Part 17 It's My Turn

454 7 3
                                    

Pagkatapos ni Sarah ng maligo ay nagpapunta na siya ng kusina para mag breakfast. At naabutan pa niya sina mommmy D si Daddy D at Ashley na katatapos lang mag breakfast. Ng nakita ng bata si Sarah ay yumoko nalang ito. Dahil nahihiya ito kanina ng gisingin niya si Sarah. At napansin ito ni Mommy D. Naawa siya sa bata mukhang hiyang hiya ito kay Sarah.

Mommy D

Oh Pot gising kana pala akala ko matutulog ka pa uli?

Sarah

Hindi na ako makatulog mom. Kasi ginising lang naman ako ni Ashley kanina. Tahimik lang si Ashley na nakayuko parin. Parang ayaw na ayaw niyang makita ang mukha ni Sarah dahil natatakot siya nito.Oh bat ka nakayuko diya Ashley ha? Tanong ni Sarah sa bata.

Mommy D

Ashley apo tinanong ka ni Ate Sarah bat ka daw nakayuko ha?

Ashley

Sorry na po Ate Sarah Hindi na po mauulit. Kasi gusto lang kitang makita.Sabay iyak na ito.

Sarah

O ok huwag kanang umiiyak basta huwag mo nang uulitin yon ha. Kasi ayaw ko ng ganon. Tandaan mo yon.At umoo naman ang bata.

Pagkatapos nilang magbreakfast. Kinakausap ni mommy D si Sarah tungkol  Sa bata at tungkol sa pag stay nito sa kanilang bahay.

Mommy D

Sarah anak Napapansin ko sayo mukhang galit ka kay Ashley?

Sarah

Mom ano yon? Galit ako kay Ashley? Naku mom nagkakamali kalang. Feeling mo lang yan.

Mommy D

Naku Pot kilala na kita alam ko kung ano ang naramdaman mo sa bata. Pot huwag naman ganyan bata yan.Wala yang alam  sa mga nangyayari sa inyo ng ama niya. Kaya huwag mo siyang pagbuntungan ng galit mo kay Gerald.

Sarah

Mom, ano bang sinasabi ninyo hindi ako galit kay Ashley. Nagkataon lang na pagod na pagod ako kahapon sa work at kailangan ko ng mahaba habang pagpapahinga. At wrong timing naman itong si Ashley. Kaya ayan napagsabihan lang.

Mommy D

Oh sige na.  Maiba tayo anak ng usapan. Tumawag si Gerald kahapon at sabi niya huwag lang daw munang siyang bisitahin doon na kasama si Ashley dahil ayaw niya na  makita siya ng bata na ganon ang kalagayan niya. Naawa naman ako sa apo ko. Hay bakit naman kasi napagbintagan pa si Gerald.

Sarah

Wow mom ha kung makatawag kang apo kay Ashley ay wagas. Tandaan mo  mom hindi mo siya apo ok. Anak lang manan siya ng babaing pinalit ni Gerald sa akin. Sabi ni Sarah sa ina.

Mommy D

Naku naman anak simpre i consider Ashley na apo ko narin dahil parang anak narin ang pakikitungo ko kay Ge noon. Parang si Yeng kahit ampon ko lang sila pro tinuturing ko silang parang anak ko.Napatingin si Sarah sa ina niya. Oh yang mga mata mo Huwag mo akong tingnan ng ganyan ha. Intindihin mo naman ako anak. Matanda na kami ng Daddy mo Wala man lang kaming apo. Wala man lang bata na tumatakbo dito sa bahay.  Kaya anak pls. Maging mabait ka kay Ashley kawawa naman yong bata wala ng siyang ibang pamilya tayo lang. 

IGUGUHIT KITA SA ALAALATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon