"Nilibot na namin lahat ng building, wala pa rin si Riley. Asan na ba yung babaeng yun? Jusko naman..." sabi ni Joshua na hinihingal na kakahanap sa girlfriend niya.
Simula nuong natanggal ni Zoey ang sumpa sa amin ni Cara ay napakarami nang nangyari. Isa-isa nang nawawala ang mga malalakas na estudyante ng Powerful Academy. Ito na ba ang katapusan namin? Ito na ba ang katapusan ng Powerful Academy? Pero nararamdaman ko. Kailangan na namin tapusin ni Cara ang inumpisahan ng Black Academy. Kung kaya't hindi na ako nag aksaya ng panahon.
Clark - Sam, mahal na mahal kita tandaan mo yan. May pupuntahan lang kami ni Cara.
Cara - Ku-kuya.. Saan tayo pupunta? Oh teka bakit nandito si Red (referring to the dragon).
Clark - Mamaya ko sasabihin Cara. Ampa na. Bilis!
At ayun na nga, sumampa na kami ni Kuya Clark kay Red.
Clark - Red, pumunta na tayo sa Black Academy. Cara, naalala mo nung nag uumpisa pa lamang tayo ng training? Andami mong pagkakamali pero di ka sumuko. Hindi tayo sumuko. Totoong laban na ito, bunso. Gusto ko na sumang ayon ka sa gusto ko. Tapusin na natin ang sinimulan ng taga Black Academy. Payag ka na ba?
Cara - Para kay Mommy at Daddy, para kina Ate Sam, Riley, Zoey, Joshua at Ed.. Papayag na ako. Pero kuya ano ba talaga plano mo?
Clark - Pag nanduon na tayo, ipangako mo na hindi ka mamamatay. Gawin mo lahat ng dapat mong gawin Cara. Tandaan mo, mahal na mahal kita kapatid ko.
Cara - Kuya naman ehh.. Bakit ka ganyan? Mangako ka rin sa akin ah. Hindi ka pwede mamatay. Alalahanin mo si Ate Sam, kuya Clark. Siya ang lubos na masasaktan pag namatay ka.
Clark - I promise Cara. Malapit na tayo.
Nang naruon na ang kambal ay nag tago muna si Cara. Tapos ay mag iba na sila ng dinaanan. Kung sino ang unang makakakita kay Riley ay itatakas na agad ang dalaga. Ngunit nahirapan sila dahil wala sa palasyo ng Black Academy ang katawan ni Riley. Hanggang sa...
"Cara, nakalibing ang katawan ko.. Bilisan mo.. Nakakulong ang kaluluwa ko sa isang kabaong na kulay light brown..." Sabi ng kaluluwa ni Riley sa aking tainga. Kinilabutan man ako ay nawala rin dahil nakampante ako sa aking narinig. Nakita ko agad ang kabaong na ibinulong sa akin ni Riley. Ibinukas ko iyon at bigla naman lumabas ang kulay berdeng kaluluwa. Nakakapagtaka. Kulay berde ang kaluluwa ni Riley. Hanggang sa nakita ko na ang katawan ni Riley na akmang babagsak dahil sa nawalang enerhiya sa katawan ng babae mula sa pagkaka libing sa kanya.
Samantala.. nagtutuos sina Clark at Cate, ang soul at power eater.
Cate - Yan lang ba ang kaya mo? *smirk*
Binigyan ni Clark si Cate ng isang malamig na tingin. Saka nagpalabas si Clark ng isang dragon. Si Red. Sinubukan ni Cate na kunin ang kapangyarihan ni Clark at ng dragon ngunit naalarma siya dahil hindi niya nagawa. Sinubukan naman niyang kunin ang kaluluwa ni Clark at ng Dragon ngunit bigo pa rin siya.
Clark - is that what you got? Yan lang ang kaya mo? Bakit di ka makipaglaban ng patas?
Cate - Tsss.. Patas? eh kayo ba, kailan kayo lalaban ng patas? Kinuha niyo na lahat sa akin tapos patas pa gusto mo?!
Cara - "cara ngayon na.." (rinig niya sa kanyang isipan) "anulum lucis tolle animam suam ne quis noceat." (ring of light, take her soul and don't let harm anyone.)
Itinapat ni Cara ang singsing na mayroon sila ng kuya niya kay Cate at liwanag. Ang tanging lumabas sa singsing pagkatapos hinigop nito ang katawan at kaluluwa ni Cate. Natapos na ang ginawa ni Cara ngunit nanghina ang dalaga dahilan para mahimatay siya. Sinalo naman ng dragon na si Red. Kasunod nuon ay ang pagsunog ni Red sa Black Academy tapos lumipad na sila papuntang Powerful Academy.
*****************************
Bawi-bawi rin.. Matagal tagal kasi di nakapag update ang Author niyo ehh.. (^_^)
BINABASA MO ANG
POWERFUL ACADEMY:FINDING THE MOST POWERFUL TWINS (COMPLETED)
FantasyMahanap kaya ng magkakaibigan ang kambal na magliligtas sa Powerful Academy? Ano kaya ang naghihintay sa ating kambal na bida sa pagpasok nila sa Powerful Academy? Ano ang mangyayari sa magkakaibigan kapag nakaharap nila ang kambal? NOTE: Say no to...
