba para tanungin ang pangalang ko?" Bungad ko sakaniya.
"Tara na nga alis na tayo dito. Wag mo na syang pansinin." Sabi ng kaibigan nito at hinila yung kasama niya paalis. Tinarayan naman ako nito.
Ngayon hinahanap ko yung section ko nung nahanap ko na ganun parin Section B parin naman ako. Hay sa wakas ayoko kasing malipat ehhh. Dumiretsyo nako sa classroom ko at pagkatapos kong buksan yung door. Maybiglang yumakap sakin naikinagulat ko naman.
"Margy!!!" Sigaw ni Anika habang yakap yakap ako.
"Ano ka ba?" Sabi ko at kumalas sya sa pagkayakap.
"Heto naman namiss lang kita." Sabi niya at nag pout sya binatukan ko naman sya.
"Aray naman""Wag ka ngang OA kahapon naman magkasama tayo ha." Sabi ko. At tumawa lang sya. Umupo na kami at katabi ko sya.
"GoodMorning! Nate!" Bati ni Anika. At lumingon naman ito.
"Ayy nanjan na pala kayo Goodmorning!" Bati nito samin. Tinignan ko naman yung katabi niya at mukhang hindi kami pinansin.
"Yung isa jan hindi namamansin o." Parinig ko pero wala parin. "Broken hearted siguro." Parinig ko at agad naman sya lumingon at sinamaan ako ng tingin.
"Ano ba ang aga aga nangiinis ka?" Sabi ni Caden.
"Bakit masama?" Tanong ko.
"Oo! Kasing sama ng mukha mo." Sabi nya at yun ang kinainis ko.
"Mas lalo sayo mukhang Kulugo." Sabi ko.
"Ahh ikaw naman talagang kulogo." Sabi niya at tumawa. Tumawa din si Nate at Anika. Sinamaan ko naman sila ng tingin.
"O wag kang pikon." Sabi ni Anika habang tinatapik yung likod ko.
"Ano ba?" Ungol ko.
Mayamaya pumasok na yung teacher namin. "Goodmorning Class!" Bati nito at binati din namin sya. "Our first activity is to arrange your seats." Pagkatapos sabihin saamin ni Sir. Rayelle yun maraming nagsiungulan.
"Hay naku okay nato ehh magkakalapit tayo." Sabi ni Anika sabay lagay ng ulo nya sa table niya.
"Oo nga masmasaya kung magkakalapit tayo para mas cool hahaha." Dagdag ni Nate.
"Sus nagsalita... bwak..." Sabi ko napabiro.
Nagsimula na yung first activity namin. Gento ginawa ni Sir. Rayelle. Gumawa sya ng numbers at inarrange nya yun at bubunot kami dun. Pagkatapos namin magbunutan naririnig kong may mga nagtatanungan na sa paligid kung saan sila nakaupo yung iba naman nakikipag palit.
"Huy anong number nyo?" Tanong ko kaagad sakanila.
"Sa Second row ako sa third collumn number 24." Sabi ni Nate.
"Ako naman No. 12. Ayoko sa harap!" Sagot ni Anika.
"Last row... Yes! No. 26" Pagdiwang ni Caden.
"Sayo saan ka nakaupo?" Tanong ni Nate sakin.
"Diko nga alam ehhh. Kung saan basta ang number ko No. 34." Nung pagkasabi ko nun biglang tumingin si Caden sakin.
"Now Way! Magkatabi tayo?"
BINABASA MO ANG
Heart Beat Song
Dla nastolatkówMahal mo nga sya. Mahal ka ba niya? Fall out kanga sakaniya. Sinalo ka ba niya. Si Margoux ay isang matapang na babae pero deep inside takot sya. Takot sya sa mga feelings na hindi naman maintindihan. She doesnt have experience in love. Kasi para s...