Part 22 When I Was Your Man

586 9 1
                                    

Lumipas ang mga araw,buwan, taon Hindi parin nagbabago ang pakikitungo ni Sarah sa mag-ama. At mas lalo pang nahihirapan si Gerald na gawin ang bagay na mapalapit at mahalin siya muli ng dating asawa. Dahil sa ginugol ni Sarah ang halos lahat ng oras niya sa business ng pamilya . Maswerte na lang sila kung sa isang linggo ay may isang beses makasalo nila sa hapag kainan si Sarah kasi palagi itong umuuwi ng gabi na. At palaging umaalis ng bahay.Talagang desidedo si Sarah na burahin si Gerald sa puso niya ng tuloyan.Dahil sabi niya walang magandang naidulot ang pagmamahal niya kay Gerald kundi puro sakit at paghihinagpis.

Sarah

Mommy aalis po ako mamayang mga 8pm kasama ko ang  mga barkada ko.

Mommy D

Anak huwag kang magalit sa akin ha. Pro pansin ko lang iniiwasan mo ba si Gerald? kasi mag-isang taon na na palagi kang busy. Ni hindi ka na nga namin makasabay kumain. Bat naman ganyan anak?

Sarah

Mom, im sorry po. Pro kumukulo po ang dugo ko pag makita yong taong yon. Eh hindi ko naman sila pweding paalis dito sa bahay dahil hindi ko naman to bahay sa inyo po to ni daddy . Kaya mom pabayaan ninyo nalang ako.Baka darating din ang araw na mawala na ang lahat ng galit ko sa taong yon. Ginawa ko to para sa sarili ko.Dahil ayaw ko rin tong ugali na to. Pro hindi ko naman kayang makipagplastikan. kaya mas mabuti  na  umiwas nalang ako.

Mommy D

Anak hindi parin ba nawawala yang galit mo sa kanya. Matagal na yon anak.Dapat pinapatawad mo na sya.

Sarah

Mom Akala ko nga eh napatawad ko na siya.Noong hindi ko siya nakita ok na ang lahat pro ngayon  na nakita ko siya parang bumabalik lahat ang sakit na ginawa niya sa akin.Pati pa anak ko nadamay. hindi nakayanang mabuhay sa mundong ito dahil na feel ng anak ko na kawawa lang siya.Namumula na ang mga mata ni Sarah. anytime ay tutulo na ang kayang luha.

Mommy D

Anak bakit hindi mo bigyan ng 2nd chance si Ge.Malay natin this time ay ok na ang lahat. At magiging masaya na kayo.

Sarah

Mom, ang mga taong nangangaliwa ay walang karapatang na bigyan ng 2nd chance. Dahil 1st of all. Alam nila na masasaktan nila ang asawa nila.Pro ano ang ginagawa nila ayon patuloy parin sa kalokohan nila.At saka mom. Huwag mong sabihin na gusto mo na magkabalikan kami ni Ge?

Mommm D

Bakit anak hindi naman siguro masama diba.May pinagsamahan kayo. At alam ko na labis ninyong minahal ang isat-isa.

Sarah

Mommy nagpapatawa po ba kayo? Never po mangyari yan. Itaga niyo po sa bato.Mamatay muna ako bago mangyari yan dahil ang makasamang muli si Gerald ay para na rin akong nagpatiwakal. Lingid sa kaalaman ng mag- ina ay may isa din palang taong nakarinig sa pinag-uusapan nila.

Gerald

Alam ko Sarah sinaktan kita ng labis pro hindi ko akalain na Hanggang kamatayan pala ang galit mo sa akin.Ang sakit pala ng malaman mo na kung gaano nasusuklam sayo ang taong labis mong minahal.Ang sakit sakit. Hindi ko alam kung ano pang gagawin ko para mapatawad mo lang. At tuloyan ng tumulo ang  butil ng luha sa mga mata ni Ge.

Ashley

Papa sigaw ni Ashley. Napalingon sila mommy d at Sarah sa likod nila kung saan nanggaling ang boses ni Ashley. Laking gulat nila Sarah at Mommy D na nasa malapit lang pala nila si Ge. At nag-alala si Mommy D baka narinig ni Ge ang pinag-usapan nila kanina ni Sarah.

IGUGUHIT KITA SA ALAALATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon