Part 19 Anong Nangyari Sa Ating Dalawa

520 5 1
                                    

Natalo si Gerald sa kaso at nahatolan siya  ng life time imprisonment. Hindi makapaniwala ng mag-asawang Geronimo sa nangyari.Umiiyak si Gerald dahil sa hatol na ginawad sa kanya. Hindi makatarungan ang hatol na natanggap niya. Dahil hindi siya ang tunay na pumatay sa biktima.

Gerald

Habang hawak hawak si Gerald ng mga pulis ay kinakausap niya si mommy d at daddy d na huwag pababayaan ang kanyang anak.At patuloy parin ang agos ng mga luha ni Ge. Hindi niya maitago ang sakit na naramdaman. At kawalang ng pag-asa na makasama pa niya ang kanyang anak. Hindi siya makapaniwala na sa ganitong paraan sila magkakahiwalay ng kanyang pinakamamahal na anak.Iyak siya ng iyak habang hinahabilin niya si Ashley sa mag-asawang Geronimo. Kahit nga si mommy d at daddy d ay napaiyak na rin dahil awang-awa sila kay Gerald.Para itong bata na umiiyak sa kawalan.

Nakauwi na ang mag-asawang Geronimo. At hinang hina ang katawan nila. Parang walang lakas na maglakad at walang ka latoy latoy na magsasalita.At sinalubong sila  ni Yaya pening. At siya namang pagbaba ni Sarah galing sa taas.

Sarah

Oh dad, mom andito na pala kayo. tumingin lang ng malungkot ang mommy niya sa kanya.Anong nangyari sa inyo bat yang mukha niyo  ang lungkot talo pa ninyo ang natalo sa kaso. Pagbibiro ni Sarah sa mga magulang.

Mommmy D

Anak  mag-usap tayo doon sa study room. At nagpunta sila doon. ibinilin ni mommy d  sa yaya na paghinahanap sila ni Ashley ay nasa study room lang sila. Pro huwag papuntahin ang bata sa study room kasi my mahalaga silang pag-uusapan.At ayaw nilang marinig ni Ashley. At tumango naman ang yaya.

Sarah

Mom, Dad ano ba ang pag-uusapan natin.? At dito pa tayo sa study room. Mukhang importante yang sasabihin ninyo.

Daddy D

Anak, natalo sa kaso si Gerald at life time imprisonment ang hatol sa kanya.

Sarah

What??????????????? nagulat si Sarah sa balita ng mga magulang niya.Oo gusto niyang pagbayarin si Gerald sa mga ginawa niyang pagtataksil sa kanya pro hindi niya hinangad na makulong ito ng habang buhay. So paano na yan mommy dadddy? Ano ngayon ang mangyayari kay Ge?

Mommy D

Aapela kami anak sa korte suprema. And this time dapat na mailabas ang sino mang tunay na pumatay sa taong yon. Hindi dapat mahatulan si Gerald dahil wala naman siyang kasalanan. Kawawa naman ang anak niya. Naawa ako kay Ashley. Hayyyyyyyyyyyyyyyyy ang buhay nga naman oh.  Nalungkot din si Sarah sa pangyayari.Naaalala niya ang bata ng umiyak ito dahil hindi niya makakasama ang amang umuwi. Anak sa atin lang ito ha. dapat huwag ito umabot kay Ashley dahil siguro ako na iiyak yong bata.Kawawa naman .

Sarah

Ok mommy. Makakaasa po kayo na hindi ito malalaman ni Ashley. At lumabas na sila sa study room at siya namang padating ni Ashley.

Ashley

lolo, lola andito na pala kayo? Kumusta na po ang papa ko? Uuwi na po ba siya? Nalungkot si Sarah na napatingin sa bata.

Mommy D

Naku apo ok lang si papa mo doon. At sabi niya hindi pa daw siya uuwi kasi busy pa daw sila doon. Kaya hintayin nalang natin  na ok na ang lahat ha. At makakauwi din ang papa mo.

IGUGUHIT KITA SA ALAALATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon